AGTR 72

807 25 2
                                    

Harold's Point of View.

"Pag ba sinabi ko sayo, maniniwala ka?" Bigla ako kinabahan.

"S-Syempre, m-maniniwala ako." Ba't ako nauutal?! Bakit kinakabahan ako?

"Talaga?" Tanong niya saakin. Yung mga mata niya ang lungkot at madaming gustong sabihin na hindi niya masabi.

"O-Oo naman."

"Huwag ka mabibigla ah—" Bigla tumunog yung bell. Ibig sabihin magsisimula na ang first subject namin.

"Mamaya nalang." saad ko. Pero tinignan lang niya ako.

Nakita ko pumasok si Jacob at si Thalia. Alam ko na hindi pa tama na magtabi sila. Nabasa naman ni Jacob iyon nang magkasalubong ang aming mga mata. Tangina parang yung pakakasabi ko may kung ano saamin HAHAHHA.

"Good Morning Class." bati ng teacher namin.

"Good Morning, Ma'am." Bati ng mga kaklase ko. Oo kaklase ko. Di ko naman trip na mambati e. Hahaha.

Nagsimula na ang klase, pero iniisip ko pa din yung sinabi ni Danica.

Bakit naman ako hindi maniniwala sakanya? Lagi siya yung pinaniniwalaan ko. May tiwala ako sakanya kaya bakit niya sinasabi na kung maniniwala ba ako? E obvious naman na lagi ako naniniwala sakanya. Ang weird.

Sana naman hindi ito malaking problema kasi hanggang ngayon kinakabahan pa din ako.

*-*

Danica's Point of View.

ANO BA INIISIP MO DANICA! At sinabi mo kay Harold yun?!

Sigurado magtatanong yun! Tapos ano isasagot ko? Sasabihin ko ba sakanya?! Syempre pagkakamalan ako na baliw niyan. Abnormal ka kasi! Abnoy.

Ako na nga nagsabi sa sarili ko walang makakaalam..KASO eto yung letcheng bunganga ko masyadong madulas. Bwisit.

Pero siguro naman di na niya itatanong diba? Siguro naman. Hays.

Nakatulala ako, hindi ko alam ano na gagawin ko. Nagkasagutan kami ni Thalia at na apektuhan ako doon. Siya lang kasi yung sobrang naging kapatid ko tapos magkakaproblema kami.

Totoo naman kasi, hindi ko kaya sabihin sakanya lahat ng sikreto ko. Yun ay yung naging multo ako noon, at ngayon naging tao na. Dahil alam ko hindi siya maniniwala at baka iwasan niya ako. Ayoko mangyari sa punto na tawagin niya ako na baliw, siraulo, may sapaw na ang utak at ano pa.

Masama ba na matakot? Saka nung nabuhay ulit ako, gusto ko makasama ang magulang ko na mahabang panahon at tupadin yung pangako namin ni Jacob.

Kaso si tadhana ata pinaglalaruan ako. Ginawa niyang boyfriend nang kaibigan ko si Jacob. Ang masaklap pa, yung BESTFRIEND KO PA. LINTEK.

Ayoko masaktan yung tinuring ko na kaibigan. Pero nasasaktan din ako dahil mahal ko siya pero hindi ako ang mahal niya.

Nawalan din ako na pag-asa kasi hindi niya ako maalala. Atsaka kahit pilitin ko ipaalala sakanya alam ko naman ako ang lalabas na nahihibang.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now