Isang linggo na ang nakalipas mula noong madischarge si Bianca at nakauwi na rin kami ng Pilipinas kasama ang abo ng aming anak na si Sam.
Laging hawak ng aking asawa ang jar kung saan isinilid ang abo ng aming munting anghel.
Hindi ko siya maka usap ng maayos. Tanging si Yngrid lamang ang kinakausap niya, maging ang kaniyang ina at kapatid ay hindi nito kinikibo."Ate naman! Kakausapin mo ba kami o hindi?!" inis na tanong nitong si Jasmine.
"Jas, huwag mo munnag pressure-in ang ate mo. She's still mourning." Sagot naman ng kanilang ina.
Sumama na rin si tita Amalia sa amin rito sa Pilipinas upang mabantayan na rin ang kaniyang anak.
"Hon, can we talk? Please?" sabi ko naman at hinawakan ang kaniyang kamay.
Walang sabi niya itong binitawan at ibinalik ang kaniyang kamay sa jar.
Naaawa ako. Naaawa ako sa sarili ko dahil mismong ako, hindi na rin kinikibo ng asawa ko."Yngrid, gusto kong magpahinga."
Tumango lamang si Yngrid at inalayang tumayo ang aking mahal. Kita sa mukha ni jasmine ang inis.
"Mommy, paalisin mo na yang Yngrid na 'yan dito. Kasi habang nandiyan 'yan hindi tayo papansinin ni ate." Suhestiyon ni Jas.
"I strongly disagree." Sabi ko naman at sinundan ang aking asawa sa aming kwarto.
Liningon naman ako ni Yngrid nang marinig na niya ang pagsara ko ng pinto.
"Bernard...""Iwan mo muna kami, Yngrid." Sabi ko na nakatayo parin sa gilid ng pinto.
"Ok."
Nang kami na lang dalawa ni Bianca sa kwarto... hindi ko mapigilan maiyak. Pumikit ako at sinalo ng aking mga daliri ang mga nagbabadyang kumakawalang luha mula sa aking mga mata.
"Kausapin mo na ako, please." Sabi ko sa kabila ng aking pag-hikbi.
Ang sakit sa pakiramdam dahil wala nanaman akong nakuhang sagot mula sa kaniya.
Lumapit ako at niyakap siya."Please... please, talk to me." Sabi ko then I plant small kisses on her cheeks.
"My memory has gone... you lied... and now, my son..." huminto siya sa pagsasalita dahil nag umpisa nanamang bumaba ang mga ga butil na tubig mula sa kaniyang mga mapupungay na mata.
"...my son was gone too."
Bumagsak ang aking balikat. God, please... siya na lang ang meron ako. I don't want to lose her also.
"Everythig has a reason why God brought us here." Sabi ko sa kaniya.
I'm trying to cheer her up by using words of God pero, walang epekto sa kaniya.
She's totally blank and hurt.--
Bianca's POV
Akala ko, kahit na hindi ko na maalala ang nakaraan ko magiging masaya na ako.
Akala ko, muli ko ng mahahagkan ang anghel ko.
Akala ko, magkakaroon na ako ng masayang pamilya.
Akala ko, heto na ang umpisa.
Akala ko... lahat ng akala ko tama.Hindi pala maganda ang mag-assume ng sobra. Kailangan pala, maging critical thinker this days. Bakit ba nangyari 'to sa buhay ko?
Aminado ako na mahal na mahal ko si Bernard. Nararamdaman ko din na mahal niya ako. but... why the hell happened this kind of situation to me and to my family?!
All I want is a peaceful and happy life. Minsan, naku-kwestiyon ko ang panginoon kung bakit kailangan e si Sam pa ang kunin niya sa amin? Na kung bakit ang anak ko pa ang kailangan niyang ilayo sa amin. Pwede naman ibang tao na lang.
Out of billions of people... why my son has chosen to disappear in this world?
Ok lang kung ako na lang kasi... natikman ko na ang marangya at masayang buhay. Lahat na ata ng challenges sa buhay e naranasan ko na.Kahit na naaalala ko lamang ay kakarampot, bakit pinaalala pa sa akin ang aking anak kung kukunin din naman siya ng maaga sa akin?
"Miss Bianca? Nakikinig ka ba?"
Si Yngrid. Siya lang ang kinakausap ko kasi... alam kong siya ang taong higit na nakakaintindi sa sitwasyon ko.
"Tama na ang pag-iisip tungkol kay Sam. Move on, miss Bianca. If you can't help to think of your angel... isipin mo na lang na maayos na ang lagay niya dun." Sabi niya then she pointed the sky.
Nasa isang play ground kasi kami ng subdivision. Araw-araw niya akong inaayang lumabas upang marelax daw ang utak ko at maiwasan ko na ang pag-iisip ng tungkol kay Sam.
"Kapag nakikita niyang malungkot ka at hindi mo parin kinakausap si Bernard? Naku, siguradong umiiyak 'yung si Sam."
Bernard...
Masakit sa part ko na magsinungaling siya sa akin. I assumed na buhay pa si Sam at makakasama ko pa siya. 'yun pala ay hanggang pangarap na lamang iyon.
"Yngrid, sa tingin mo... masama ba akong tao noon kaya pinaparusahan ako ni Lord?" naluluha kong tanong.
"Iiyak ka nanaman. Ano ba, hindi no. Kahit papaano ay marami ring naikwento sa akin si Bernard tungkol sa'yo. Ikaw daw 'yung tipo ng babae na napaka hirap makuha pero laging may soft spot diyan." Sabi niya at pinindot pa ang aking dibdib.
Kahit pigilan ko ay kusang lumalabas ang luha mula sa aking mga mata.
"Tama na ang iyak. Kaya nga pinapasyal kita para lagi ka ng naka smile e. Hindi tama na lagi kang naiyak."
"S-sorry... I just can't help it."
"Don't cry for what is lost. Smile for what is still remain. Maswerte ka at nandiyan si Bernard para sa'yo kahit na tinataboy mo siya." Pangaral nito sa akin.
"Kaya gusto kita e. Napapagaan mo ang loob ko."
Nginitian naman niya ako.
"Tara na? umiinit na rin." Aya niya.Pag-uwi namin sa bahay, hinanap ng mata ko si Bernard. Wala siya sa bahay.
"Jas, si Bernard?" tanong ko.
Nakatitig lamang sa akin si Jas at sobrang pinandidilatan ako ng mata. Para bang nagulat siya. May nakakagulat ba sa sinabi ko?
"Kinakausap mo na ako, ate." Usal niya.
"O-oo?" sagot ko naman.
"Omygod ate!" sigaw niya at dinamba pa ako ng yakap.
"Ow---kay?"
"Nga pala, si Bernard pumasok na sa opisina. Hindi ba nagpaalam sa'yo?" sabi ni Jas at bumalik na sa kaniyang inuupuan.
"Ah, nagpaalam siya. Nakalimutan ko lang."
Ang totoo niyan ay wala siyang nabanggit sa akin na papasok na siya. Bakit ko ba kasi siya hinahanap? Galit ako sa kaniya.
"Ayiee, bati na kayo ni asawa mo?"
Inirapan ko na lamang siya at isinawalang bahala ang kaniyang sinabi.
Pumasok ako sa kwarto namin at marahan na hinaplos ang makinis na banga kung nasaan ang aking anak."Miss na kita, Sam."
Sa tuwing naaalala ko siya ay kusang lumalabas ang mga luhang nagatago sa aking mga mata.