Prologue

5.1K 94 19
                                    

"Babalik ako." Ngumiti ako ng napakatamis.

"Kailangan mo na ba talagang umalis?" Tanong niya.

Ngumiti ako.

Kahit na ang totoo ay ayoko rin.Pero oras ko na eh.

"Oo eh.Tapos ng yung mission ko dito.Nahanap ko na kung sino pumatay saakin.At nagbabayad na siya."

Masaya ako kasi nagkaroon na ko ng hustisya.

"Saka nabago na rin kita! Kahit na wala sa mission ko iyon!" Natatawang saad ko.

"Tsk,iba ka talaga.Ikaw lang ang nakilala ko na masaya kahit nagpapaalam." Tumingin ako sakanya.

Gusto ko ng umiyak pero pinigil ko ito.

Ngumiti ako na di na makikita ang mata ko.

"Ako pa.Kailan pa ko nanging malungkot."Tumingin ako sa kwintas kong umilaw."Paano ba'yan kailangan ko ng umalis."

"Mag-iingat ka dun.Huwag mo ko kakalimutan." Tumango ako.

"Bago sana ako umalis gusto kong sabihin na." Lumapit ako sakanya.Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.Atdun tumulo ang luha niya.

"Bakit kailangan mo pa kasing umalis." Hinawakan niya ang pisngi ko.Nagsimula tumulo ang luha ko."Bakit ngayon pa.Bakit ngayon pa na mahal kita."

"Mahal din kita.Mahal na Mahal.Pero hindi ako puwede tumira sa mundo mo." tinignan ko siya."Isa akong multo.Patay na ako.At hindi tayo puwede magkasama.Iba ang mundo ko at mundo mo.Dito ka at dun ako sa langit." Tumingin ako sa langit.

"Papaano kung di ka bumalik?" sabi niya."Paano tayo?"

Napayakap ako sakanya.Niyakap rin niya ko.

"Babalik ako.Sa susunod na henerasyon.Kung tinadhana tayo magkita at magkikita parin tayo." sabi ko.Pero nawala rin ang ngiti ko."Pero kahit magkita tayo sigurado hindi mo na ko maalala."

Kumunot ang noo niya.Ang gwapo niyang mukha tiyak mamimiss ko.

"Paano mo nasabi di na kita maalala?"

"Jacob,ibang henerasyon na iyon.Lahat na ito hindi mo na maalala.Ibang tao ka na dun."

"Papano kung maalala kita?" napatigil ako.Papano kung maalala nga niya talaga ako? Pero alam ko di puwedeng mangyari iyon.Nakasaksi na ako.Nagmahal ang isang multo sa isang tao pero sa sunod na henerasyon hindi na niya naalala.At wala nangyari.

"Hindi ko alam.Hindi pa iyon nangyayari."

"Pwes,mangyayari iyon.Sa atin.Pinapangako ko iyan." napatingin ako sakanya.Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kahit anong mangyari aalalanin kita.Pangako." Pagkabikas niya nun ang pagdampi ng labi niya saakin.

"Panghahawakan ko iyon Jacob.Sana magkatotoo iyon.Kasi kahit kailan di kita makakalimutan."

"Mahal na Mahal kita Danica."

"Mahal na Mahal din kita Jacob."

Ang pagyakap niya saakin ang unting-unti kong pagkawala na parang bula.

Pangako,babalik ako.At sa pagbalik ko gusto ko yung pangako mo ay tuparin mo rin.

Paalam Jacob....

-----
NOTE: All right reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This book is a work of fiction. All of the characters, organizations, and events portrayed in this novel are either products of the writer's imagination.

NO part of this book may reproduced or transmitted in any form or by any means of electronic or mechanical, including photocopying, recording of any information storage and retrieval system WITHOUT PERMISSION FROM THE AUTHOR. Plagiarism si a Crime

©Littlegirlost

Eto po yung Second Story ko.

Sana po magustuhan niyo 😊

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now