Kabanata 20

1.1K 21 2
                                    


Habang nakatitig ako sa aking asawa na nakahiga sa kama, biglang nagring ang aking selpon.

Tumayo ako at lumayo ng kaunti.
Konti lang naman ang pagitan sa aming dalawa ni Bianca.

"H|ello?"

"Pare, ano ng plano mo sa bangkay ni Sam?"

"Fck, Dave. Hindi 'yan ang anak ko."

"Pare, you have to accept the fact. Your son is gone."

Hindi ko alam pero parang unti-unti akong ginigising ng reyalidad.
Napailing ako.

"Pare, alam nab a ni Bianca?"

Napayuko naman ako.
"No. Hindi pa niya alam na patay na si Sam."

"P-patay na si Sam?"

Agad akong napalingon nang may mag salita.
Fuck!

"Pare, I'll call you later." Sabi ko at ibinaba na ito.

"What are you doing here, Yngrid?! Bakit ka nakikinig sa usapan namin?!" galit kong saad.

"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya na marinig ko kayo. Pero ang anak ninyo ni miss Bianca. Patay na siya." Sabi nito at mas lumapit pa sa akin.

Hinilot ko ang aking sentido.
"Yes. And I want you to keep this as a secret ok?"

"P-pero... paano po si miss Bianca?"

"Ako na ang bahala sa kaniya."

Tumango naman siya. Bumilis ang tibok ng aking puso nang luamabas si Bianca mula sa likod ni Yngrid.

Fuck! Narinig kaya niya?!

"Pinag-uusapan niyo nanaman ako."

Hindi ako makapagsalita. Maging si Yngrid ay nakatingin lamang sa akin.
Please, wala kang narinig Bianca.

"Oh ano? Tulala kayo diyan? Ayaw niyo bang ishare sa akin 'yang pinag-uusapan ninyo?"

Unti-unti akong nakakahinga ng maayos nang marandaman kong wala siyang narinig sa aming usapan.

"Uh, a-ano. Sine-set lang namin kung kailan ka pwedeng pumunta kay Sam." Mabilis kong sagot.

Pinandilatan naman ako ng mata ni Yngrid. Nagkibit balikat ako. Iyon ang una kong naisip anong magagawa ko?

"Nako, kayo talaga" lumapit ito sa akin at niyakap ako sa bewang.
"Kailan nga ba?" tanong nito na nakatingin sa amin.

"H-hindi pa namin alam. Basta... I'll inform you na lang." kinakabahan kong sagot.

Medyo nag-iingat ako sa mga sasabihin ko dahil alam ko namang hindi magtatagal magtatagal ang sikretong ito.

"Maiwan mo muna kami, Yngrid." I commanded.

Tumango naman ito at lumabas na n gaming kwarto.

"Hon, im really excited to see my son. Sobra sobra sobrang excited nako na mayakap siya. Once na nabuo na talaga tayo, ok lang sakin kahit na hindi na bumalik ang ala-ala ko."

Hindi ko siya nasagot at hinalikan na lamang ang kaniyang noo. Niyakap ko ito ng sbrang higpit.
Ayoko na mawala siya.

Napagpasyahan kong puntahan ang hospital kung nasaan ang katawan ng aking anak.
gusto ngang sumama ni Bianca pero, pinigilan ko na lamang ito.

"Pare, what's the plan?" tanong ni Dave sa akin.

"I-I don't know?" patanong ko pa itong sinabi.

"Anong I don't know?! Tawagan mo ang tita Amalia mo. Sabihin mo sa kaniya nang hindi mo sinasarili 'yang problema mo."

"Fine, fine. Kung maka utos ka parang ikaw si Bianca ah." Sabi ko naman rito at inirapan siya.

"speaking of Bianca, anong sinabi mo sa kaniya? Siguradong nagulat 'yun."

Napatitig ako sa aking kaibigan for almost 5 seconds nang basagin niya ang aking katahimikan.

"Natulala ka diyan? Nagu-gwapuhan ka nab a sa akin pare? Nako, ah. Hindi porket depress ka ngayon, ibabaligtad mo ang mundo mo." sabi pa nito sa akin.

"Gago. Bat ko naman gagain 'yun? Tanga ka ba? May mali akong nagawa pare." Sabi ko at nagpamulsa.

"Ano nanamang katangahan 'yan?"

"N-nasabi ko kay Bianca na b-buhay pa si Sam." Mahina kong sagot.

"Yun lang pala e. Madali lang malulusutan 'yan." chill niyang sagot.
Maya-maya...

"Putang ina pare! Gumagawa ka ng sarili mong multo na ikakatakot mo!" sermon niya sa akin at binatukan pa ako.

"Di mo naman ako kailangang batukan. Alam ko, mali ako. Natakot lang ako na mawala si Bianca pare."

"Hay nako! Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, tapos na ako sa binigay mong trabaho sa akin." Sabi nito sa akin.

--

Sinunod ko naman ang payo ni Dave sa akin na tawagin si tita Amalia tutal ay nandito parin naman siya sa America.

"Bakit kayo nandito ni Bianca? Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?" salubong sa akin ni tita Amalia.

Napakamot naman ako ng batok.
"Sorry, tita. Urgent lang." sagot ko naman.

"Sya, pumasok na muna tayo sa loob."

Pagpasok namin sa loob ng coffee shop, kaagad kaming umupo sa isang vacant table.
Ipinagsiklop ni tita Amalia ang kaniyang mga daliri at naghintay na ibuka ang aking bibig.

"Uh..."

Tinaasan naman ako ng kilay.

"T-tita... sam is g-gone." Mautal-utal kong panimula.

Wala ng intro, intro. Wala ng pasakalye. Straight to the point na.

"I know. Everyone knows that your son is missing. Ano ba, Bernard naglolokohan ba tayo dito?"

Napapikit ako ng mariin at nasabunot ang aking buhok.
Huminga ako ng malalim at nagsalitang muli.

"Tita, what I mean is... my son is already dead. Nahanap na ang katawan niya." mabilis kong sagot.

Moment of silence...

"A-ano?"

"Wala na si Sam, tita. Patay na ang apo niyo." Ulit at mahina kong sagot.

Napa iling naman si tita Amalia at halata ang gulat sa kaniyang mga mata.

"Waiter!" tawag ni tita.
Kaagad namang may lumapit na waiter sa kaniya. "Yes, ma'am?"
"Give a glass of water, please." Sabi nito.

Pagkahatid sa kaniya ang tubig, mabilis nitong linagok at walang itinira sa baso.
Ilang saglit lamang ay nagsalita si tita.


The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon