AGTR 31

1K 24 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Oo, pati din yun." Saad ko. Binaba ko ang tawag. Napagdesisyunan ko na tulungan ako ni Tito.

Magaling siya na lawyer, siya na ang bahala sa kaso ni Danica. Ang gagawin ko nalang ay ang tulungan siya sa mga tanong.

Di ko kasi alam paano ko sisimulan. Ang alam ko lang ngayon magaling yung taong yun. Sinabi ko sa pamilya ni Danica na hayaan na magpadala nang magpadala. Basta inormal ang pakikipagusap sakaniya para di matunungan na alam na nang pamilya ni Danica na patay na siya.

Umupo ako sa sofa at sinandal ang aking likod. Hanggang ngayon may hang over pa din ako. Buti nalang at dinala ako ng mokong na yun na maayos. Nakakainis, umagang-umaga tinawagan ako at magdadala daw siya ng soup para matanggal ang hangover ko. Kabwisit, nalaman ko yung katangahan na nagawa ko kagabi. Tawa ng tawa nung kinwento saakin.

Pero yung sinabi niya saakin di ko makalimutan...."Yung nasasaktan ka kapag nakikita mo siya nasasaktan, gusto mo pumatay pagnakita mo may nakapaligid sakanya, maiinis ka kasi di mo mapigilan mapaoo sa mga gusto niya, at higit sa lahat...Kaya niyang pahintuin ang puso mo...at ang mundo mo."

Parang nag flashback lahat, simula nang dumating siya...ano bang nangyayari saakin?

Sabi ko sa sarili ko, tutulungan ko siya, pero bakit parang mas higit pa? Bakit? Bakit? Bakit? Ano ba ito?

Ano bang ginagawa mo Danica...

----

Danica's Point of View.

Minulat ko ang mata ko, pero di ko mamulat. Naalala ko pala, umiyak ako kagabi...At sigurado mugto ang mata ko. Umupo ako sa kama, bakit kasi napakaiyakin mo?

Naalala ko na naman si Mama, naalala ko kung paano siya umiyak at humagulgol sa gustong-gusto kong lugar doon. Yung mga masasaya at mga tawa ni mama kapag umuuwi ako, napalitan nang kalungkutan at galit. Kahit wala ako doon..alam ko galit siya...kasi..alam niya wala ako ginawa pero bakit ako namatay?....Mapait ako ngumiti. Kahit siguro ako..di ko masasagot yun...dahil hanggang ngayon? Hindi ko kilala yung mismong pumatay saakin, at ano ba talaga ang dahilan niya kung bakit niya ko pinatay.

Ang galing noh? Di man lang niya ko hinayaan maging masaya...Bumalik nga ako dito para malaman ko at makamit ang hustisya pero di parin ako masaya....kasi alam ko iiwan at iiwan ko din yung mga taong mahal ko.

Alam ko sa sarili ko na di na ko BUHAY matagal na kong PATAY. Pero di ko alam sa sarili ko kung bakit yung puso ko di matanggap na wala na ako. Bakit di niya tanggapin na kahit kailan di na ko puwedeng magmahal....

Bakit di niya matanggap na mali ang magmahal pa ako...Bakit kailangan pa niya magmahal?

Ayan na naman ang pagtulo ng luha ko. Pinagdikit ko ang dalawa kong hita at niyakap ito.

"Di ko na kaya.." saad ko sa sarili ko. Di ko na kaya..... masakit na sobra..

Tahimik akong umiyak para di marinig ni Jacob. Ang pagamin ko sakanya ang pinaka kinasusuklaman ko....dahil sinaktan ko nang triple ang sarili ko...

AYOKO NA...AYOKO NA...Sana tapos na...sana tapos naa.. 

*Tok*Tok*Tok.

NAPABALIKWAS ako. Nakatulog pala ako kakaiyak. Napatingin ako sa pinto. "Danica? are you awake?" Ang boses niya...ang boses ng taong nagpasaya saakin at magbibigay ng sakit.

Imbis na sumagot ako, hinintay ko ulit siya magsalita. "Hey? Babae, gising ka na ba?"

"Hoy! Gumising ka na!" Kinatok niya muli ang pintuan, ngayon lumakas ng onti. Inis na siya. "Danica! Wake up" pinakinggan ko ang boses niya. Namiss ko ito. Na-miss ko yung ganyan ugali niya.

Yung tipong, mainipin, palamura, maiinisin, sarkastiko, walang pakialam, matapang. "Tss, Sleepy Head" Natawa ako nang mahina.

*plink* NAGULAT ako nang bigla may tumulo saakin kamay. Pinunasan ko ang mga luha ko.

Dapat di ako umiiyak. Parang onti lang iyon. Dapat malakas at matatag ako. Pumikit ako. Matatapos din ito.

Dinilat ko ang mata ko at ngumiti. "Eto na!" masaya akong tumagos sa pinto. Isa lang ang dapat kong gawin..

Maging masaya ako.

--------------
Don't forget to Vote, Comment and Follow!

-Lovelots!

-Littlegirlost


A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now