Mag-isa akong kumakain ngayon sa dining table. Hindi ko alam na pati pala taste niya sa pagkain ay nag-iba din. Busog daw siya at ayaw niyang kumain ng gulay.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapa-iling kapag naiisip ko ang problema ko ngayon."Lalim naman po ng iniisip natin."
Kahit hindi ko banggitin ay nagulat ako sa biglang pagsulpot netong si Yngrid.
Napakamot naman siya ng ulo nang mapansin niyang tumigil ako sa pag nguya at uminom ng tubig dahil sa gulat."Nagulat ko ho ba kayo? Pasensya na." nahihiya niyang pahumanhin.
Nang malunok ko na ang dapat malunok e nagsalita na ako.
"Ok lang 'yun. Sa susunod, huwag kang bigla bigla nagsasalita." Sagot ko."Pasensya na po talaga. Hindi ko sinasadya." Sabi pa niya at yumuko.
This time, ako naman itong napakamot ng ulo.
"Alam mo, nawei-weirdan ako sa'yo. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka-feel nun." Sabi ko."Sorry po talaga. Nasanay lang ako sa mga may edad ng inaalagaan ko." sagot niya at umupo sa aking harapan.
"Ganun ba?" sabi ko na tuma-tango tango.
"Huwag mo na akong i-po. Saka, dapat sanayin mo na, na sing edad mo na ang mga sinasamahan mo ngayon." Sabi ko.Tumngo naman din siya. 'yung bang parang para sa akin e isip bata siya.
"Alam niyo po..—" natigil siya sa kaniyang sinasabi at tinakpan ang kaniyang bibig."I mean, alam niyo kung gusto niyong ma-improve ang memory ni miss Bianca, kailangan idala ninyo siya sa mga lugar na makapag-papaalala sa kaniya ng nakaraan niya."
"That's a good idea! Hindi nga nagkamali si Ren sa'yo. Magaling ka nga." Sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay.
"A-ay, salamat po. Ahm, I mean, salamat, Bernard." Sabi naman nito at ngumiti ng naaka tamis.
Cute 'to e. Weird nga lang hehe, feel niyo ba?
"Kung ganun pala, edi kailangan naming umuwi ng Pilipinas?"
"Kung doon kayo mas maraming memories, Kung gusto niyo, sasamahan ko kayo ni miss Bianca sa Pilipinas. Willing naman ako at saka isa pa, doon nakatira ang mga magulang ko." sabi nito.
"Talaga? Pero, iniisip ko parin ang anak ko. Hindi pa namin siya natatagpuan. Gusto ko sana ako din e hahanap sa kaniya."
Umakto naman ito na parang nag-iisip.
"Mag hire na lang kayo ng magbibigay alam sa inyo kapag nahanap na ang anak ninyo." Suhestiyon naman niya."Sige, sige. Hindi ka lang pala nurse lang. I can consult my problems to you too. Bilib na talaga ako sa kaibigan ko na iyon." Bigay puri ko naman.
"too much compliment na ata iyan." Para namang nahihiya siya base sa tono ng kaniyang boses.
"But, now... all I have to do is I will talk to my wife about this matter."
--
"Bernard, hijo... sure ka ba sa gusto mong mangyari?" tanong sa akin ni tita Amalia.
Pumayag na si Bianca tungkol doon. Ngayon, kailangan na lang naming magpaalam kay tita.
Para sa ikabubuti naman ni Bianca ang gusto ko."Ma, I want to know what about my past. About my life back then." Sabat naman ni Bianca.
"Kung ganun pala e sasama na din ako sa Pilipinas para may kasama si ate Bianca habang wala pa siyang naaalala." Si Jas naman ang sumingit ngayon.
"E kahit naman noong hindi pa nagkaka-amnesia ang ate mo e lagi ka ng nakadikit sa kaniya." – tita.
Umirap naman itong si Jas.
"Ah, basta! Sasama ako para maalagaan ko si ate.""Nga pala, hindi ko pa naibanggit sa inyo. May ibinigay ang kaibigan ko na personal nurse ni Bianca. Kasama din namin siyang uuwi ng Pilipinas." Pag-iiba ko ng usapan.
"Sino naman? Babae ba? Ano itsura? Mapagkakatiwalaan ba ate?" sunod-sunod na tanong ng nakababatang kapatid ng aking asawa.
"Mukha naman siyang mabait. Cute siya. Babae siya." Si Bianca na ang sumagot sa tanong niya.
"Ano?! Babae?! Asan siya?! Mamaya baka mukhang mabait lang pero nasa loob ang kulo ah! Baka mamaya mala Francesca din 'yan. Nako, bakit hindi na lang ako kinuha ninyong nurse na mag-aalaga kay ate?" tuloy-tuloy na sabi ni Jas.
"Uh, jas. Ang OA mo na. Nasa hospital 'yung nurse na sinasabi ng kuya mo. Kailangan kasi niyang magreport muna para sa pag-alis niya." sagot naman ni Bianca.
"Paano na si Baby Sam?" – jas.
"May ipapadala ako dito, kaibigan ko din. Siya ang magisisilbi kong mata dito habang hindi pa nahahanap si Sam." Sagot ko.
"Kung iyon ang desisyon ninyo, sasang-ayon na din ako. Tutal, ok na din naman sa inyong dalawang mag-asawa." – tita Amalia.
"No! I object!" - jas
Nasapok tuloy siya ng kaniyang ina. Bigla namang hinawakan ni Bianca ang kaniyang ulo. Sa tingin ko ay sumasakit ito.
"Ok ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" tanong ko.
Nag gesture naman siya na ok lang siya.
"I'm ok. Medyo kumirot lang ang ulo ko." sagot niya at ipinikit ng mariin ang kaniyang mga mata."Are you sure you are ok, ate?" alalang tanong naman ng kaniyang kapatid.
"Baka, normal lang sa may amnesia ang ganiyan. Baka, ibig sabihin nun ay may mga memories na unti-unting nabubuo." Sabi naman ni tita Amalia at hinaplos haplos ang likod ni Bianca.
Sana, sana tama ang sinasabi ni tita. Hindi na ako makapag hintay na may maalala na ang asawa ko muli. Sabik na sabik ako na makasama siya. Syempre, excited din ako na mahanap na ang aking anak na si Sam.
--
Nang makarating na rito sa America ang aking kaibigan na si Dave ay binilinan ko na siya sa mga dapat niyang gawin. Saka, maayos na ang mga papeles namin palipad ng Pilipinas.
Hindi na ako makapag hintay na maidala si Bianca sa mga nagawa naming ala-ala doon at maalala na niya ang lahat.
"O, pare ikaw na ang bahala dito ah. Lagi mo akong babalitaan sa mga nangyayari. Kung may nakita ba kayong bakas na maaring nandoon ang anak ko." bilin ko kay Dave.
"Wala kang dapat ipag-alala. Gusto mo gumawa ako ng human size na baymax para ma-scan ang buong dagat nang mahanap na natin ang baby boy mo." biro niya.
"Sige na. Sige na, siguradong hinahanap na ako ng asawa ko. Maaga pa kaming aalis para bukas."
Pagdating ko sa bahay ay nakalabas na ang mga maleta namin at nagkakatuwaan sina Bianca at Yngrid sa sala.
"Ano namang kaganapan dito?" tanong ko at nakisalo sa kanila.
"Nililibang ko lang si miss Bianca. Nakakabuti din kasi sa kaniya na lagi siyang naka ngiti at hindi nag-iisip ng kung ano-anong makakapag-stress sa kaniya." Sagot ni Yngrid.
"Galing naman ng nurse namin. Nga pala, si Jas?" tanong ko.
"Ayun, knock out na sa kwarto natin." Sabi naman ni Bianca.
"O kayo? Hindi pa ba kayo matutulog? Maaga tayo bukas, tandaan ninyo." Sabi ko sa kanila.
"Matulog ka na po, miss Bianca. Importante po sa inyo na magkaroon ng maayos at kumpletong tulog."
Sa palagay ko ay mapapabilis ang paggaling ni Bianca sa tulong ni Yngrid.
Napaka swerte ko talaga at may mga kaantabay pa ako sa panahong ito.