Kabanata 6

1.7K 46 4
                                    


Ilang araw na ang nakaraan, still si Anthon pa rin ang naaalala niya bilang kaniyang asawa. Buti na lamang at walang alam si Bianca kung saan na nakatira si Anthon ngayon.

"Where's Sam? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita." Sabi nito sa akin.

"Bianca, hindi ako magsasawang sabihin sa'yo paulit-ulit ang nangyari. I will never ever, ever leave you." Sagot ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Para kang sira ano." Sabi niya sa akin at inirapan pa ako.

Ako naman ay nginitian siya. Nilapitan ko siya at inakbayan.
"I am your husband. Lagi mong itatak iyan sa isip mo, ok? Ako lang at wala ng iba..."

Magsasalita pa sana siya nang unahan ko siya.
"Oo, naging parte si Anthon sa buhay mo. Pero ngayon, ako na. I mean, ako na lang habang buhay, naiintindihan mo? Anak natin si Sam, I will tell you again that he is missing."

Sa itsura niya ngayon, para bang napapa isip siya.

"Ang cute niyo namang tingnan, Bernard, miss Bianca." Sabi naman ni Yngrid.

"Bakit naman?" tanong ni Bianca.

"Eh kasi, ang tyaga-tyaga po ng asawa ninyo, miss Bianca. Maswerte po kayo sa kaniya at hindi niya kayo sinukuuan. Natutuwa po akong makita kayo na nagkaka unawaan."

Napakamot naman ng ulo si Bianca.
"Bakit ang naaalala ko ay si AJ ang asawa ko? Ikaw ba talaga? Kung ganun, bakit wala man lang akong maalala ng tungkol sa'yo?"

"That is, I don't know. Basta, I will do everything para lang maging ok na tayo." Ngiting ngiti kong sagot.

"See? Miss Bianca, kailangan po na pakinggan niyo si Bernard. Kasi, gusto niya na gumaling kayo kaagad. Nagsasabi siya ng totoo at kung hindi man, hindi po kayo kaagad gagaling." Singit naman netong si Yngrid.

At dahil sa sinabi niya, nginitian ko siya at kinindatan. Nice one, Yngrid. Ang laki talagang tulong nito hindi lamang sa akin kundi pati na rin kay Bianca.

"Kung ikaw talaga ang asawa ko, paano tayo nagkakilala?" – Biana

Heto na ang oras para mag reminisce sa nakaraan. Umupo ako ng maayos at ito namang si Yngrid ay umupo rin malapit sa amin. Mukhang gusto niyang makinig at interesado siya sa aming kwento.

"Ganito kasi 'yun, naaalala mo ba si Francesca? 'yung best friend mo." panimula ko.

Kumunot ang kaniyang noo at ilang sandali lamang ay umiling siya.
"Pwede bang, pati siya ikwento mo sa akin mamaya?"

"Oo naman. Pwedeng pwede pero sa ngayon, 'yung sa atin na muna, ok?" sabi ko at tumango naman ito.
"As what I've said, 'yung kaibigan mong si Francesca, she recommend you to be my secretary. Since nag-iisa lang ako at wala akong katulong, pumayag na ako. Your first day with me is a little epic. Pwera sa na-late ka, 'yung araw na 'yun 'yung first ever kiss nating dalawa."

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.
"W-what? W-why?" mautal-utal niyang sabi.

"Eh kasi, you actually seduce me without knowing it."

Nang sagutin ko siya ay biglang namula ang kaniyang pisngi. Nang tumingin siya sa akin ay para bang nahiya pa ito kaya naman natawa ako.

"B-bakit ka tumatawa? Tigilan mo na ang pagku-kwento." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Bakit naman?"

"Nahihiya na ako kay Yngrid e." sagot niya na nagkakamot ng batok.

Kaming dalawa naman ni Yngrid ay natawa sa kaniya.
"Naku, miss Bianca... ayos lang po sa akin 'yun. Parang mas nagiging interesado nga po ako sa inyong dalawa ni Bernard e." sabi naman ni Yngrid.

"Itutuloy ko na ah, then nagtagal ka naman as my secretary. Tas tumagal 'yung relationship natin... you as my Secretary and me as your boss. Kaya naman mas lalo akong naseseduce, I didn't noticed that I finally fell in love with you. 'yung tipong pagkain lang ng lunch gusto ko kasabay kita hanggang sa pag-uwi gusto ko ako ang maghahatid sa'yo. Sino bang matinong boss na ihahatid pa ang empleyado niya hanggang sa loob ng bahay niya diba?" natatawa kong saad.

"Then, we started dating. Natutuwa noon ako sa'yo kasi pumapayag ka namang sumasama sa akin noon. Hanggang sa we're officially on. Nagka problema nga lang." dagdag ko.

Palapit naman ng palapit sa amin si Yngrid.

"Nagka-problema? Bakit?"

Weird talaga 'tong babaeng 'to. Kaya naman, itinuloy ko na ang pagku-kwento sa kanila.

"Kasi...—"

"Kasi sumingit ako sa love story ninyo. Sobrang desperado ko kay Bernard noon kaya sinira ko kayong dalawa. Alam mo bang muntik na kaming ikasal kung hindi ka lang niya nakita sa engagement party namin? Nakakatawa nga dahil naiwan ako sa party ng walang fiancé na ipapakilala. Nakakahiya na rin at the same time. And you know what, next thing I know is kasal na kayo. Ni isa sa pamilya niya at pamilya ko ay walang nakaka alam sa secret marriage ninyo."

Halata naman kung sino ang sumabat sa usapan. Walang iba kundi si Jas na kakarataing lamang. Well, mas mabuti ng sa kaniya na manggaling ang mga iyon. Baka kung ako ang magsabi ay ma-misinterpret niya at sabihin niyang sinisira ko siya sa kaniyang kapatid.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko rito.

"Bakit naging kami ni AJ? Nalilito ako." sabi nito at tumayo pa.

Nakabuka na ang bibig ko para sagutin siya nang unahan ako ni Jasmine.

"Eh kasi, may nangyari sa inyong dalawa ni Bernard. Kasalanan ko kung bakit kayo nagdivorce. Basta, huwag mo ng alamin kung bakit kasi nandito 'tong yaya mo. Ayoko din naman na may masabi 'to kapag nakatalikod ako." sabi ni Jas at umirap pa kay Yngrid.

"Diba dapat kinukwento niyo sa ate ko e 'yung mga good memories ninyo?!" tanong naman ni Jas.

"Mas maganda po kasi kapag mula noong makilala niya si Bernard ay alam ni miss Bianca at mahalaga na detalyado dahil mapapabuti po iyon para hindi po siya malito sa mga bagay-bagay na nababanggit ninyo sa kaniya." Naka ngiti namang sagot ni Yngrid kay Jas.

Isang 'tss' lang naman ang pinakawalan netong si Jas. Maldita talaga kahit kailan.

"Sa susunod, idala niyo siya sa mga lugar na maaaring makapag paalala sa nakaraan niya." sabi naman ni Jas.

Naging hobby na ata niya ng pang-iirap. Ano bang problema niya kay Yngrid? Sa palagay ko naman ay mabuti naman siyang tao. Lalo na't isa siyang instrumento ngayon sa amin ni Bianca upang mapabilis ang paggaling ng aking pinaka mamahal na asawa.

"Ah! Bukas, aalis tayo ha?" naka ngiti kong sabi.

Sunddenly, my phone rings.

"I'll just anser my call." Sabi ko sa kanila at tumayo na.
Hindi naman ako lumayo sa kanila.
"Hello, Marco?"

"Sir, hindi pa po ba kayo babalik? Magdadalawang taon na po, kailangan na po kayo sa kompanya."

Napa buga naman ako ng mabigat na hangin. Pati trabaho na iniwan sa akin ni papa napabayaan ko na dahil sa mga problemang dumaan sa buhay ko.

"Sir? Still, there?"

Nabalik naman ako sa aking wisyo.

"Hindi mo na ba kaya? Hindi niyo na ba kaya ni Justine?" tanong ko.

"H-hindi naman po sa ganun, sir... kaso po, may konting problema."

Napakunot naman ang aking noo pagkatapos niyang sabihin iyon.
"A-anong problema?" 

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon