Yngrid’s POV
“Isinusumpa ko ang lalaking iyon kapag hindi ka niya pinanagutan! Hahanapin ko iyon kahit saan mang lupalop siya ng mundo magtago!”
Iyan ang huli kong narinig kay itay bago siya magdesisyon na lumuwas ng Maynila. Hindi naman ako nagdalawang isip na sundan sila ni inay.
Habang nasa bus ako ay sobrang lalim ng iniisip ko. Kung bakit ko ba nagagawa ang bagay na ito. Kung bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko... tinamaan ako ng sobrang sama kay Bernard kaya halos magmaka-awa na ako na ako ang mahalin niya kahit na may asawa na siya.
Si Bernard kasi ‘yung typical ideal boy friend type... I mean, ideal type ng isang asawa. Napaka swerte nga ni miss Bianca dahil may asawa siya na tulad ni Bernard. Naiinggit ako kaya ang pag-agaw sa lalaking mahal niya ay nagagawa ko na.
Hindi mahirap mahalin si Bernard, hindi siya masamang tao, napaka mapagmahal niya sa taong malapit sa kaniya at gagawin niya lahat para lang sa taong mahal niya.
Iyan ang mga bagay na nakapag patibok ng puso ko sa kaniya.
Masama bang magmahal? Sa palagay ko ay oo, dahil minamahal ko ‘yung maling tao at malabong mapa sa’kin.
Bigla ko na lang naramdaman na mahal ko siya.Pero, pilit niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako ang mahal niya at hindi niya ako kayang mahalin. Na si Bianca lang ang para sa kaniya, na si Bianca lang ang nagmamay-ari sa kaniya, na si Bianca lang ang mahal niya, na si Bianca lang ang gusto niyangt makasama habang buhay...
Sinubukan ko siyang tawagan muli kagabi at kaninang umaga ngunit naka patay na ang telepono nito. Iniiwasan niya ako.At hindi ako makakapayag na hindi ko siya mapapasakamay.
..—pagbaba ko sa terminal ay agd nahagilap ng aking mga mata sina inay at itay kaya madali ko silang nilapitan.
“Inay, itay!”
Lumapit naman sila sa akin.
“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na huwag kang aalis sa bahay? Baka makasama sa bata.” sabi ng aking ina.“hindi niyo naman po lama kung saan siya hahanapin e.”
“Inay, itay... alam ko po kung saan naroroon si Bernard.”--
“Sigurado ka ba anak, dito siya nagta-trabaho?” tanong sa akin ni itay.
“Opo. Siya po ang may-ari nito...—teka lang po ha.” Sabi ko at lumapit sa isang empleyado.
“Miss, nandiyan ba si Bernard Santos? Okaya naman si Bianca Santos?” tanong ko.
Halos habulin ko na siya sa bilis niyang maglakad. Hindi kasi ito huminto sa paglalakad nang tanungin ko siya.
“Magtanong ka sa front desk huwag sa akin.” Sabi nito at binilisan pa ang paglalakad.
Kaagad naman akong nagtungo sa front desk.
“Miss, si Bernard Santos?”Ibinaba nito ang telepono na nasa kaniyang tainga.
“Do you have an appointment with Mr. Santos?” tanong nito sa akin.
“Wala! But I badly need to talk to him!” halos magsusumigaw na din ako sa kaniyang harapan nang sabihin niya ‘yung appointment thing na iyon.
“At bakit mo hinahanap si Bernard?”
isang mataray na boses ang narinig ko mula sa aking likod.“miss Jasmine...” ang aking nausal nang ako ay lumingon.
“Ako nga. Anong ginagawa mong malandi ka rito?” nakataas pa ang isang kilay nito habang nakahalukipkip sa aking harapan.