Chapter 96

627 11 1
                                    

Yung photo na nakikita niyo is kuha ko siya nung April 18, 2019, nung nagbakasyon ako sa probinsiya. Humanap ng pahinga and sana lahat kayo masaya bakasyon niyo hihi. Gusto ko lang ishare sainyo
nakakarelax magpahinga at ienjoy yung view. At kung ano ba ginagawa ko at bat di ako naguupdate. Humahanap lang po inspirasyon. Enjoy reading!

Thalia's Point of View

Kabado kong inilagay sa kama ang box na ibinigay saakin. Pabalik-balik ako ng lakad. Di ko alam kung bubuksan ko ba...o hindi?  Kinakabahan ako ng sobra ngayon.

Ano bang nangyari nang wala ako? Parang ang dami nangyari. Naging close ni Danica sina Cess at Lisa. Tas si Jacob den, naging kaclose si Chris at Cliff. Para ang dami nangyayari na di ko alam.

Pero kasi parang may di sila sinasabi sakin. Pero ayoko mangialam kasi wala naman ako nun. Pero....di ko magawa huwag magtanong sa isip ko.

Nagpasya ako buksan ang kahon. Umupo ako at huminga ng malalim. Dahan-dahan ko tinanggal ang takip ng kahon.

Napatigil ako.....

Nanlaki ang mata ko. Totoo ba toh?

Napatakip ako sa bibig ko.  Biro lang to di ba?

Sumikip ang dibdib ko. Hindi totoo toh..


Napaluha ako... napapikit ako. Di nila ako kayang l-lokohin...

Napahagulgol ako. Bakit silang dalawa?


Nakakaloko...

Ang galing...

may nagawa ba ako?

nagkulang ba ako?

Tangina, ano to?

Putang ina.

Akala ko okay lang ang lahat.

Ano ba nakita ko?

Napatawa ako. My boyfriend and my bestfriend were kissing.

Wow. Para akong binasag ng sampung beses na paulit-ulit.

Galit, sakit. I felt betrayed. Sa lahat ng tao?! BESTFRIEND KO PA.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now