"Ano ka ba, nag-aaya 'yung tao. Bakit mo tinanggihan?"
Sa totoo lang, kanina pa kami nagsasagutan sa kotse.
Bakit ba kasi nagkita pa sila?! Ok lang sana na pumunta na lang si Bianca ng basta-basta dun basta hindi lang niya nakita 'yung Anthon na 'yun."Ang kulit naman, Bianca e. Basta ayoko. Gusto ko kasi ikaw lang ang kasabay kong kumakain at wala ng iba. Naiintindihan mo?"
Tumahimik na lamang siya at inirapan pa ako.
"Nga pala, mamaya tatawagan ko ang kaibigan ko sa America. Siya kasi ang iniwan kong magfo-follow up sa akin tungkol sa anak natin. Hindi naman ako kinakabahan about kay Sam kasi alam ko na mahahanap siya." Pag-iiba ko.
"Talaga? Kapag nahanap na si Sam gusto ko ora mismo nasa America na tayo, ok?"
Nginitian ko naman siya at tinanguan.
"ok boss!"Nang-ngingitian kami nang biglang...
*bogsh!*
"Aw." Inda ni Bianca at nakahawak pa sa kaniyang ulo.
Hinintay ko naman ang susunod niyang reaksyon.
Tumingin siya sa akin ng mataman."Bianca?"
Hindi kaya nagrerecall na siya ngayon ng mga ala-ala niya? Hindi kaya... dahil sa pagkakauntog niya, naaalala na niya ang lahat?
"ANO BA BERNARD! MADIDISGRASYA TAYO SA GINAGAWA MO NIYAN E!"
Ikinagulat ko ang biglaang pagsigaw niya sa aking harapan. Napakamot ako ng ulo dahil doon. Akala ko naman... haaays!
Ilang sandali lamang ay may kumatok ng napaka lakas sa bintana ng kotse ko.
Ibinaba ko ito upang alamin kung anong kinakatok-katok niya."Hoy! Magpapakamatay ka ba ha?! Bumaba ka sa kotse mo!" sigaw niya sa akin.
Bakit lahat ata ng tao ngayon e sinisigawan ako? Napansin ko lang. Lahat ba ng tao o sadyang nakuntento lang ako kay Bianca?
"Chill ka lang pre." Sabi ko naman at bumaba ng sasakyan.
"Anong chill?! Sira ulo ka ba!? Tinangnan mo kung ano ang nangyari sa sasakyan ko! Alam mo bang kahit konting konting gasgas e hindi ko hinahayaang malagyan ang kahit ano mang sulok ng baby ko?!"
Isang matabang lalake ang kausap ko ngayon. Umirap naman ako at inilabas ang aking ball pen at kinuha ang cheke sa loob ng kotse.
"Magkano ba ang kailangan mo? O baka naman gusto mong ibili na lang kita ng bagong sasakyan?" mayabang kong saad.
"A-ano?! Ang yabang mo ah!"
Pinatikim niya ako ng isang malutong na suntok. Syempre, nasaktan ako. Ang taba taba pa naman niya.
Umiling na lamang ako at pinirmahan na ang cheke."Yan. Isang daang libong piso 'yan. I already sign it, tapos na ako dito."
Kaagad na akong sumakay ng aking kotse at pinaharurot ito paalis.
"Ang yabang yabang mo kasi. Ayan tuloy! Nasaktan ka ba? Gagamutin kita pagka-uwi ha?"
Napangiti naman ako sa sinabi ng aking asawa. Kaya panandalian ko na munang itinabi ang sasakyan sa kalsada.
Kaagad kong hinatak ang kaniyang batok palapit sa akin at hinalikan siya sa labi. Oh shit, it really feels good when she's responding.
Nang kumalas ako ay bahagya niyang hinampas ang aking dibdib."I'm already healed." Masigla kong sabi at kinindatan siya.
Para bang feeling ko ngayon, bumalik kami sa dati. 'yung time na hindi pa siya showy at medyo pakipot pa sa akin.
"Ang dami mong alam. Umuwi na nga tayo." Malambing niyang saad.
Kaya naman hanggang sa marating namin ang bahay e bakas sa aking labi ang kurba nito.
Hindi ko alam, parang ang saya-saya ko ngayong araw kahit na kamuntikan na akong mawala sa sarili ko kanina."miss Bianca!"
"Ate!"
Halos magkasabay nagsalita sina Yngrid at Jas nang pagpasok namin sa bahay.
'yun nga lang, nauna si Yngrid na sumalubong sa asawa ko."Tumabi ka nga. Tabi! Ikaw ang may kasalanan nito e! Kung ginagampanan mo ng maayos ang trabaho mo edi sana walang drama dramang ganito! Kaya tumabi ka diyan!" mataray na sabi ni Jas at inagaw ang kamay ni Bianca mula kay Yngrid.
"Ate, I'm so worried. Saan ka ba nanggaling ha? A-anong nasa isip mo at naisip mong maglayas ng ganun ganun lang?!"
Isa pa 'tong si Jas. OA din.
"Hindi naman ako naglayas. Saka, kung maka 'I'm so worried' ka diyan kala mo hindi mo ako sinigaw sigawan kagabi." Sagot naman nitong si Bianca.
"Huwag mong ibaliktad ang sitwasyon. Ikaw ang dapat sermunin at hindi ako. Anong nangyari sa'yo bakit bigla bigla ka na lang nawawala dito sa bahay? Are you out of your mind?!"
Napairap naman itong si Bianca.
"No I'm not. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong pumunta sa restaurant ni AJ. Nung nakita ko si Bernard, bumalik sa isip ko na siya nga pala talaga ang asawa ko."Bigla namang binitawan ni Jas ang kamay ng ate niya.
"Yun naman pala e. No need to be worried. Kumain na nga tayo! Magtatanghalian na lang wala pa akong nakakain! Asaaaar!" sigaw nito at umakyat ng hagdan.
Napa-iling na lamang ang ate niya. Samantalang si Yngrid ay lumapit sa kaniya.
"miss Bianca, ok ka lang? Anong nararamdaman mo? Saka, may nangyari ba habang wala si Bernard?"
Si Bianca naman ay hinawakan ang kamay nito.
"Nako, Yngrid... huwag kang mag-alala. Konting sakit lang naman sa ulo. Pero, ok na ako." nakangiting sagot ni Bianca.
"uhm, ako po ang magluluto ng lunch natin. Para makabawi naman ako sa inyo ni Bernard." Presinta niya at tumingin sa akin.
"Sige nga, pakitaan mo kami ng skills mo." sabi ko naman sa kaniya.
"Oo naman! Gagalingan ko." nakangiti niyang sagot.
"Pero, teka... anong? Wait, wait." Dagdag pa niya at mabilis na pumasok sa kaniyang kwarto.Paglabas niya, may dala-dala siyang medical kit. Bigla niyang hinatak ang aking kamay paupo ng sofa.
"Ano bang nangyari diyan sa pisngi mo? Naku, hindi ka siguro nag-iingat ano?"
"ahm, ah... Yngrid..."
"Huwag ka ngang malikot. Ayan, hihilom na din 'yan ilang araw lang." naka ngiting sabi ni Yngrid habang pinapahiran ng ointment ang gilid ng labi ko.
Nakatitig lamang ako kay Bianca habang ginagamot ni Yngrid ang pasa ko.
Umirap naman ito at bigla kaming tinalikuran."Tawagin niyo na lang ako kapag kakain na."
Umakma akong tumayo ngunit pinipigilan ako ni Yngrid.
"Teka lang! Sandali na lang 'to. Ang likot likot mo naman e." sabi nito at hnawakan pa ang aking kanang kamay upang mag-stay ako.
Napamake face naman ako dahil sa inakto ni Bianca kanina. Parang... galit siya.
--
Hi po kay @VanessaAlindogan4 ☺♥