Kinabukasan, ginising ako sa liwanag ng araw na tumama sa aking mukha mula sa labas ng bintana.
Kaagad hinanap ng aking mata si Bianca. Wala na ito sa aking tabi kaya naman kaagad akong bumangon upang lumabas ng aming kwarto.Paglabas ko ay iyon din ang paglabas ni Yngrid mula sa kaniyang kwarto na paunat-unat pa.
"Yngrid, si Bianca?" tanong ko kaagad.
Nangamot naman siya ng kaniyang ulo.
"Eh, kakagising ko palang. Baka nasa baba okaya naman nasa kwarto ni miss Jasmine." Sagot niya.
Hindi na ako tumugon pa at tumuloy sa kwarto ni Jas. Pagbukas ko ng pinto ay mahimbing na natutulog si Jas. Nagmadali din ako sa pagtahak ng sala, kusina at dining area. Ngunit, walang bakas ng Bianca doon.
"Shit!" mura ko at sinimulang halughugin ang buong bahay.
Si Yngrid naman ay nakasunod lamang sa akin. Nag-umpisa na akong kabahan dahil ginalugad ko na ang kasuluk-sulukan ng bahay, e wala akong Bianca na natatagpuan.
"Bianca!" sigaw ko.
"B-bernard, I-I'm sorry. Napahimbing kasi ang tulog ko." sabi ni Yngrid.
"Please, huwag ka munang magdahilan at mag-drama ngayon. My wife is missing!" hindi ko napigilan ang pagsigaw dahil sa sobrang lakas ng sipa ng aking dibdib.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at dumeretso na sa aking kwarto upang kunin ang susi ng aking sasakyan. Ahhh! Mahirap pa diyan, walang cell phone si Bianca.
"Bernard, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
Ngunit, wala akong panahon para makipag-usap muna ngayon hanggat hindi ko nahahawakan o nakikita man lang ang asawa ko.
Kaagad kong pinaharurot ang aking sasakyan at nagtungo sa mga lugar na pwede niyang puntahan."sir, wala ho ba kayong napansin na babaeng medyo morena, ahm... medyo mahaba ang buhok at maganda. Basta, maganda."
Kumamot naman ng ulo ang mama at umling. Napapikit ako ng mariin.
Dahil sa totoo lang parang nagka phobia na ako sa tuwing nawawala sa paningin ko sa akin si Bianca.Para bang, I cannot afford to lose her.
"Miss, nakita mo ba itong babaeng 'to?" tanong ko at inilabas ang larawan ni Bianca sa aking pitaka.
Naalala ko na may litrato pala ako niya, at magagamit ko ito. Alam kong OA na ako sa inaasta ko ngayon. Pero, masisisi ninyo ba ako kung natatakot ako na mawala siya sa akin ulit?
Nasa loob ako ng kotse at pinipilit na pigain ang utak ko upang makapag-isip kung saan pa ba pwedeng pumunta ang aking asawa.
Idinukmo ko ang aking ulo sa manibela. Ano na bang gagawin ko?
Para bang bigla na lang nagrecall sa aking utak nang umuwi kami rito sa Pilipinas."Restaurant."
Nang lumabas iyon mula sa aking bibig, kaagad kong pinaharuruot ang sasakyan ko patungo sa restaurant ni AJ.
Pagdating ko doon, tumambad ang signage na CLOSE.Pumukaw sa aking pansin ang siwang ng pintuan hudyat na may tao sa loob. Hindi kaya nandito si Bianca? Kaya, minabuti kong pumasok sa loob.
Iniikot ko ang aking paningin sa buong restaurant. Ilang sandali lamang ay nakarinig ako ng mga boses. Sa palagay ko ay may pinag-uusapan sila.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina nito."I... I don't understand you, Bianca."
Pagkahawi ko ng kurtina ay tumambad sa aking paningin si Bianca at Anthon.
"Bianca." Tawag ko rito.
Sabay naman silang napatayo sa kanilang inuupuan.
"Bernard, it's not what you think ok? Nakita ko si Bianca dito mismo sa labas ng restaurant ko when she suddenly lose her consciousness. I'm just helping." Sabi ni Anthon.
"I didn't say anything. Mas OA ka pa sa akin." Sabi ko at ibinaling na ang tingin sa aking asawa.
"What are you doing here? Alam mo bang kanina pa ako naghahanap sa'yo? Halos halughugin ko na ang buong Maynila mahanap ka lang."
Hinawakan ko ang kamay nito then I gave very deep sigh. As if it was a sigh of relief kasi nakaita ko na siya.
Hindi naman sumagot sa akin si Bianca. He's just looking Anthon.
"W-wait... medyo naguguluhan ako. Nag-away ba kayo? I mean, you already separated... again?" sabi ni Anthon.
"No. Ugh, it's hard to say this pero nagka amnesia si Bianca." Sagot ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at tumingin sa aking asawa na hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig.
"A-amensia? Wait, what? How... how did that happened?" gulat niyang tanong sa akin ngunit nakatitig ito kay Bianca.
"It's hard to explain. But to make it short... the plane that we are riding suddenly crashed. And then, Bianca had a brain damage." Sabi ko habang napapa-iling.
Bigla kasing pumasok sa aking isip ang aking anak. Wala pa akong balita sa kaniya. Sana, bago matapos ang araw tawagan na ako ni Dave at magbigay balita tungkol sa aking anak.
"Plane? Crashed? What about Sam? Ok lang ba siya?" sunod-suod na tanong nitong si Anthon.
"Wait, si Sam nga pala. Where's my son?" – Bianca.
"That - is – the... problem." Mabagal kong sagot.
"Problem? Why? D-don't tell me..."
"No, no... hindi siya patay." Sagot ko saka na huminga ng malalim.
"Sam is missing." Pagpapatuloy ko."What? Hanggang ngayon? Anong ginagawa ninyo rito kung nawawala pala ang bata? Sino ang umaasikaso nun? My god!"
Napapikit ako ng mariin kasabay nun ang pagsapo ko sa aking noo.
Bakit ba kasi ako nage-explain sa lalaking ito?!
"wala namang may kasalanan sa pagka-wala ng anak ko. Nang maramdaman kong the plane was about to crash, sinecure ko naman si Sam. Pero, wala na nun akong maalala if what happened next."
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin.
Ngunit maya-maya'y pumukaw ng aming atensyon si Bianca na hinahawakan ang kaniyang ulo. Tila, sumasakit nanaman ito.
"Bianca? Are you alright?" tanong ni Anthon.
Inunahan ko na ito sa pagsalo sa aking asawa.
Hindi niyo alam gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Dahil, 'yung inaakala niyang asawa e kaharap niya ngayon.Sa totoo lang, hindi ako komportable ngayon sa athmosphere namin.
"Mauunan na kami. Sa totoo lang, hindi pa ako nag-agahan kaya uuwi na kami." Sabi ko at akmang hihilain na si Bianca paalis nang...
"Kumain na lang tayo sa bago kong restaurant. Ahm, malapit lang naman dito." Pigil ni Snthon.
"Nako, huwag na. abala lang kami sa trabaho mo. Sige na, mauuna na kami." Sabi ko at mabilis na hinila ang kamay ni Bianca.
Baka mamaya, si Bianca na ang namimilit sa akin na sumabay sa pagkain sa lalaking ito. Dahil kapag nagkataon, I will really lose my appetite.