AGTR 56

871 22 1
                                    

Jacob's Point of View.

Pumasok na ako sa loob. Napatigil ako. Naalala ko yung ginawa ko.

Hindi ko alam bakit ko ginawa iyon, para bang may kung ano saakin at hinila ko siya at niyakap.

Pero bakit ganun. Nung niyakap ko siya, parang kampante ako...para bang dapat prinoprotektahan ko siya.

Bakit ganun? Mali to.

Napatingin ako sa phone ko. Kinuha ko at nakita ko kung sino. Dapat sakanya lang.

"Babe.." ang malambing niyang boses.

"Ba't gising pa ang mahal ko?"

"Di ako makatulog..hanggang wala yung Goodnight ko." napatawa ako.

"Ganun ka na ba kaadik saakin?" Bawi ko sakanya.

"Ewan ko sayo....Nakauwi ka na?" napatigil ako. Tumingin ako sa bahay ni Danica.

Hindi niya alam nandito ako sa may village niya.

"Yup, actually nakahiga na nga ako e." sumandal ako. Pinatay ko ang ilaw ng sasakyan.

"Ganun ba? Sige na. Tulog na tayo."

"Good Night Mahal ko...Sleepwell."

"Good Night Babe. Sleepwell too."

"I love you. Tulog na."

"I love you too..Bye."

"Bye" binaba ko na ang phone ko. Napahinga ako. Intindihin mo si Thalia.

Kaibigan lang si Danica....

Napapikit ako....napahawak ako sa dibdib ko.

Pinakiramdaman ko ito.

*Dug...*Dug...*Dug...*

"Alam ko na wala ako sa posisyon pero gusto ko malaman mo na..."

"Na kahit ano mangyari propotektahan kita."

"Nagulat ba kita?"

"S-Salamat."

Napadilat ako. Naalala ko na naman.

*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*

Bat ganun? Napailing ako. Stop.

Inistart ko na ang sasakyan.

Stop this nonsense, Jacob.

****

KINABUKASAN~~

Danica's Point of View.

"Ateeeee... wake uppp." napaungol ako. Antok pa koo."Ateee, wake up na. Breakfast is ready." Dumilat ako. Una ko kaagad nakita si Gresie. Nakauniform na.

"Susunod na ko..." saad ko at umupo na. Nakapikit pa din.

"Okay." Narinig ko ang pag sarado ng pintuan. Humiga na ulit ako.

After 5 minutes.

"Hmmm..." Sinuklay ko na ang buhok ka at nag blower.

Pagtapos ko makabihis, bumaba na ako.

"Good Morning po." bati ko kay mama. Nauna na pala si Papa pati si Gresie.

Umupo na ako at kumain. "Pupunta muna ako sa supermarket." tumango ako. Tinapos ko na ang pagkain ko at nilagay na sa lababo. Kinuha ko yung bag ko.

"Ma, sabay na tayo lumabas." Tumango si mama.

"Dito na ako anak. Ingat ka ah." kiniss ko na si mama at naglakad na.

Maglalakad nalang ako.

*BEEP*BEEP*

"AY PALAKA!" napatingin ako sa bumusina. Kotse to ni Jacob diba?

Tumapat saakin yung sasakyan. Binaba nito yung salamin. Tama nga. Si Jacob at Si Thalia.

Masanay ka na. Ngumiti ako. "Oh, nagulat ako doon ah."

"HAHAHA, Lagi naman e. Sumabay ka na saamin." Yaya niya. Umiling ako.

"Ayos lang. Ayoko maki-third wheel." Pagbibiro ko. "Aray."

Pinalo ba naman ako ni Thalia. Partida nasa loob na siya ng kotse. "Third wheel ka dyan! Ihampas ko to sayo? You want?" Sabay pakita ng tissue.

"E kung mag asaran nalang kayo sa kotse?" napatingin kami kay Jacob. Ayun ang pogi padin niya. "Join us." nakangiting sabi niya.

Wala na ako nagawa. Pumasok na ako sa backseat. "LET'S GO!" natawa nalang kami ni Jacob kay Thalia.

Hindi ko kaya mawala ang ngiti ni Thalia ng dahil lang saakin. Ayoko masira lahat ng dahil lang mahal ko si Jacob....

Tumingin lang ako sa labas. Siguro tama ang gagawin ko.

Susuko na ko. Masaya na sila, bakit ko pa sisirain?

Kuntento naman na ako na nandyan siya, kilala ako, mabait, masayain. Wala na ko mahihiling.

Panahon na siguro para kalimutan ang pagibig na ating ginawa. At tanggapin nalang na imahinasyon lang ang lahat.

Imahinasyon na may Danica na minsan na naging multo at nagmahal sa isang
tao.

Paalam na Jacob siguro panahon na para palayain ko yung puso ko.

Hindi ako nag papaalam bilang Danica ngayon, kundi ang multo na minahal mo NOON.

-----------
Don't forget to Vote, Comment and follow:)

~Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now