"Kaya ko kayo pinatawag ngayon, para sabihin na siya si Bernard Shane Santos, ang tunay na may-ari ng Scheinder's watch company."
Katahimikan ang bumalot sa aming paligid.
Kaya naman, binati ko sila."Hi, it's nice to see you all?"
Ilang sandali lamang ay...
"Grabe, ang gwapo niya!"
"Sheez, single pa kaya siya?"
"He's so hot, ilang taon na kaya siya?"Tinanguan naman ako ni Jus. Fudge! Bakit feeling ko nahihiya ako ngayon sa napaka raming tao?
"Again, I am Bernard Santos. I am 29 years old and... I have a family. A wife and one son. That's all." Sabi ko at kaagad ng umalis sa kanilang harapan.
"Magtrabaho na kayo." Sabi ni Jus at nagjog upang sundan ako.
"Anong problema pare?" tanong nito sa akin.
Hindi ko ito sinagot hanggang sa makapasok na kami sa aking opisina.
Umupo ako sa table ko at bumuga ng marahas na hininga."Wala na akong anak pare. Tas, parang wala na rin akog asawa."
Natigil page-emote ko nang tumawa siya. As in, 'yung malakas.
"Seryoso bro? Gago ka din e, hindi mo bagay ang nag eemote. Please lang, pft!"Umiling na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Mga isang minuto na tahimik 'yung opisina ko. Walang kibuan.
"Pare, totoo?"
Idinilat ko ang mga mata ko at iginawi sa kaniya ang aking paningin.
"Totoong patay na anak mo?"
Napa "tss" na lang ako at pumikit ng muli.
"Sorry, pre. Ngayon ko lang nalaman." Sabi nito.
"Chinat ko si Dave, sabi kasi nila nun siya 'yung kasama mo sa paghahanap ng anak mo."Tinanguan ko na lamang siya. Wala akong balak pag-usapan ang tungkol sa anak kong namayapa na.
"Condolence, pre."
--
Mahaba-haba din ang araw kong iyon. Napakarami parang pending documents na kailangan ng mismong pirma ko. 'yung iba ay wala ng bisa.
Pag-uwi ko, sinalubong ako ni Jasmine.
"Hoy, hinahanap ka ni ate kanina. Hindi ka man lang pala nagpaalam na papasok ka na sa trabaho ngayon." Bungad niya sa akin.
'yung pagod ko biglang nawala nang marinig ko na hinahanap ako ng asawa ko. Hinagis ko ang susi ng sasakyan sa sofa at dali-daling pumasok sa kwarto.
Nadatnan ko silang dalawa ni Yngrid na nagkakatuwaan.Bigla silang tumigil sa pagtawa. Wala ng paa-paalam, tumayo si Yngrid at iniwan kaming dalawa ni Bianca sa kwarto.
Nginitian ko naman siya at nilapitan."Hanap mo daw ako?" naka ngiti kong tanong.
Walang kahit anong salita ang lumabas mula sa kaniya, umiling lamang siya at tumayo mula sa kama.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang lumapit siya sa pintuan.
"Labas." sagot niya at tuluyan ng pinihit ang door knob.
Ganun ba talaga ako kasama para hindi na ako halos kausapin ng asawa ko? ganun ba talaga kabigat ang nagawa kong kasalanan sa kaniya para ibaliwala ako?
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan kkong kumakain sina Yngrid at Bianca ng hapunan. Hindi man lang ako inaya.
Ikinasakit ng loob ko nang makita ako ni Bianca ay binatawan na niya ang mga kubyertos na hawak niya at tumayo na.
"Tapos na ako. Yngrid, sunod ka ah." Sabi nito at linagpasan lamang ako.
"Bernard, kain na." aya sa akin ni Yngrid.
"Sige salamat. Busog ako."
Sa totoo lang? gutom na gutom na talaga ako kanina, nawalan lang talaga ako ng gana.
Dumiretso ako sa cabinet at kinuha doon ang wine glass at dumeretso sa sala na dala-dala ang wine at baso.Nakakadalawang sgot pa lang ako nang may sumita sa akin.
"Halos araw-araw na 'yan ah.""Hindi no, gabi-gabi lang."
Tumahimik naman siya ng mga limang segundo. Nagsalita siya nang magets na yata niya.
"Baliw ka, I mean gabi-gabi e yan na ang kaharap mo. Kung si miss Bianca ang kaharap mo malamang magiging ok na kayo."Napa isding naman ako sa kaniyang sinabi.
"Imposible 'yang sinasabi mo. Mas pipiliin pa niyang kausapin 'yung abo ng anak namin kesa sa akin."Tumabi naman siya sa akin.
"Alam mo, tyaga lang ang kailangan. Huwag kang panghinaan ng loob.""Hindi ko naman gustong mangyari iyon sa anak namin e. Bakit ang laki ng sakit ng loob niya sa akin?" sabi ko saka ko na ininom ang isang basong wine.
"Intindihin mo siya, kung mahal mo talaga si miss Bianca... gagawin mo ang lahat para bumalik kayo sa dati."
Napapa isip ako sa mga sinasabi ni Yngrid. Tama siya, kailangan bumalik kami sa dati. Kailangan maging ok na kami. Pwede pa naman kaming bumuo ng anak. Tama.
"Hulog ka talaga ng langit!"
Pagkasabi ko nun ay niyakap ko siya.
"Tama ka, hindi ko dapat sukuan ang asawa ko." sabi ko.Narandaman ko na yumakap na rin siya kaya kumalas na ako.
"tatanawin ko talagang isang malaking utang na loob ito kay Ren." Ngiting-ngiti kong sabi sa kaniya.
"Yngrid? Nandiyan ka ba?"
Napatayo sa gulat si Yngrid nang marinig niya ang tawag ni Bianca.
Pababa ng hagdan ang aking asawa at natigil siya sa paghakbang nang makita niyang kasama ko ito."Kasama mo pala si Bernard. Sige, matutulog na ako."
Tumayo na rin ako at hinabol siya hanggang sa kwarto. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago magsalita.
"Mag-usap tayo." Sabi ko at hinawakan ang kaniyang braso.
"Kailangan ko ng magpahinga." Matigas niyang sabi at binawi ang kaniyang brao.
This time, magkabilang braso na niya ang hinawakan ko.
"Kausapin mo ako. Hindi ibig sabihin wala na si Sam pababayaan mo na ako. Asawa mo parin ako, Bianca."Hindi niya ako kinikibo o kahit na tinitingnan man lang.
"Makakagawa pa tayo ng maraming Sam. Hindi pa 'to ang katapusan, Bianca. Hayaan mo na mabuhay tayo ng masaya. Let's move on." Dagdag ko pa.
"Move on? Anong sabi mo? move on?"
Iwinaksi niya ang kaniyang mga braso upang makawala ito sa aking mga kamay.
"Gusto mong kalimutan ko lahat? What the fuck, Bernard! Sa palagay mo ba 'yang move on na 'yan ag sagot sa sakit ng dinadamdam ko?""It's not that, ok? Ang gusto ko lang sabihin ay hindi ka pwedeng mabuhay na lang sa nakaraan. You have to move forward."
"Paano ako mabubuhay sa nakaraan eh wala nga akong maalala?! At 'yung taong nag-iisang naaalala ko ay wala na! Hindi ko na siya makakasama, makakausap, mayayakap... hindi ko na magagawang maging ina para sa kaniya."
Niyakap ko siya nang tumulo ang kaniyang luha. Fuck! I don't wanna see my wife crying because of me.
"Shh, hush now, my wife. I'm sorry, gusto ko lang naman na bumalik na tayo sa dati." Sabi ko at hinahalikan ang kaniyang buhok.
"Walana tayong babalikan sa dati, Bernard. Wala na, wala na."