JIN's POV
Nakatingin ako ngayon sa maamong mukha ni Mae na ngayon ay nakatulog dahil sa pag iyak niya kanina nang malamn niya yung tungkol kay Dave.
Si Jerome naman pinauwi muna si Alexa sa bahay nito dahil hinahanap na din ito ng mga magulang niya kaya hinatid niya muna ito saka naman siya babalik ulit dito sa bahay.
Nandito ngayon ko kwarto ko nakatulog si Mae at mabuti na rin 'tong nakatulog siya para naman kahit papaano di ako mababahala sa kakaiyak niya at malagot pa ako ni Rence— Teka nga, nasan na ba yung gagong yun? Kanina pa yung wala a!
Napapikit naman ako sa inis nang maisip ko si Rence.
Yung gagong yun talaga. Aish.
Lumabas ako sa kwarto at iniwan muna si Mae sa loob habang tulog saka ako dumiretso sa living area para tawagan ang gunggong na yun.
Nakailang ring naman ito at sinagot naman niya agad.
(O bakit?) sabi niya at napahilot naman ako sa sentido saka ako napamewang ng wala sa oras.
"Hoy Rence! Wag mo akong binabakit bakit diyang ha!! Nasaan ka ba!? Akala ko ba mabilis ka lang! Bakit wala ka pa dito?! " sabi ko sa bwisit na 'to.
(Tss. May inasikaso lang ako.) sabi niya
"Inasikaso? Ah talaga lang?"
(Oo..) seryosong sabi niya na ikinatigil ko naman saglit saka ako lumingon dun sa kwarto ko at saka nagsimulang maglakad papunta sa carport na access lang dito sa living area.
"May nangyari na naman ba?" medyo mahina kung tanong sa kanya dahil alam kung merong problema.
(Ano ba sa tingin mo?) irita naman niyang sagot sa akin.
"HOY RENCE KINAKAUSAP KITA NG MAAYOS—"sesermonan ko na sana ang hunghang na 'to ng magsalita siya na ikinatigil ko naman.
(Si Tanda..) seryosong sabi niya na ikinakunot nang noo ko.
YUNG BWISIT NA NAMANG AMA NIYA!?
"BAKIT? ANO NA NAMANG GINAWA SAYO NG BWISIT NA YUN!? HA RENCE—"
(Wag ka ngang sumigaw! Aish.)
"Tss. So ano nga?" balik ko namang seryosong tanong sa kanya.
(He said.. may nalaman siya tungkol sa pamilya ni Dave— ay hindi pala sa pamilya ni Dave— kay Dave mismo.) sabi nito sa akin na medyo ikinabahala ko naman dahil walang alam si Rence patungkol kay Dave.
"Bakit daw?" I sounded normal para di siya magtaka na may alam ako— o baka mas alam ni Rence ano ba talaga ang nangyayari kay Dave.
(Let's talk about it later kasama ang iba— si Mae.. nasan?) tanong nito sa akin.
"She's sleeping kakaantay sayo— at tsaka may nangyaring maliit kanina kaya siya natutulog ngayon—"
(So she knew?) bigla naman niyang tanong sa akin na ikagulat na may pagkahalong pagtataka na rin sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
(Come on Hyung, you can't fool me. Alam kung may alam ka rin sa nangyayari and to be honest? I feel betrayed kaya mag uusap tayo mamaya o baka sa ibang bagay ko pa mapalabas ang galit ko.) sabi niya and after that he hungs up.
Nahiwalay ko kaagad yung celpon ko sa tenga atsabay itong ibinulsa.
Damn!
HYUN's MANSION
💎
![](https://img.wattpad.com/cover/94370340-288-k767077.jpg)
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AçãoLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...