Disoras na ng gabi nang makarating kami sa Batanes. Ngalay na ngalay ang pwetan ko dahil sa haba ng biyahe namin.
Nang ihinto ko na ang sasakyan ay napakadilim sa paligid. Nakarinig ako ng mga kahol ng aso kaya randam ko ang paglapit nila sa amin.
“Inay, Itay...” nagsimula ng tumawag itong si Yngrid.
Biglang bumukas ang ilaw sa isang maliit na bahay at lumabas ang isang babae na may edad na.“Inay!” masiglang salubong ni Yngrid sa kaniyang ina.
Tumakbo pa ito at niyakap ng mahigpit.“Jusko, anak umuwi ka na rin sawakas! Alam mo bang alalang-alala na sa’yo ang itay mo dahil ilang buwan ka ng hindi tumatawag.”
Nasa gilid lamang ako ng sasakyan, ayokong lumapit doon dahil ilang sandali lamang ay aalis na rin naman ako.
“Idang, ikaw na ba ‘yan?” ngayon ay isang lalaking may edad rin ang lumabas sa bahay kubo nila.
Sa aking palagay ay may karamdaman ito.“Itay...” sabi nito at nagmano sa lalaki.
“Hinintay niyo na po sana ako doon sa loob na makapasok. At hindi ba’t sabi ko ay tawagin ninyo ho ako sa tunay kong pangalan?” Sabi nito at mukhang inaalalayan ito sa paglalakad.“Sadyang nasabik lamang ako nang marinig ko na dumating ka, Idang.” Naka ngiting saad ng matandang lalaki.
Bigla namang nagawi ang tingin ng mag-asawa sa akin. Napa-ayos tuloy ako ng tayo.
“Sino naman ang lalaking iyon?” tanong ng kaniyang ama.
Nakangiting lumapit sa akin si Yngrid at hinatak ako papunta sa kinatatayuan ng kaniyang mga magulang.
“Tay, nay si Bernard ho. Nobyo ko.”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niyang nobyo niya ako.
Kaya hindi ko maiwasan na suwayin siya ng mahina. “Yngrid...” sabi ko at binitawan ang kaniyang kamay.
Nagulat ako nang bigla akong tinuktok sa ulo ng kaniyang ama.
“Nobyo mo ito? Bakit hindi man lang marunong magmano.” Matapang na sabi ng kaniyang ama.
Hinimas ko ang ulo ko dahil medyo masakit ‘yung pagkakapalo niya. Ilang beses na ako nasapak ngayon araw na ito ah?
“Mukhang mahiyain itong taga Maynila mong nobyo, Yngrid. Hali na kayo at pumasok muna sa loob ng bahay.” Aya ng kaniyang ina.
Naunang pumasok ang mag-asawa sa bahay. Akmang hahatakin ako ni Yngrid papasok ng bahay nang kalasin ko ang pagkakahawak niya sa akin.
“Ano nanaman bang kabaliwan ‘to, Yngrid? Bakit mo sinabi iyon? You know what, pinapalaki mo lang ang problema. Hindi ikaw ang mahihirapan dito kundi ako.” sabi ko at ipinagsalubong ang aking mga kilay.
“Hindi mo ako naiintindihan Bernard. Nag-iisang anak ako! Baka mapatay ako ng itay ko kapag nalaman niyang pumatol ako sa may asawa.”
Hindi ko alam kung bakit ako napa-irap.
“It’s not my fault. Alam mong lasing ako pero hindi mo man lang napigilan ang sarili mo, to think na walang espirito ng alak ang sumanib sa’yo.”Yumuko siya.
“Diyan nanaman ba tayo?—”“At bakit hindi? Tama naman ako hindi ba?” putol ko.
“I don’t know why am I doing this? Eh hindi naman kita makuha-kuha!” ngawa niya then her hands run into her hair.
“What do you mean?” tanong ko.
Magsasalita na sana siya nang lumabas ang kaniyang ina mula sa loob ng bahay.