Jacob's Point of View.
"Buhay ang anak ko hijo."
O_O Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan na malamig. B-Buhay?
"H-Ho?"
"Buhay ang anak ko hijo, kakapadala nga lang niya saakin ng pera. Ang laki nga masyado nang pinadadala niya." Saad niya saakin.
P-Papano? "Puwede bang patingin nang last na text niya sainyo?" saad ko.
Kinuha niya ang isang Iphone?! "Nagulat ka ba? Bigay din niya saakin to, last month." binigay niya saakin.
From: Danica <3
Ma, nagpadala na po ulit ako, sabihin niyo lang pagkulang.
Napakunot ang noo ko, tinignan ko kung kelan ito. Yesterday 13:45 pm.
Kahapon lang? Di kaya? .....
"Pumunta na po ba si Danica dito?" tanong ko.
"Hindi pa nga e. Noon tinatanong ko sakanya kung kelan siya pupunta dito, ang lagi niya sinasabi busy siya sobra."
"Tita, sinasabi ko na po di si Danica ang nagpapadala at nagtetext sainyo." nakangising saad ko.
Ang galing nang taong yun, biruin mo, para mapaktakpan ng sobra ang ginawa niya, pinalabas niya talaga na buhay pa si Danica.
"Hijo."
"Matagal. na. po. patay si Danica. Mismo sa birthday niya." pigil at gigil na saad ko.
Di ako nagagalit sa mama niya kundi sa taong pumatay kay Danica! Nanggigil ako.
Ano bang kasalanan ni Danica! Kinuha ko ang envelope na may laman ng pictute at nang katunayan na namatay na siya. "H-Hindi!!! Hindi totoo! Sabihin mo hijo! Di totoo toh!" Tumayo ako at pumikit. Di ko kayang makita na umiiyak ang isang babae. Naalala ko ang mama ko. Humagulgol ang naririnig ko. "A-Anak ko! B-bakit! Anak bakit mo ko iniwan! Sabi mo saakin babalik ka! Pero bakit ito?!"
Lumuhod ako para makapantay. "Hijo! Sabihin mo sino pumatay sakanya?!"
Tumungo ako at umiling. "BAKIT!"
"Huwag po kayo mag aalala. Dahil sisiguraduhin ko, makakamit ni Danica ang katarungan na dapat nakamit niya noon pa." niyakap ko siya.
Naalala ko ang sinabi ni Danica saakin. "May mensahe si Danica para sainyo."
Tahimik siya at hinihintay ang sasabihin ko."Ma, wala man ako sa tabi mo ngayon, huwag kang mawawalan ng pag asa, dahil andito ako sa tabi mo na umaalalay sayo. Ang daya ko kasi sabi ko diba babalik ako sa Pampanga, pero eto di ako nakabalik." Saad ko. "Pero Ma, di porket wala na ako, di mo na gagawin at magdudusa ka nalang. Ayoko nun, gusto ko masaya ka kasi nandun na ako sa pinaka masayang place sa buong mundo. Kaya ma, alaga mo si papa at si Gracie ah. At ma, higit sa lahat. Mahal na mahal mahal kita. Di ako nagsisi na ikaw ang nagluwal saakin, Ma, sorry dahil sinungaling ako, sorry dahil pinaasa kita. Ma, Pasensiya na kung di ko nagagawa ang dapat na nagawa ko. Pero ma, may isa akong hiling." saad ko.
"*Hik* A-ano.."
"Sa pagkawala ko, di titigil ang mundo niyo."
-----
UD!Don't forget to Vote, Comment and Follow #^_^#
~Lovelots!
-Littlegirlost.
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Ficção Adolescente(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...