"Bianca! Saan ka pupunta?!" habol ko sa kaniya.
Patuloy niyang kinakatok ang pintuan ng isang restaurant. At ngayon ko lamang napagtanto na nandito pala kami sa restaurant ni Anthon na matagal ng sarado.
"AJ! Hon!" si Bianca na walang humpay sa pagkatok doon.
"Stop it, Bianca. He's not your husband." Sabi ko at pinipigilan ang kaniyang mga kamay sa pagkatok.
"Walang tao riyan. Tama na." mahinahon kong sabi at niyakap na siya upang matigil na siya sa kaniyang ginagawa.
"Ano bang ginagawa mo?!" sigaw niya sa akin at tinulak ako.
"I am your husband. Please... tama na." mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya at niyakap siyang muli.
Ilang sandali lamang ay nawalan ng balanse si Bianca. Nang bumagsak ito sa akin ay nakita ko si Yngrid na may itinusok sa braso ng aking asawa upang maging dahilan ng pagkawala nito ng malay.
"I'm sorry, I have to make her sleep." Paliwanag ni Yngrid sa akin.
Binuhat ko si Bianca patungo sa aming sinasakyan. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa nangyayari. What the hell is happening?!
Good thing to know na naaalala na niya ang anak naming si Sam. Pero, bakit si Anthon ang naaalala niya bilang asawa niya? Bakit siya pa? Bakit babalik nanaman yata kami sa umpisa?
Kung naaalala nya si Anthon, hindi ba dapat naalala niya rin ako?
Gabi na at nasa sala ako ng aking bahay. Dito sa dati naming bahay kami tumuloy dahil alam kong may good memories din dito si Bianca.
Samantala, si Bianca ay kasama si Jas sa kwarto. Nag-uusap sila at hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila."Alcoholic beverages is dangerous to your health, Bernard."
Hindi ko alam kung bakit ako napairap.
"Alam kong nurse ka. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ang bisyo ay bawal." Sagot ko naman."I'm sorry. Nag-aalala lang naman ako."
Inangat ko naman ang aking ulo.
"Nag-aalala ka?" tanong ko.Parang nag-iba ang ihip ng hangin at naging awkward ang athmosphere sa aming dalawa.
"Uh, nag-aalala ako sa'yo kasi... a-ano, paano nalang si miss Bianca kapag nagpakadepress ka? Siguradong mapapabayaan mo siya nun." Sagot naman niya.
Tumango naman ako sa kaniya.
"Tama ka, pero... ano na ang susunod kong gagawin ngayon? Nag-aalala ako dahil iba ang naaalala niyang asawa niya."Bigla naman siyang umalis at nang pagbalik niya ay may dala siyang baso. Umupo siya sa aking tabi at sinalinan ang kaniyang baso ng alak na aking iniinom.
"What are you doing? Akala ko ba it's dangerous to our health?" tanong ko rito.
Ininom niya iyon ng straight at nilagyan iyon ulit.
"Pwede bang wala munang business, business ngayon. I mean, hindi muna ako nurse niyo ngayon. I am a friend... friend of yours.""Ok, sure." Pagsang-ayon ko naman.
"So, what do you want to talk about?" tanong ko na rin."Uhm, if you don't mind... bakit iba ang naaalala ni miss Bianca na kasintahan niya?" tanong nito.
Uminom na muna ako bago ko ito sinagot.
"Well, mahabang kwento. But to make it short, ako ang unang asawa then biglang tragic comes... naghiwalay kami at si Anthon ang sumalo. And then, I knew that they are already here in the Philippines kaya sinabi ko sa sarili ko na I will get Bianca again by crook or by hook."Nagawi naman ako sa kaniya at napaka seryoso niyang makinig sa akin at na-nga nga pa siya.
"The end." Dagdag ko pa at nginitian siya.
"So, your life is really complicated. But I salute you for being brave, Bernard. You succeeded to win miss Bianca's heart again. Malas nga lang, tragedy came. Again..." Sabi nito sa akin at ininom na ang alak na nasa kaniyang baso.
Sumandal ako sa sofa at iniikot ang aking ulo. Not literally, pero naging dahilan iyon upang lumugutok ang aking mga buto sa batok.
"Nako, Bernard... huwag mo ng gagawin 'yun ulit. Alam mo bang pwedeng madislocate ang mga bones mo sa ginagawa mo. Delikado kaya iyan lalo na't sa leeg."
Natawa naman ako sa inaakto ni Yngrid.
"Ganiyan ka din ba sa mga inaalagan mo noon? Hindi ba't dapat nandoon ka sa taas at nakikisalamuha sa kapatid ni Bianca?" Sabi ko naman.
"Eh kasi, sinusungitan ako ni miss Jasmine. Nahihirapan ako na pakisamahan siya. Saka, mas komportable ako sa inyo. Isa pa, gabi na rin at tapos na ang duty ko kay miss Bianca." Sagot niya.
"Ikaw ang bahala." Sagot ko na lamang at inubos na ang isang baso ng alak.
--
"Bernard! Gumising ka nga diyan! Bakit diyan ka natutulog at kasama mo pa iyang babae na iyan?!" iyan ang una kong narinig nang imulat ko ang aking mga mata mula kay jasmine.
"Ano ba, jas... naparami lang ang inom ko kagabi kaya hindi ko na kinayang umakyat pa." sagot ko.
"A-ano?! Uminom ka ng kasama siya?!" sigaw nito at dinuro pa si Yngrid.
"aish! Tama na nga 'yan Jas. Umagang umaga e." sabi ko naman at tumayo na mula sa sofa.
"Ikaw, ano pang inuupo-upo mo riyan?! Tumayo ka na at asikasuhin si ate!"
Ke aga-aga high blood siya. Napairap tuloy ako at huminto ang aking tingin sa babaeng napaka ayos ang pustura ngayon. Si Bianca...
"Where are you going?" tanong ko kaya naman napa hinto siya sa paglalagay ng hikaw sa kaniyang tenga.
"Sa asawa ko, saan pa nga ba?" sagot nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Damn, heto nanaman ba kami?!Hinila ko ang kaniyang braso kaya naman napaharap ito sa akin.
"Bitawan mo nga ako." irita niyang sabi."I am your husband." Mariin ko namang sabi.
"What are you talking about?!" this time feeling ko'y galit na siya at binawi ang kaniyang braso mula sa aking pagkakahawak.
"Stop it, Bianca! This is not funny!" sigaw ko.
"You are crazy."
Pagkasabi nito ay naglakad na palabas ng bahay. Umupo akong muli sa sofa at sinabunutan ang aking buhok. What is happening to us?! Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?!
"Hoy, what are you doing?! Sundan mo ang ate ko! Pabalikin mo siya rito!" utos naman ni Jas.
"A-ah, o-opo. Heto na." si Yngrid naman ay kaagad na tumalima sa utos ni Jasmine.
Paglabas ni Yngrid ay siya namang paglapit sa akin ni Jas.
Inangat ko ang aking tingin nang maramdaman kong nasa harapan ko na siya."Keep my ate with you. Don't let her slip away, even when you want to give up." Sabi nito sa akin.
Syempre, ano bang dapat kong gawin diba? Hindi naman talaga ako susuko hanggat hindi naibabalik ang mga ala-ala ng asawa ko.
"I will." Sagot ko na lamang.