AGTR 71

836 19 0
                                    

Danica's Point of View.

ISANG BUWAN na nakalipas nung nangyari yung sagutan namin sa ospital. Di na kami ganun nagpapansinan, dahil naging cold na ang pakikitungo niya saakin.

Hindi ko naman siya masisi kasi hindi ko sinasabi sakanya lahat. Kaya ngayon gulong-gulo pa din siya.

Mas okay na siguro yung gantong samahan namin dalawa, kesa naman may maalala pa siya kapag malapit pa din kami sa isa't-isa.

Ayoko na sabihin sakanya na nagkaroon kami ng relasyon NOON. Sa NAKARAAN. Alam ko din naman na hindi siya maniniwala saakin.

"Pst!" napatingin ako sa kadadating na si Thalia. Umupo siya sa pwesto niya. "May balita ako."

"Ano?" tanong ko. Wala din akong gana araw-araw. Ewan ko ba kung bakit. Andyan naman si Harold pero..parang kulang.

"May School Trip tayo bes!" Masayang saad niya. Lagi siya excited dyan e. "Ang sabi pa, ngayon year na to."

"Ano?" tipid na saad ko.

"Walang gana teh? Isang buwan ka ng ganyan!" inis na saad niya. Napapansin din kasi ni Thalia na lagi na ko tahimik at walang gana.

"Huh?"

"Akala mo di ko napapansin! Abnoy ka e noh! Isang buwan ka na ganyan! Hindi ako manhid Danica! Ano bang nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sakanya. "Wala. Trip ko lang manahimik." tipid na saad ko.

Inirapan niya ako. "Seriously?! TRIP MO YAN?! PWES, AYOKO SA TRIP MO NA YAN!" sigaw niya. Napatingin tuloy classmates namin.

Galit na si Thalia, at wala na siya pake sa paligid. "ANO TALAGA NANGYAYARI SAYO?!" Inis na pahayag niya.

"Thalia...huminahon ka muna." Saad ko.

"Pano ako hihinahon kung nagiging ganyan ka! Nakakainis na Danica! Kaibigan mo ko, pero hindi mo magawa sabihin saakin yung problema mo!" napaiwas ako ng tingin, ng makita ko yung luha ni Thalia na babagsak na.

"Hindi sa ganun.."

"E yun pala e! E bakit di mo sabihin yung problema mo saakin?" Tumingin ako sakanya, bumubuhos na ang luha niya. Ayoko nakikita ang bestfriend ko na umiiyak. Sinubukan ko siya hawakan pero iniwas niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"A-Ano kasi.."

"Ano? Ipaalam mo saakin, para matulungan kita!"

"Wala akong problema, Thalia."

"Wala? Meron! Kilala kita!! Hindi ko alam tumatakbo sa isip mo pero di natin magagawa yan ng di ko alam! Di ko maintindihan." Kahit ako din. Thalia, hindi ko din alam.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now