Kabanata 28

1.2K 33 40
                                    


Tatlong araw ang nakalipas. Naging busy ako sa kumpanya at hindi ko na gaanong nakukulit si Bianca. Sana, sa pagiging busy ko ay mamiss man lang niya ako L

"Pare! Gusto ng kunin ng tito mo 'yung shares niya. Pero hindi pa daw siya sure, pero kapag nagkataon... lugi kumpanya mo. Kailangan mong kumayod ng sobra para maibalik 'yung mga kukunin ng tito mo."

Nasa bungad palang ako ng building, iyan na ang salubong sa akin ng ulupong.

"hinintay mo man lang sana akong makapasok sa opisina ko diba? Hindi 'yung ib-broad cast mo sa akin dito sa labas at may nakakarinig na iba."

Nagkamot naman siya ng ulo at nag gestured ng 'sorry'
nilagpasan ko na lamang siya at tuloy-tuloy na sa aking opisina.

Pagpasok ko ay, ganun din. Haaays!

"Ano na pare? Anong gagawin natin? Babagsak 'tong negosyo mo kapag hinayaan mo ang uncle mo na kuhanin mga shares niya. Sa pagkakaalam ko, siya ang may pinaka malaking share sa lahat."

Umupo ako sa swivel chair ko.
"The truth is, itong kumpanya ay kaniya. It only happens na binitawan niya ito at sinalo naman ng daddy ko at saka ipinabahala kay tita Amalia. Ngayon, nang mamatay ang daddy, ibinigay na lamang sa akin ni tita ang mga responsibilidad."

Natahimik kami ng mga sampung minuto, mukhang pareho kaming nag-iisip ng paraan upang mapigilan namin ang aking tiyo.

"Ganito gawin natin."
"Ganito na lang!"

Nagkasabay pa kami.
"Ako ang mauuna, ako ang boss." Sabi ko sa kaniya.

"So, here's the plan... I'll ask him na bibilihin ko ang shares niya."

Kumunot ang kaniyang maitim na noo. Pft!
"Gago, 'di kita gets. Nasayo nga shares niya tas bibilhin mo? Pang sira ulo lang?"

"Oh ano, sige! Sige nga, mag suggest ka. Gago 'to, kala mo ang talino." Sabi ko naman at inirapan siya.

"Syempre, ako pa? Basta akin na lang mga plano ko, bigyan mo lang ko ngthree hundred thousand close na ang usapan." Sabi nito at tinatanguan pa ako.

"300 thousand? Gago, aalukin mo siya ng 300 hundred thousand lang? Aning ka na. Di ka talaga mabentang sira ulo ka." Lait ko sa kaniya.

"Ako ngang bahala e! Dami mo pang sinasabi ako na nga gumagawa ng paraan!" singhal naman niya sa akin.

"Sornaman, oo na sige. Kailan mo kailangan?"

"Bukas. Hep, hep! Pero may kapalit 'yun..."

Tinaasan ko naman siya ng kilay para bang nagtatanong kung ano 'yung kapalit na 'yun.
Hindi ako nagsalita at hinintay ko na lamang siyang magsalita.

"Papayagan mo kami ni Angela."

Napa iling naman ako sa gusto niyang mangyari.
"Sige, deal. Akala mo naman magiging kayo nun, psh asa."

"Sabi nga nila, DARE TO CHASE YOUR DREAM. That's why I'm gonna chase her."

Tinamaan ang gago.

--

Late na rin nang makauwi ako, ngunit ang aking asawa ay hindi pa tulog.
Hawak-hawak niya ang malaking photo album ni Sam. Lumapit ako sa kaniya then I hug her from my back.

Isinara niya ang photo album at tumayo. She's cold as an ice. I can't take this anymore!

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung kumusta araw ko? kung kumain na ba ako? o kung pagod ba ako?" I'm trying to cool myself.

"May pagkain sa baba, nagluto si Yngrid. Kumain ka na lang, tapos na ako."

Napapikit ako ng mariin sa kaniyang inaasta.
"Hindi mo na ba ako mapapatawad? What's next? Makikipag hiwalay ka sa akin?!" sigaw ko.

"Don't shout, gusto ko ng matulog." Walang buhay niyang sagot sa akin.

"Ano ba Bianca! Come on, you don't have to mourn forever!"

Wala akong narinig na kahit anong sagot mula sa kaniya.
Nasabunot ko ang aking buhok at lumabas ng aming kwarto.

"Bernard."

"Jesus! – ano ba, Yngrid! Huwag ka ngang nanggugulat!" singhal ko rito.

"S-sorry. Narinig ko kasi na sumigaw ka. Nag-aaway ba kayo?" tanong nito sa akin.

"I don't fucking know. Ask her." Sabi ko saka na bumaba ng hagdan.

"Teka, pag-usapan niyo naman 'to! Huwag kang ganiyan kay miss Bianca. Lalo mo lang sasaktan ang mga sarili ninyo."

Napa-iling ako.
"Hindi ako nagsasawa na suyuin siya. Pero, nakaka-suko na. Lahat ginagawa ko pero, wala man lang akong natatanggap na appreciation."

"Saan ka pupunta?"

Nagkibit balikat na lamang ako.
Deretso ako sa garahe and then I start the engine.

Sa buong biyahe ay wala akong ibang iniisip kundi ang uminom.

I want to refresh my mind. Kailangan kong magpalamig, ayoko na may masabi ako sa asawa ko na ikasasama niya ng loob kapag nanatili pa ako doon.

Sinubukan kong tawagan si Justine upang samahan man lang niya ako sa pag-inom. Hindi bilang amo kundi bilang kaibigan. Kaso, hindi sumasagot ang loko.

"Give me a shot of whisky." I ordered.

"Yes, sir."

Wala pang isang minuto sa kamay ko ang baso, kaagad ko na itong linagok. Straight walang tapon.

"One more."

Nakaka pitong baso pa lamang ako nang may pumigil sa akin. Hawak nito ang aking kamay.

"Fuck, get off your hands! Natapon tuloy." Ngawa ko then I ordered one whisky again.

"Stop it."

Natigil ako nang nilingunan ko ang babaeng pumipigil sa aking pag inom.
Napatayo ako at humarap sa kaniya.

"W-what are you doing here?"

Dinukot niya ang aking wallet mula sa likod ng aking pantaloon. Kumuha siya ng pera at inilapag iyon sa counter.

"Lasing ka na. You look pale, Bernard. Come on." Sabi nito sa akin at hinihila ang aking kamay palabas ng bar.

"Hindi ako lasing. Ilang shot pa lang 'yun."

"Shut up. Uuwi na tayo."

Nagpahila na lamang ako hanggang sa makasakay kami sa kotse.
Sa likod niya ako pinaupo at siya naman ang sa driver's seat.

"I can manage to drive." Sabi ko at pilit na lumilipat sa harapan.
"Lumipat ka na ng upuan."

"Huwag ng makulit. I can drive." Sabi nito at hinawakan ang aking kamay.

"Kung ganun, pinapatawad mo na ako?" tanong ko saka hinawakan ang kaniyang pisngi.

"H-ha? Pinapatawad?"

Ayoko ng makipag argumento pa. I claimed her lips and gave him a warm kiss.
Hinila ko siya patungo sa aking pwesto.

"I love you, Bianca. I don't want to lose you again. Ikamamatay ko, I swear." Sabi ko.

"Pero..—"

Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang halikan kong muli siya.
Akala ko ay wala na siyang pakealam sa akin. Akala ko ay hindi niya ako susundan.
Mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko magagawang sumuko o magsawa para sa kaniya.

She's my life.

----


 HUHUHU SORRY NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE 'COZ I'M VERY BUSY ABOUT MY SUMMER JOB. NEEDING YOUR SUPPORT GUYS! HEHE KAMSARANGHAEEEEEEEE ~

PS. SORRY SA MGA TYPO GRAMMATICAL ERROR. E-EDIT KO NALANG PAG MAY TIME HHEEHEHE

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon