Jacob's Point of View.
Pumasok kami ni Danica sa loob ng police station. Dumaretso agad kami sa opisina ni Officer Remledo.
"Itutuloy ko na ang kwento ko." Tumango ako. Chineck ko yung pintuan kung nakalock. Nang nasiguro ko tumingin ako at tumahimik.
****
Remledo's Point of View.
Flashback~~
"Mabait na bata si Danica, katunayan nga madaming gustong makipagkaibigan sakanya, hindi lang dahil mabait siya kundi matulungin pa."
Sinulat ko ito. "Meron ba siya malapit na guro?" tanong ko. Halata naman na nagisip siya saka umiling.
"Halos lahat kami dito ay malapit sakanya, kasi mabait talaga siya kahit saamin." Tumango ako.
"Meron ba siyang malapit na kaibigan na lagi niya kasama?"
"Meron. Dalawa sila." Napatingin ako sa guro na kausap ko at napatigil sa pagsusulat.
"Dalawa?" Tumango ito.
"Oo, dalawa ang lagi niya kasama. Masaya nga sila kapag nakikita ko sila paminsan-minsan."
"Dati kasi na bully na si Danica." Nakuha niya ang atensyon ko. Isang lalaking guro.
"Tama si Sir. Estrada, noon ay lagi siya nabubully pero pinagtatanggol siya nung dalawa. Nakakatawa lang dahil yung isa sa kaibigan niya ay talagang sikat dito sa paaralan." Isang kaibigan?"Sino yun?"
"Si Chelsea, sikat siya dito dahil maganda siya at mabait." Chelsea....
Nilagay ko rin ito. "Salamat sa impormasyon, puwede ko ba makita ang information nung Chelsea at nung isang kaibagan niya?" Tumango ang guro. May Kinuha siya doon at ibinigay saakin.
Sinilip ko lang ito at.." Puwede pahingi ng copy na to?"
End of Flashback~~
"Chelsea?" Tanong niya saakin.
"Oo Chelsea."
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Novela Juvenil(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...