Kabanata 40

1.2K 23 11
                                    

Bianca’s POV

I kept on asking my husband why we have to leave Philippines so soon. ‘yun pala, may tinatakasan siya.

The moment I heard my sister screaming is parang literal na tumigil ang ikot ng mundo ko pati narin ang mga taong naka paligid sa kanila.

Inilipat ko ang tingin ko kaya Bernard pero naka yuko lang ito.

That is why when I get the chance to escape that building, ginawa ko na. Imagine, narinig ng mga empleyado ni Bernard ang katarantaduhang ginawa niya.

Nakakahiya ‘yun sa part ko kasi ako itong asawa niya nalaman pa sa iba.

“Bianca, wait.” Nanginginig ang boses nito nang hilain niya ang aking braso.

“Let me go, please...”

I manage not to cry. Hanggat kaya ko pa, pipigilan ko ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.
As much as possible ayokong umiyak dito sa daan.

“Please... pakinggan mo naman ang eksplanasyon ko.”

Nagpakumbaba ako, tinanggap ko ulit ‘yung sorry niya kahit na nagsinungaling siya sa akin na buhay pa si Sam.

Sasagot na sana ako sa kaniya nang may magflash sa aking isipan. It was AJ and Francesca.

“Dito nakatira si Francesca. Ibig sabihin dito rin ang pinupuntahan ni AJ?”

“Smash her door.” It was Bernard.

“Why, AJ? why Francesca?!!!” it was me shouting at my friend and AJ.

“Nagkamali lang ako. Hindi namin gusto na mangyari ‘to. s-sasabihin ko naman dapat sa’yo pero wala akong lakas para gawin ‘yun.” – AJ

Ibig sabihin, AJ cheated on me too? Ngayon, si Bernard naman... why? Bakit ginaganito nila ako?!

“WHY?!” sigaw ko saka ko siya tinulak.

“I can explain... I’m sorry!”

“Explain?! Ano pa ba ang ie-explain mo?! Narinig ko na! Huwag mong sabihing ide-deny mo ‘yun?!” sigaw ko.

Hindi ko man alintanang nasa gilid kami ng kalsada ngayon.

“Pakinggan mo muna kasi ako!”

I laughed sarcastically. “Ano?! Same line with AJ? ‘yung nagkamali ka lang at hindi mo gusto ang nangyari? Na natukso ka lang? na sasabihin mo naman dapat sa akin ang totoo pero wala kang lakas ng loob? Ano?! Ano pa bang hindi ko nabanggit?!”

Tears... please, makisama naman kayo. Huwag muna kayong bibitaw. Ayokong ipakita sa kaniya na iiyak ako.

No...

I’m still laughing... like a crazy woman. And in the end, hindi na kinayang kumapit ng mga luha ko sa aking mata at nag-unahan ang mga ito na maglabasan.

“I don’t know why the world is so cruel to me.” sabi ko between my sobs.

“Y-you remember everything? Naaalala mo na ang lahat?”

Tiningnan ko naman siya.
“I don’t remember things about you. I only remember the same situation we’re experiencing right now. That AJ betrayed me too.”

Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad. Ngunit, narandaman ko na lamang na hindi ko mailakad ang aking mga paa.

Bernard is actually hugging my feet.

“Let go.” Ma-awtoridad kong utos.

“I will never let go of you.” Basag ang kaniyang boses nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

“Please, Bernard. Give me some space. You don’t know what I really feel right now. Y-yngrid need you the most.” Mautal-utal ko pang sabi.

Tama naman ako diba? Mas kailangan siya ni Yngrid ngayon dahil buntis ito. I need you too but I’m hurt and I want to heal the stab on my heart.

“No, no. You know that you’re the one that I love. Pakinggan mo muna ako.”

Bawat taong nadaan sa aming linulugaran ngayon ay napapahinto at kita sa kanilang mga mata ang awa sa lalaking nakaluhod at nakayakap sa aking mga hita.

“Tumayo ka diyan. Pakikinggan kita.” Malamig kong sabi.

Wala pang dalawang segundo ay naka tayo na siya sa aking harapan at hawak na ang aking mga kamay.

“D-do you remember when we fought about Sam?” panimula nito habang may tubig na umaagos sa kaniyang pisngi.

Maging ang kaniyang mga kamay ay nanginginig na nakahawak sa akin.
“D-diba umalis nun ako to unwind? Naalala mo noong hindi ako umuwi, noong inumaga ako at maging si Yngrid ay nawala rin noong gabing iyon? That time was the most regretful night I’ve had.”

Sila pala ang magkasama noon? Paano nagawa ni Yngrid sa akin na traydorin ako? Due to the kindness I have give to her... may ginawa ba akong mali para ikagalit niya sa akin at nakuha niyang ahasin ang asawa ko?

“Am I that stupid para pagsinungalingan ninyo ako at may namamagitan na pala sa inyo? Do you think I’m easy to be fooled?” my voice get tiner dahil for the second time, nagpipigil nanaman ako ng luha.

“N-no... I-I was drunk and that night, ikaw ang nakikita ko, ikaw ang nasa paningin ko. Paggising ko, doon ko lang napagtanto na si Yngrid pala. Actually, wala akong naaalala na may nangyari sa amin until she told me that she’s... sh-she’s p-pregnant.” Halos hindi niya maibigkas ang huling salita.

Tumango ako. “Fine, tapos ka na sa explanation mo? Can I go now?” matigas kong tanong.

Not because I nod e ok na. No, nag-iwan lang siya ng isang daang punyal na nakasaksak sa puso ko.

“Please don’t leave me. Give me another chance.”

Umikot naman ang aking mga mata. “Another chance? Naririnig mo ba ‘yang sarili mo? I already gave you the chance to fullfil lahat ng pagkukulang mo sa akin. But you just gave me ANOTHER reason to leave you, again.”

Bumagsak ang kaniyang balikat at sunod-sunod na nagsilabasan ang mga gabutil na tubig mula sa kaniyang mga mata.

“N-no... alam mo kung ano ang kaya kong gawin kapag nawala ka ulit. I’m telling you, hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay ko if you’re going to leave me!” banta niya.

“Then, do it.”

With that words, I left him on that scenario. Ngayon ko inilabas ang mga luhang kanina pa nagpupumilit na tumakas mula sa pagkakakulong sa aking mga mata.

Magmula noong natanggap ko na hindi na babalik ang memorya ko, ipinangako ko sa sarili ko na magiging mabuti na akong asawa at ina sa mga magiging anak namin.

Magmula noong natanggap ko na wala na si Sam, ipinangako ko na mas magiging matatag ako kasama si Bernard.

Pero ano ‘to? Ano ‘tong nangyayari sa amin? Do I deserve this? Kailangan ba masaktan muna ako bago ako maging masaya? Ang tanong... sa huling kabanata ng buhay ko, magiging masaya pa kaya ako?

Sabi nila, ‘You only live once’ kaya nagsusumikap ako na maging masaya at makuntento sa buhay na meron ako.

Pero ano ‘to? Kahit ata anong pilit kong maging masaya, hindi parin para sa akin ang salitang ‘SAYA’

Hindi ko na nga alam kung saan na ako nakarating.
Basta, gusto lang ng mga paa ko na maglakad pa ako. Feeling ko kasi ay nakakahinga ako ng maluwag sa ganitong paraan.

The Seducer's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon