AGTR 81

784 14 0
                                    


Harold's Point of View.

Kasalukuyan ako nakahiga sa aking kama. Nang bigla nag vibrate yung phone ko. Ngumiti agad ako nung makita ko kung sino iyon.

"Hey Mom." bati ko pag kasagot ko.Nag vivideo call kami. Nakita ko naman na ngumiti siya. Sakanya ko nakuha yung ngiti na meron ako ngayon.

"Kamusta naman ang baby ko?" tanong niya. Ngumiti ako.

"I'm okay mom. How about you?" Tanong ko. "Okay ka naman dyan?" tanong ko pa.

"Easy haha. I'm doing fine naman dito anak. I'm sorry kung di ako makauwi diyan. You know busy ang mom mo." malambing na sabi niya.

"I know Mom. I miss you." saad ko. Tumawa naman siya.

"I miss you too, baby. Btw, kamusta naman ang pag-aaral mo diyan? Having fun?" nakangiting sabi niya. Alam ko tutol din si mom na mag-aral ako sa Pinas pero di ako nag patinag. Andito kasi yung mahal ko.

"Masaya Mom sobra. Lalo na kaklase ko din si Danica." masayang pagkwekwento ko. Sumilay naman ang mga nakakalokong ngiti ni mama. Alam niya kasi lahat. Well, his my mom after all.

"Sus...Ikaw baby ah! Kaya pala gusto mo dyan ah yieee. Binata na anak ko." Pang-aasar niya kaya natawa nalang ako. "Di ko na nga alam ang itsura niya kasi umalis tayo, bata ka palang. Sigurado maganda na siya sobra noh?" Napangiti ako ng maalala ko yung mukha niya.

"Sobra Mom." Sagot ko.

"Anak, I have something to tell you."

"What is it, Mom?" saad ko.

"Minsan lang humiling ang mommy diba?" Bigla ako nag seryoso. Eto yung ayaw ko. Yung hihiling siya saakin. Kahit ayoko di ko matanggihan.

"Ano yun, Mom?" tanong ko. Wag nila ako pababalik sa ibang bansa, dahil ako mismo gagawa ng paraan para di nila ako makita pag nangyari iyon.

"Puwede ka bang sumama sa business trip ng Dad mo? Kasi ang Dad mo may nararamdaman na. And he needs you." malambing na sabi ni Mom. "Alam ko di kayo ayos, pero nakausap ko siya, gusto ka niya turuan hanggang kaya niya pa. Para kapag dumating yung araw na ikaw na magha-handle alam mo na." Paliwanag niya.

Bumuntong hininga ko. "Kelan?" kahit naman ayoko sa tatay ko may malasakit padin ako kasi ama ko pa din siya. Siya ang dahilan bat ako nandito.

"The day after tomorrow." Nanlaki ang mata ko.

"Seriously Mom?! Ang bilis naman ata?" Di makapaniwalang sabi ko. Pano ako magpapaalam sakanila ng maayos?

"Please?" Umiwas ako ng tingin. Nakakainis.

"Mom, that's impossible. Ayoko." sagot ko. Malungkot siya tumingin saakin.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now