AGTR 39

897 25 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Once na nagsalita si Faye, matatapos ang lahat. Makakamit niya ang hustisya na dapat nakamit niya." Detective.

Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa nalaman ko. Katabi at ka kilala ko pa. Ang tanga mo Jacob!!! Alam niya nq binubuklat mo ang kaso!

Napasabunot ako sa buhok ko. "ARGH! ANG TANGA MO JACOB !!" inis na saad ko. Wala sa sarili ako tumayo. Kinuha ko ang susi nang sasakyan ko.

"Where are you going?" Tumayo si Detective at pinigilan ako. "Kung nagbabalak ka na sugudin at sabihin sakanilang dalawa, mali yun. You just helping them." inis ako tumingin sakanya.

"Hanggang sa di pa nagsasalita si Faye wala tayong magagawa. Di mo puwede sabihin ang nalalaman mo sa ngayon....You see Jacob, pag nalaman nila na alam mo, puwede ka mapahamak, ako at lahat na nakapaligid sayo." saad niya.

Lumapit siya at binulungan ako. "Si Chelsea, madaming hawak iyon di mo lang alam, mapapahamak ka kapag nalaman niya na alam mo, she will do anything, para di siya makulong. Kung kailangan kang patayin, gagawin niya yun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ang sama niya. Tsk, dapat di ako nagmahal nang kagaya niya. She's just nonsense loving for. Sinayang ko yung pagmamahal mo sa di karapat-dapat.

"Don't worry, di ako mag pupunta sakanila, kailangan ko nangsariwang hangin para makapag-isip." saad ko. Tinanggal ko ang pag patong nang kamay niya saaking balikat at umalis.

Hinanap ko si Danica pero hindi mo makita. Gusto ko man siya lapitan pero nagagalit ako sa sarili ko. Malapit saakin ang pumatay sakaniya.

Sumakay ako sa kotse. Wala sa sarili napadpad ako sa condo unit ni Nathan.

Pinindot ko ang doorbell. Ilang beses ko ito pinindot. "Takte sino bayan!---BOSS!"

"Boss, ano ginagawa mo nang gantong kaaga" nakasando at boxer siya, magulo ang buhok. Ngayon ko lang napansin pogi pala tong ungok na to, pero mas pogi ako-Tsk.

"Asshole, change your clothes right now, I will be waiting you in my car." Saad ko.

"Teka!"

"I will just give you 5 minutes to change." Utos ko at tumalikod na.

"Boss! 10 minutes! Magpapapogi ako!" Saad niya.

"3 minutes or 5 minutes? Choose." saad ko.

"Sabi ko nga."

"Di ka babae, ayoko pinaghihintay, bilisan mo." Utos ko at naglakad na pabalik nang kotse ko.

Damn You Greg! May tinatago ka pala! Bakit di man lang ako nakaramdam! Hinampas ko ang manibela.

Matagal na pala kayo nang babaeng iyon! So ibig sabihin kayo parin nung kami pa! What an actor and actress! Psh. She was just a waste. Sayang yung pag-ibig ko sakanya.

*Tok*Tok*Tok*

Napatingin ako sa labas. Si Nathan. Binuksan ko ang lock nang pintuan. Pumasok siya. "Boss, san tayo pupunta?"

"Manahimik ka nalamg dyan. Yun lang." saad ko. Ini-start ko ang kotse at magmaneho na.

Tahimik lang kami, buti naman dahil ayoko talaga magsalita. Dahil naiinis ako.

"Teka lang! Papunta yata tayo sa bahay ni Faye ah!" Sigaw niya. Tsk.

"Boss, teka lang!!" Hininto ko ang sasakyan.

"Puwede ba manahimik ka?" Bumaba ako sa sasakyan at dumaretso sa bahay nila Nathan. Pinapasok naman ako.

"Bro! Teka lang!" Pinigilan niya ko pero tuloy-tuloy ako. Nakita ko dsi Faye.

"Jacob—Teka, nasasaktan ako." angil ni Faye. "Bro, teka lang! Nasasaktan pinsan ko!" Naitulak ako ni Nathan na napaka lakas. Kaya napa upo ako sa sahig nang sala.

"Ano ba ginagawa mo! Jacob!" galit na saad ni Nathan saakin pero tumayo ako.

"Magsalita ka na....Magsalita ka na." mahinahon na saad ko kay Faye.

"Ano ba! Sinabi na wala akong alam!" sigaw niya. Sinamaan ko siya nang tingin.

"Walang alam? Puwede ba magsalita ka nalang!" hinila ko siya sa braso.

"J-Jacob...n-nasasaktan ako." umiiyak na saad ni Faye.

"Sinabi nang tama na!" napapikit ako sa lakas na suntok ni Nathan. Di ko namalayan na paupo ako. Tumingin ako sakanya.

"Puwede Jacob! Tama na! Wla siyang alam tapos. Puwede ba huwag mo na idamay si Faye?! Nasasaktan na siya sa ginagawa mo—" napatahimik siya.

Kailangan ko tong gawin. "Jacob, Teka."

"Nagmamakaawa ako, magsalita ka na. Kailangan ka ni Danica. Kailangan na kailangan."

Saad ko habang nakaluhod at nagmamakaawa.

-------
Don't forget to Vote, Comment and Follow :)

~Lovelots

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now