Kabanata 22

1K 21 16
                                    


Dalawang araw ang nakalipas. Gabi gabi ay nasa kusina ako upang uminom, at the same time... nag-iisip na rin ako ng plano ko kung paano ko ba sasabihin kay Bianca ang lahat ng tungkol kay Sam.

"Gabi-gabi, umiinom ka ah."

Liningon ko naman kung sino iyon. Alam ko naman si Yngrid ang nagsalita.
Nginitian ko na lamang siya at sinalinan ng alak ang aking baso.

"Hindi mo pa nasasabi kay miss Bianca." Sabi nito at humawak pa sa aking balikat.

"Naghihintay lang ako sa tamang timing. Ayoko siyang biglain at dumating sa point na kamuhian niya ako."

Umupo siya sa aking tabi at nakalapat parin ang kaniyang palad sa aking balikat.
"Hindi pwedeng magtagal iyan, Bernard."

"I know."

"Mind if I join you drink?" tanong niya sa akin.

"O-ok."

"You know, Bernard... you can't say that you have still time. Because there is also the concept of it's too late." Sabi nito sa akin at hinawakan pa ang aking anak.

"I know. Humahanap lang ako ng magandang tyempo." Sagot ko.

Mukhang nakahalata siya na naiilang ako sa paghawak niya sa aking kamay kaya naman siya na mismo ang lumayo ng kaunti sa akin.

"You know, si miss Bianca kahit na iba ang naaalala niya... naniwala siya sa'yo. Tingin ko, mahal na mahal ka nga talaga niya."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Di ko alam baka dahil sa narinig ko na mahal talaga ako ni Bianca.

"Totoo ang sinasabi ng iba. Na makakalimot man ang isip pero ang puso hindi." Sabi ko rito at nilalaro ang aking sariling inumin.

"Tama ka. Napaka swerte nga niya sa'yo. I hope, makahanap ako ng tulad mo." sabi niya at mataman akong tiningnan.

God, feeling ko may kakaiba sa mga tingin niya or it's just me? May tama na yata ako.
Kaagad ko ng ininom ang wine ko at akmang tatayo na nang...

"Leaving so soon? Ni hindi pa nga ako nakaka one shot."

Napakamot naman ako sa aking batok then I smiled awkwardly.
"S-sorry." Saad ko at umupo ng maayos.

Mga sampung segundo bago siya muling magsalita. Unfortunately, nagkasabay pa kami sa pagsalita.

"Saan ba makakahanap ng tulad mo." – Yngrid.
"You know, it's already late." – ako.

"Kung gusto mo ng magpahinga, it's ok."

Siya naman itong akmang tatayo kaya pinigilan ko din siya.
"No, no. It's fine."

Nakakahiya naman kasi kung iwanan ko siya dito o tanggihan. Lalo na't babae siya at kahit sa ganito lang ay napupunan ko ang home sick niya sa kaniyang pamilya.

"So, hanggang kailan mo aalagan ang asawa ko?"

Ininom niya ang alak na anasa kaniyang baso bago ako sinagot.
"Uh, hanggang sa gumaling siya. Hanggang sa maalala na niya ang ala-ala niya."

Napatango naman ako.

"Bakit? Ayaw mo na ba ako rito?" tanong niya.

"Nako, hindi. Hindi iyon sa ganun. Nagpapasalamat nga ako na dumating ka sa buhay namin."

"talaga? Salamat naman at may nakaka-appreciate pala sa akin."

"You're indeed a blessing from GOD, Yngrid." Naka ngiti ko naman sabi sa kaniya.
"Grabe, 'di ko nga alam na kung saan ka ba talaga nakuha ni Ren at ganiyan ka galing." Puri ko pa.

Bigla naman siyang natahimik at bahagyang namula ang kaniyang magkabilang pisngi. Ganun ba siya kadaling maflatter?

"Are you ok?" tanong ko.

"Uh, oo. Hindi lang ako sanay na may pumupuri sa akin." Sagot niya.

Hinawi naman niya ang kaniyang buhok at inilagay nito ang iilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga.

Pinagmasdan ko siyang mabuti.

"May boy friend ka ba? Or naging boy friend?" tanong ko.

Iniinom pa niya 'yung wine niya nang itagilid niya ang ulo niya upang tingnan ako.
Ibinaba niya ang baso niya.

"Wala at wala." Sagot nito na naka tingin pa.

Kumunot naman ang noo ko.

"Wala?"

"Wala kasi... strict ang parents ko kaya hindi nila ako hinahayaang magboy friend o tumanggap ng manliligaw nung nag aaral ako. Wala ulit, kasi... may nagustuhan ako kaso may iba na 'yung gusto."

Napa iling naman ako habang natatawa.
"Alam mo, hindi lang siya ang lalake sa mundo. You're exceptional, Yngrid. Hinid malayong walang magka gusto sa'yo."

"I don't want to wait for someone who will love me. It's a total waste of time. Saka, nasa saakin din 'yun kung gagawa ako ng move para maging kami nung taong gusto ko." sagot naman niya sa akin.

"Eh sino ba kasi 'yun?"

Isang mahabang katahimikan bago niya ako sinagot.
"Ikaw."

This time, ako naman 'tong natahimik.

"Joke lang." natatawa niyang saad.
"Nakakatawa 'yung itsura mo kanina. I wish you have seen it. Pft."

Kinutos ko naman siya. Grabe kinabahan ako dun.

"Sira. Huwag kang nagbibiro ng ganun! Pinapakaba mo ako." inis kong sabi.

Tumawa lang siya at sinalinan ng alak ang aking wine glass.

"Ba't ka naman kakabahan? Unless, may crush ka sakin." Biro niya.

"Ang kapal mo naman."

Muntik na akong mahulog sa upuan nang marinig ko ang boses ni Bianca.

"Bianca." Sabi ko at agad na binitawan ang aking baso.

"M-miss bianca..."

Nakatitig ito ng napakasama sa akin. Patay.

"Bakit gising ka pa? Alas dose na ho." Bianca said sarcastically.

"M-miss Bianca... about sa narinig mo, it's nothing. Nagbibiruan lamang kami ni Bernard." Paliwanag naman netong si Yngrid.

"I-I'm sorry, miss Bianca."

Bakit ba kase natanong ko pa 'yung boy friend thing na 'yun?! Grr
Wala akong masabi, umurong ata ang dila ko. Ngunit, ang mga paa ko ay kusang lumapit kay Bianca.

"I'm not asking for your explanation, Yngrid. Si Bernard ang tinatanong ko." mataray nitong sabi at umirap pa.

Dumapo ang mga mata nito sa akin. Para bang naghihintay siya na ako ang magpaliwanag.

"Look, we're just having fun. I already told you na naho-home sick si Yngrid that is why pinapasaya ko lamang siya." Bulong ko rito at hinahaplos ang kaniyang braso.

"Hmp!"

Iyon lamang ang ibinalik niya sa akin at lumakad na palayo sa aming nilulugaran. Syempre, obligado ako na sunandan siya kasi paniguradong nagseselos siya.

"Bianca, my love... nagseselos ka ba?"

Huminto siya sa paglalakad. Ngunit hindi niya ako nililingon. At dahil malapit na kami sa hagdan, bigla siya humawak sa hawakan nito at tila ba any moment ay matutumba siya.

Agad na akong umalalay sa kaniyang likod then, boom!

Nawalan siya ng malay.

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon