Kabanata 1

3.6K 61 16
                                    

Bernard's

Bianca's Lost Memories ~

Malakas na wang wang ng sirena ng ambulansya ang nagbigay daan upang ako ay magising. Iminulat ko ang aking mga mata at una kong nakita ay ang langit. Doon ko lamang napagtanto na ako ay nakahiga pala at tanaw na tanaw ang mga ulap.

Kaagad hinanap ng aking mga mata si Bianca.

"Where's Bianca? Where is my wife?!" tanong ko sa Amerikanang naka puti.

"Sir, please lay down for a moment." Sabi nito sa akin.

"No! I want to see my wife and my child!" pagmamatigas ko.

Halos magwala ako sa stretcher na aking hinihigaan. Kahit na iniinda ko pa ang sakit sa aking ulo, I manage myself to get up.

"Sir, please lay down first. Where going to the hospital to check if you have fractures and to treat your cut on your head."

"No! please, I'm begging you. Please!" sigaw ko.

Naramdaman ko na ang pag-angat nila sa stretcher at ipinasok ako sa ambulansya. Naramdaman ko ang pagbaon ng karayom sa aking braso kaya naman, naging dahilan ito ng pagkawala ko ng malay.

Nang magising ako ay naka hospital suit na ako at nasa ward. Kaagad akong bumangon at hinanap ang aking mag-ina.
Inisa-isa ko ang bawat kama at bawat pasyente ngunit hindi ko makita si Bianca at Sam.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang makita kong may babaeng nasa wheel chair at si Bianca iyon.
Nagmadali ako a paglalakad upang salubungin siya.

"Bianca!" saka ko siya niyakap.

Nang kumalas ako ay kita ko ang pagkunot ng kaniyang mga noo.

"S-sino ka?"

Medyo napatawa pa ako sa sinabi niya.
"Bianca naman o, tama na ang biro. Alam mo bang natakot ako nang hindi ko kayo makita?"

Tumingin siya sa nurse.
"I-I don't know who is he."

Bumagsak ang aking balikat. Nagpa 'excuse me' 'yung nurse at itinulak na ang wheel chair.
Kaya naman, pinahinto ko itong muli.

"Miss, wait! I know her. I am her husband! B-bianca, asawa mo ako. Ako 'to si Bernard. Hindi mo ba ako naaalala?" sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

Ilang sandali lamang ay dumating si tita Amalia.
"Bernard, hijo! Si Bianca ba iyan?" tanong niya.

Wala akong naisagot kundi tango lamang. Kaagad namang sumugod si tita sa kaniyang anak.

"Oh Bianca! I am so worried! Nag-alala kami ng kapatid mo!" sabi nito at binigyan siya ng isang matinding yakap.

"S-sino po kayo? Ako ba si Bianca?"

Nagtitigan naman kami ni tita Amalia nang kumalas ito sa yakapan nila ng aking asawa.
Wala akong masabi. Kasalanan ko ba ito?

Samantala, kinailangan muna siyang tingnan ng doctor dahil sa kaniyang kondisyon. Hindi kaya nagka-amnesia ang asawa ko? Bakit ngayon pa? Kung kailan namang maayos na kami saka pa magkaka-problema ng ganito.

"Bernard! Nasaan si ate? Si Sam?" tanong naman ni Jasmine.

Napa-angat ako ng tingin. Si Sam nga pala!
hindi ko na nasagot si Jas at dali-daling pumunta sa nurse station.

"Nurse, do you know where are the survivors? I'm looking for my son." Sabi ko sa nurse.

Itinuro niya sa akin kung saan idinala lahat ng pasahero. Nabigo ako sa paghanap sa aking anak. Sinaniban na ako ng kaba kaya naman lumapit na ako sa mga rumescue sa amin.

"Excuse me, sir." I approached.
nilingon naman nito ako. "Did you saw my son? His height was like this and he has birth mark on his right leg."

"I'm sorry, sir. We did not rescue a child. The survivors are only the old ones."

Nang sabihin niya iyon ay tila tumigil ang ikot ng aking mundo. Nanginginig ang aking laman. Hindi pwedeng mawala ang aking anak, lalo na't ganito ang lagay ni Bianca.

"You must report your lost child, sir. Before it's too late."

Tulad ng kaniyang sinabi, ay aking ginawa. We searched for my son. Sumama rin ako sa paghahanap sa kaniya. Ngunit noong araw na iyon ay wala kahit anong bakas ni Sam.
Bumalik ako sa hospital kung nasaan ang aking asawa. Dahil sa nangyari, siguro'y magtatagal nanaman kami dito sa America.

Nadatnan ko ang aking pinakamamahal na asawa na mahimbing na natutulog. Umupo ako sa kaniyang tabi at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Sam is missing. Please, magpagaling ka na." maluha-luha kong sabi.

Ilang sandali lamang ay may pumasok na doctor sa kwarto.
"Bernard?"

Lumingon ako at nakita ang aking kaibigan na si Ren.

"Anong ginagawa mo rito? Doctor ka?" taka kong tanong.

"Uh, oo pare. Hindi pa naman talaga ako doctor, nagte-training pa lang ako." sagot niya sa akin.

"Akala ko ba, highest paid architect ka? Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin? Bakit nandito ka sa America?"

Nagkamot naman siya ng batok.
"Mahabang kwento, pare. By the way, nandito ako para idala itong result ni Bianca. Nagulat nga ako nang siya ang i-assign sa akin."

"Ano daw, pare? Wala namang amnesia ang asawa ko diba?" pangu-nguna ko.

"Uh, 'yung totoo kasi pare, she as an amnesia and it cause by the brain damage through injury. I'm sorry to hear that pare." Sabi nito sa akin.

May amnesia ang asawa ko... why? Bakit ngayon pa kung kailan namang ok na ang lahat?

"Ok ka lang, pare?" tanong ni Ren sa akin.

Tumango naman ako. Kahit na sa loob loob ko ay hindi ako ok.
"Y-yes." Sagot ko.

"Paano pare, mauna na muna ako. Just call me if you need help or something." Sabi naman niya at iniabot ang kaniyang calling card.

Tinanguan ko na lamang siya at muling umupo sa gilid ng kama. Tinitigan ko si Bianca na mahimbing na natutulog ngayon.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

Tila iyong ginawa ko ay naging dahilan ng kaniyang pagising.

"Bakit ka nandito? What are you doing to me?" galit niyang tanong at inagaw pa ang kaniyang kamay mula sa akin.

--

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon