"T-teka... w-wasabi ba 'yan?" turo niya dun sa hili cpaste na kulay green.
Naka ngiti naman akong tumango.
"So, ganito...—"
"No ayoko na. Kumain ka mag-isa mo." sabi nito at akmang tatayo na.
Hinila ko ang kaniyang kamay upang umupo ulit ng maayos.
"Hindi mo pa nga alam gagawin mo tas back out agad? Pakinggan mo muna ako. Saka hindi naman 'yan ang kakainin natin dito. Bali, magcha-challenge tayo habang hinihintay 'yung food."
Tinaasan niya ako ng kilay at tila hinihintay ang aking sasabihin kaya nagsalita na ako.
"Ganito kase 'yun, kaya challenge kasi... kung anong gusto kong food 'yun ang kakainin mo at kung ano ang gusto mong food 'yun ang kakainin ko. Pero, we'll have a game... dare or dare."
"What? Dare or dare? Daming choices ha?"
"Ide-dare kita at ide-dare mo ako. Once na hindi mo nagawa, kakainin mo 'yung food na ibibigay ko sa'yo. Deal?"
Nag-pause muna siya ng ilang segundo.
"Fine, deal."
"YES!" sigaw ko.
"Game na, game. Naexcite tuloy ako." sabi niya.
"Sus, o-oo din pala e. Sige na, jack n poy na tayo." Sabi ko at ipinwesto na ang aking kamay.
Tumawa naman siya bigla.
"Bwahahaha! Seriously, hon? Bato bato pik talaga? Alam kong wala ka pang almusal pero... hahahaha!"
"Anong nakakatawa? Alangan namang ikaw ang mauna? Unfair 'yun."
Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Anong unfair dun? Asawa mo naman ako ah. Akala ko ba you want to spend time with me? Dapat ladies first!"
Kung makatawa sa jack n poy ko wagas. Sino kaya 'tong immature ngayon? Gusto ako maunang taya. -_-
Napakamot na lamang ako ng ulo at tumango.
"Fine, fine, Mrs. Santos. Now, dare me."
Umakto pa siya na parang nag-iisip.
"Do the strip challenge! Or else, you'll eat this" tuwang-tuwa niyang sabi.
Pinaghalo-halo niya 'yung pickles, wasabi, lettuce at bagoong.
Shit! What kind of a combination is that?!
"Sisiw. Para namang hindi mo pa nakita katawan ko." Pagyayabang ko.
Tumayo ako at in-unbutton ko ang aking polo. Inalis ko 'yun at hinagis sa kaniya.
"Bastos." Sabi pa niya.
"It's my tuuurn!" pang-aasar ko naman.
"T-teka, teka. Sa tono ng boses mo parang kinabahan ako."
"No, no, no. When I said it's my turn, it's my turn, ok?" sabi ko at nginisian siya.
Kita ko ang paglunok niya. So tense eh?
"Do the same thing that I did. Strip challenge."
"What..—"
"Or else, you'll eat this variety of yummy condiments and veggies." Ako naman ang tuwang-tuwa sa paghahalo-halo ng mga pagkaing naka hain sa harapan namin ngayon.
Alam kong ayaw niya sa mahanghang kaya wasabi ang una kong tinira, alam kong gusto niya ang bagoong. Pero, magugustuhan pa kaya niya ito kung lalagyan ko ng mayonnaise at paminta?