Kabanata 42

1.3K 23 13
                                    

Pagkabasa ko sa text ni Adre kung nasaan ang aking asawa ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko.

Muntik na nga akong may mabangga kanina buti na lang naiwasan ko ito kaagad.

"Pare? Nasaan na ang asawa ko?" tanong ko sa taong kausap ko sa kabilang linya.

Kanina ko pa iniikot ang aking paningin dito ngunit hindi mahagilap ng aking mga mata si Bianca.

"Aish! Nasa loob siya ng restaurant."

Inikot ko ang aking mata kahit na hindi nito kita. Hindi na rin ako sumagot pa at binabaan na lamang siya ng tawag.

Kaka-unlock ko pa lang sa pintuan nang makita kong lumabas si Bianca mula doon sa katapat na restau.

Feeling ko ay nagyelo ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

"Fuck." Pabulong na mura ko.

Kita ko mula sa kanilang tinatayuan hanggang sa aking pwesto ang pagtango ni Bianca, ang mga ngiti nito maging ang yakapan nila.

She's leaving me again. And she's with Anthon. Dammit!

Hinawakan pa nito ang pisngi ng aking asawa... kaya bago ko pa masaksihan ang kanilang gagawin ay tahasan kong pinaharurot ang aking sasakyan.

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang namumuo sa aking mata.


Hindi ko inaasahan ang kasunod na nangyari. May sumulpot na bata sa kalsada at iniwasan ko iyon.

Nagpagewang gewang ang aking sasakyan at hindi ko na alam ang mangyayari kasunod.

Basta bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog at mabilis ang pangyayari.


Narandaman ko ang pagtilapon ko sa kalsada. Nahihilo ako, naiingayan ako, gusto kong ipikit ang aking mga mata ngunit para bang may bumubulong sa aking tainga ng "huwag kang susuko", hindi ako makagalaw at unti-unti ng namamanhid ang buo kong katawan.

Siguro ito na ang katapusan. Ito na ang katapusan ng istorya ko at istorya namin ni Bianca. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa. Siguro...

Mamamatay na ako...



Hindi ko pa tuluyang naisasara ang aking mga mata nang maaninag ko ang pamilyar na mukha... si Yngrid. Then suddenly ibang mukha naman ang aking nakikita.

Last thing I know is I saw my wife's face in front of me. Crying and begging to get some help for me.

No matter what happens to me, I still love her. I still love the woman whom I wished to be my forever.

--

Bianca's POV

Napagpasyahan ko na umuwi at harapin si Bernard. I realized na hindi ko siya kailangang iwanan sa ganitong mga panahon.

Maybe, he has a better explanation tulad ng dati. Thanks to AJ dahil siya ang nagpabukas ng isipan ko.

"Now, all you have to do is open your ears to Bernard. Gusto mo bang maulit 'yun dati?" sabi ni Francesca.

Mabilis naman akong napailing. "See? Ayaw mo rin. Now, go. Mag-usap kayo ng masinsinan."

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Hinatid parin naman nila ako sa labas. Kaso itong si Cesca ay nalimutan na nasa loob pala ang anak nila kaya kailangan niyang bumalik.

"Basta, Bianca... ninang ulit ako ha?"

Tumango naman ako at nginitian siya bago siya bumalik doon sa loob. Samantala, si AJ...

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon