Nathan's Point of View.
"Kilala mo si Danica?" ulit ko. Naka tingin ako sakanya. So tama si Jacob...
"Di naman ako masamang kaibigan e...Masama ba na iligtas ko ang mga mahal ko?" Umiiyak na saad niya. "Oo, nagsisi ako dahil di ako magsalita....kung sana di ko siya iniwan...di siya mapapatay ni Chelsea.."
O_O Nanlamig ako....C-Chelsea? Si Chelsea ang pumatay kay Danica?! "Kung sana di ko siya iniwan.....buhay pa sana siya.." Umiiyak na saad niya.
"Iniwan ko siya.....iniwan ko siya...lahat nakita ko...lahat.....at tinakot nila ako." Niyakap niya ako. Niyakap ko siya.
"Shhh, tama na. Oo, tinakot ka nila kaya di mo kaya sabihin."
"Nathan...kapatid na ang turing ko kay Danica...siya yung nag pahalaga saakin, kaya di ko matanggap na wala na siya. Araw-araw..Gabi-gabi nasa isip ko na kung di ko siya iniwan masaya kami...." tama si Jacob...may alam si Faye. "Sana panaginip nalang.." Maya-maya wala na ko nakarinig nang hikbi.
Nakatulog na siya. Hiniga ko siya. "Pagod ka na. Magpahinga ka na, Pinsan." Lumabas ako na ako.
*Click*Click*
"The F*ck! Jacob.." nagulat ako kay Jacob. Ngumiti siya saakin at pinakita ang...
"Recorder?" tanong ko. Nang bigla ko maalala. "Nirecord mo?" Saad ko.
"Sorry, Nathan, eto lang ang paraan para magkaroon nang ebidensiya. Kung di niya kaya mag open sa lahat, at kahit saakin....Ikaw." Tumingin lang ako. "Ikaw lang makakatulong saakin." pagmamakaawa niya.
"Jacob, ewan ko...natatakot siya. Tinakot siya ni Chelsea.." saad ko.
"Alam mo na, puwede ba huwag mo sasabihin sa iba ang nalalaman mo? Pinagkakatiwalaan kita." Jacob.
"Makakaasa ka saakin, kaibigan tayo." nakangiting saad ko.
"Kahit kay Greg. Huwag na huwag mo sasabihin." kumunot ang noo ko. "Mahabang kwento. Basta huwag."
Tumango ako. "Teka..Jacob puwede ba ako magtanong?"
"Ano?"
"Sino ba si Danica sayo?"
*****
Jacob's Point of View.
"Sino ba si Danica sayo?" napatingin ako sakanya. "Bakit ang halaga niya sayo? Kilala mo ba siya noon pa?" tanong niya.
Ngumiti ako sakanya. "Gusto mo malaman?"
"Oo."
"Sasabihin ko sayo lahat, pero di pa sa ngayon. Pag natapos ang kaso niya. Saka ko sasabihin lahat." Saad ko.
Kumunot ang noo niya. Kaya tumawa ako. "Baka mabaliw ka lang kakaisip pag sinabi ko. Huwag ka ngang chismoso."
"Di ako chismoso noh!" bumalik na ulit ang mood namin.
"Aalis na ko, salamat pala dahil pinatulog mo ko dito." saad ko.
"Ikaw pa."
LUMABAS ako nang kotse. Pumasok na ako sa unit ko. Umalis na pala si Detective. "Danica.."
"Danica..." tawag ko. Dumaretso ako sa kwarto niya pero wala siya?
"Danica?!" sigaw ko. Nasan na siya?
Tinignan ko ang sala. May papel...sana hindi iyon!
Hello Jacob!!
Huwag ka sumigaw ah! Umalis lang ako para magpahangin.
Kailangan ko malabas ang nasa loob ko.
Ang sakit kasi e. Kaya hintayin mo ko babalik ako.Umupo ako, naging kampante ako. Pero bakit kabado padin ako?
Parang may mali....Mailabas? Para di maganda iyon...
DI KAYA?! Napatayo ako. Nang bigla magring ang phone ko.
Greg is calling..
"Hello?"
"Jacob! Tulungan mo ko! Ayaw bumukas nang pinto ni Chelsea!! Sumisigaw siya sa loob!!"
Umakyat ang kaba ko saaking dibdib. Tuluyan ako napatakbo nang marinig ko iyon.
"GREG!!! SI DANICA!! ANDITO! TULUNGAN MO KO!!"
------------
Hello Guys!!! :)Sorry dahil di ako nakapag update kahapon. Gabi na kasi kami nakauwi galing mall.
Kaya babawi ako bukas sainyo...dahil walang pasok 😊😊
Yun lang!
Dont Forget to Vote, Comment, and Follow!
~Lovelots!
-Littlegirlost.
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Ficção Adolescente(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...