Kabanata 35

1.1K 28 72
                                    

"Take a break, Yngrid. Ilang buwan mo na ako inaalagaan, I think you deserve to be free on what you want to do... I mean, pwede mo na akong iwan sa kamay ni Bernard. Tutal ay ok na rin naman ang lahat. Ok na ako, I guess."

Tila nagulat si Yngrid sa desisyon ni Bianca. Hindi ito nagsasalita at nananatiling nakaka-awa ang mukha niya, ngunit sa akin lamang siya naka tingin.

"Don't worry, Yngrid... you can still visit us. I think, your family needs you now. Lalo na't malapit na ang pasko. Don't you think that's a great idea?" pagsasalita muli ni Bianca.

"P-pero... isang buwan pa bago ang pasko. Ok naman ako na sumusunod-sunod sa'yo, miss Bianca. Ok lang sa akin basta ba masiguro ko na ok ka na..."

'yung tono ng kaniyang boses ay parang nagsusumigaw ng 'Hindi ko kayang umalis dito dahil kay Bernard.'

Kinakabahan tuloy ako kasi naka tingin siya sa akin instead of Bianca. Anytime pwede niyang sabihin na buntis siya at ako ang nakabuntis sa kaniya.

"Eh, ang pangit naman tingnan kung nagt-trabaho ako tapos may kasama akong nurse. Yngrid, I hope you understand what I am pointing. Hindi lang naman para sa'yo 'to e, sa amin din. Me and my husband needs privacy. Needs to be together kahit na naka harap kami sa trabaho."

Napayuko si Yngrid at walang nagawa kundi ang tumango na lamang.

"But expect a surprise visit from me, miss Bianca."

Sa tono niya ngayon ay parang napaka seryoso na nito. Kung kanina ay puno ng pagmamaka-awa ang kaniyang mukha, ngayon naman ay Yngrid na walang emosyon. Mukha siyang manhid.

"Sige pero huwag naman masyadong surprise ha." Natatawaang saad pa nitong si Bianca.

Hindi ko kayang ngumiti ngayon. Hindi ko alam at nab-blangko nanaman ang aking isipan. Pero this time hindi si Bianca ang nasa isip ko kundi si Yngrid na dala ang aking anak sa kaniyang sinapupunan.

Pero, akin nga ba talaga 'yun? Bakit ang bilis naman na malaman niya na buntis siya? Ganun ba ka-healthy ang sperm ko at agad siyang nakabuo? Hays, wala pang isang buwan iyon noong may mangyari 'DAW' sa amin. I really can't imagine.

Nang malibot ko si Bianca sa building ay nag-aya na itong umuwi dahil napagod daw ito.

Umuwi rin kami upang agad makapag ayos ng gamit si Yngrid dahil lilisan na ito sa bahay. Naiisip ko tuloy kung saan ba siya tutuloy nito?

hay nako, bernard. Malamang, sa bahay nila. STUPID

"Yngrid..."

Nasaksihan ko kung paano ito nagulat nang tawagin ko ang kaniyang pangalan.

"Jesus, Bernard! You scared me!" sigaw nito.

Napakamot ako ng ulo at nginitian ito.

"Sorry, I didn't mean it. By the way, ihatid na kita kung saan ka man pupunta." Presinta ko.

"Honestly, I don't know where am I going." Sabi niya at naabuntong hininga.

Sumandal ako sa pader at nagpamulsa habang pinapanood siyang mag-empake.

"Bakit? Wala ka na bang magulang?" tanongko.

"Meron. But I don't know how to face them kapag nalaman nilang buntis ako and worst, hindi man lang ako kayang mahalin ng taong nakabuntis sa akin."

The place is being awkward again...

"Uh, Yngrid...sorry kung lagi akong humihingi ng tawad sa'yo."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"May paraan naman kasi e. Ayaw mo lang talaga." Saad niya.

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon