Nagising ako sa napaka lakas na katok.
Iminulat ko ang aking mga mata at naaninag ang babaeng nasa aking tabi.
Bakit nandito ako sa kotse? Bakit nandito kami sa kotse?
Iminulat na rin niya ang kaniyang mga mata nang magising ito. May lalaking kumakatok mula sa labas ng kotse.
"Fuck, Yngrid anong ginagawa mo rito?!"
Inilibot ko ang aking paningin. Hindi naman sana tama ang iniisip ko.
Ang baho pa rito sa kotse.
Nabaling ang aking pansin sa kumakatok. Ibinaba ko ang bintana ng aking sasakyan.
"Bakit ho?" tanong ko sa guard.
"Kagabi pa po kasi kayo nakapark dito boss. At..." tigil niya at tiningnan si Yngrid na nasa loob din ng sasakyan.
"at bilang may magara kayong sasakyan, alam niyo naman po siguro ang batas? Boss, bawal po 'yang ginagawa ninyo. May hotel naman po." Pagpapatuloy niya.
"N-nako, manong... mali po kayo ng iniisip. W-wala po kaming ginagawa, nalasing lang po kami kagabi kaya hindi na namin kinaya ang magdrive. Hindi po ba't mas delikado iyon?"
Napakamot naman ng ulo 'yung security guard nung bar.
"Pasensya na po, ma'am sir. Kasi naman, bakit wala hong damit itong si boss."
Napatingin naman ako sa aking sarili.
ah shit!
"Sige na po, sir. Umuwi na ho kayo at baka maabutan kayo ng manager na nandito pa kayo."
Sa gitna ng aming biyahe pauwi, mataman kong tinitigan si Yngrid. Siya kasi ang nagmamaneho at nasa tabi niya ako. May hang over kasi ako at masakit ang ulo ko.
"Yngrid." Tawag ko.
"B-bakit?" sagot niya na hindi man lang nakatingin sa akin.
Malamang Bernard... kapag ginawa niya 'yun hindi niya makikita 'yung daan at mababangga pa kayo. Argh, tanga.
"May nangyari ba sa atin?" tanong ko. Straight to the point.
Ikinagulat ko naman ang biglaan niyang pagpreno.
"Damn it!" mura ko.
"S-sorry..." sabi niya na para bang naghahabol ng hininga.
*beep beep*
"Hoy! Uso sumulong!" sigaw nung driver sa kabilang sasakyan.
"I think, we have to talk. Ako na mag d-drive." Sabi ko saka na kami nagpalit ng pwesto.
Pero si Yngrid ay pumwesto sa likod.
Pansamantala kaming nagkakape sa isang coffee shop. Bawas sakit ng ulo na din.
Wala ni isa ang nagsasalita sa amin, limang minuto na ang nakakalipas.
That is why I decided to break the ice.
"I'll ask you one more time. Narinig mo na kanina 'to that's why you don't have to be shock again. May nangyari ba?"
Ibinaba niya ang kapeng hawak niya at nagtama an gaming mga mata.
"B-bernard..."
"Answer me."
Kita ko sa kaniya ang tense. Para bang may iniisip siya na sobrang lalim bago pa ito makasagot sa aking tanong.
"Y-yes."
Para bang literal na tumigil ang ikot ng mundo ko.
"W-wala namang dugo sa kotse kanina ah. How could that happen? Unless you're not virgin anymore?"
![](https://img.wattpad.com/cover/95610444-288-k841338.jpg)