Nasa hospital ako at magdamag kong binabantayan ang asawa ko mula nang ilipat siya dito sa bahay. Alam ko kasing ayaw na ayaw ni Bernard na nasa hospital.
Normal lang daw na hindi pa magising si Bernard sa ngayon.
“Ate, ako muna magbabantay diyan kay suicidal bruh.” Presinta ng aking kapatid.
Tumango na lang din ako at tumayo na. Bago ko pa lisanin ang kwarto kung nasaan si Bernard ay binigyan ko ito ng halik sa pisngi.
Hanggang ngayon ay hindi din malinaw sa akin kung bakit doon pa mismo kung nasaan ako nangyari ang aksidente.
Pero ang mahalaga, hindi ganoon kalala ang sinapit ng asawa ko. Nagpasya akong maglibot sa mall dahil nabobored ako sa bahay. Isa pa, gustong-gusto kong nakakakita ng mga damit pambata.
Hinawakan ko ‘yung maliit na damit at hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Naiimagine ko na kasi ‘yung sarili ko na muli nanaman akong makakahawak ng sanggol. Hanggang ngayon kasi ay wala pang balita sa DNA test ni Sam.Tama, walang alam si Bernard na ‘yung bangkay na sinasabi ni lang si Sam ay pina DNA test ko.
Hindi sapat sa akin ang mga gamit na nakita sa kaniya. Hindi sapat ang bracelet na nakuha mula sa kaniya. May posibilidad na may kaparehas na bracelet ang anak ko sa mga kapwa pasahero namin. At ni hindi man lang namin maidentify kung anak ko nga iyon dahil hindi na makilala ang mukha nito.
Oo nalungkot ako pero at the same time, may bumabagabag sa loob ko na maaaring hindi si Sam iyon.
Dahil naniniwala ako na ang isang ina ay mararamdaman niya kung nasa piligro ba ang anak niya o nasa maayos na kalagayan.“Bianca, anong ginagawa mo rito?”
Nabalik lamang ako sa aking wisyo nang nasa harapan ko ang aking ina.
“Wala, ma. Gusto ko lang mag-ikot ikot. Ikaw, ano pong ginagawa niyo rito?” balik tanong ko naman kay mama.“Wala rin akong magawa e. Sinong kasama ng asawa mo sa bahay?” tanong nito sa akin.
Hindi ko na pansin ang tanong ni mama nang may makita akong bata na sobrang pamilyar sa akin.
“Sam...” bulong ko saka ko ito sinundan.
“Bianca, hintay!”
Sa Kids Section siya at tumakbo ito. Nahihirapan tuloy akong himayin ang bawat sulok.
“Hindi ako pwedeng magkamali.” Sabi ko sa aking sarili.
Pilit kong hinahanap ang anak ko sa loob ng Robinson’s. “Mama!” sigaw ng batang naka talikod sa akin.
Tumakbo ito sa mama niya kaya ako ay hinabol ko din siya.
“Sam!”
Madali kong hinablot ang braso nito. Pagkaharap niya’y nadismaya ako dahil ibang bata na ang aking kaharap.
“Bianca, ano bang ginagawa mo?” iritang sabi ni mama saka ako hinatak palabas ng department store.
“Ma, nakita ko si Sam. Nakita ko ang anak ko at hindi ako pwedeng mgakamali!” sabi ko at sinubukan kong kumawala sa hawak ni mama ngunit hinigpitan nito ang hawak niya.
“Bianca, Sam is dead.”
Iwinaksi ko naman ang kaniyang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin. “Hindi pa siya patay ma! I’m telling you the truth! Hindi pa patay ang...—uhh!” daing ko at hinawakan ang aking ulo.
Kumikirot iyon. Pagpikit ng aking mga mata ay may naaninag akong tao, it was me and Bernard. The first day that we’ve met.
“If you’re going to fix me coffee, I want the blue one. If you can’t find a blue coffee, beter yet... you’ll be my coffee”