Danica's Point of View.
Hmmm, napayakap ako sa unan ko, ang lam-matigas pala! Ang bango naman nito-teka m-matigas? Saka mabango? Ganto ba bedsheets ko? May unan na ko na matigas? Wait lang.........Napadilat ako.
Napatakip ako na bibig, muntik na ko makasigaw...Akala ko kung sino, kaya pala matigas tas mabango, kasi si Jacob pala iyon.
Buti pala di ako sumigaw dahil magigising ko siya. Bumangon ako, nasa kama na ako? Kanina nakatulog ako sa sofa, wala kasi ako magawa kaya di mo namalayan na ka tulog na pala ako.
Siguro nilipat niya ko, pero teka....BAKIT MAGKATABI KAMI? Diba may sarili siyang kwarto?! Napatingin ako sa aking sarili.
Di naman ako na kahubad?....Nakaligtas ako doon. Pero bakit kami magkatabi?
Wow Danica...ayaw pa! Syempre gusto ko noh! Charot Charot lang HAHAHA. Kailangan kunwari magpaka inosente HAHAH anu daw....TAMA na HAROT!
JUSMEE...Danica kung kelan patay na saka lumandi. Matindi.
Muli ako humiga at pinagmasdan siya. Hinawakan ko ang malambot niyang mukha na akala mo baby pa din....
Ang swerte ko...
Yan ang masasabi ko, kasi may JACOB ako.
Wala na ako Mahahangad na iba, dahil di ko na kailangan yun, kailangan ko lang si Jacob....
Sapat na ko. Pero kaya ko ba umalis?
"Ikaw kasi e...Pano pa ko makakaalis?" Tanong ko. Mukha akong tanga na nagtatanong sa tulog. Nagbuntong-hininga ako at tumayo.
Bigla ako nagulat na bigla ako hilain. Pahiga. Akala ko ba tulog to?!
Unti-unti siyang dumilat, ang ganda nang mata niya...pero ang mga mata niya namumula....Umiyak ba siya?
"Di ka talaga puwede umalis."
****
Jacob's Point of View.
Pinarada ko ang kotse ko, at sumakay na sa elevator. Nakapikit lang at tahimik ako. Nakakapagod pala.
Yung sagutan namin nang ama ko? Nasa isip ko padin. GREAT.
At naalala ko na naman si Mama. Kelan kaya puro masaya nalang ang mangyari saakin?
Yung wala bang, away, sigawan, sakit. Kelan kaya mabubura yan sa mundo ko?
Kulang nalang ata, kunin na ko? Okay din yun, makakasama ko si Danica...pero di ko naman alam kung sa impyerno ba o sa langit. Malabo e.
Natawa ako sa sarili ko. Bumukas ang elevator at lumabas na ako.
Pumasok ako sa unit ko, akala ko bubungad saakin si Danica pero hindi. Tinignan ko ang orasan ko, its already past 9. Matagal din pala ako.
Baka natutulog na siya, buti naman. Dahil gabi na. Lumakad na ako papunta sana sa kwarto ko na makarinig ako nang bagsak sa may sala. Pumunta ako sa sala at nakita ko si Danica natutulog.
Hinintay niya pala ako. Saka pala yung nabagsak remote lang pala. HAHAHAHA.
Napangiti na naman niya ako. Umupo ako sa lapag para makita ko ang mukha niya. Napa-ngiti ako. Ang ganda niya. Ang maamo at parang walang problema.
"Tara na, lalamigin ka dito." saad ko. Binuhat ko siya at pinunta sa kwarto niya. Dahan-Dahan ko siyang hiniga sa kama. Buti nalang di siya nagising.
Lumabas ako at naligo. Nagpalit ako nang pantulog at daretso sa sa kusina. Kumuha ako nang beer at ininom. Sumandal ako sa puwede masandalan.
Uminom lang ako para makatulog ako. Dahil alam ko di ako makakatulog dahil sa nangyari.
Nakadalawa lang ako beer at napagdesisyunan ko na matulog na.
Pumasok na ako sa kwarto at humiga na. Antok na ko. At pagkahiga ako nakatulog na ko.
"Ikaw kasi e...pano pa ko aalis?" nagising ako sa diwa ko, dahil sa narinig kong boses.
At alam ko si Danica iyon....Magkatabi pala kami, di ko namalayan dahil antok na ko.
Naramdaman ko na paalis siya kaya hinila ko siya. Dumilat ako, ang magandang mga mata niya ang una ko nakita.
"Di ka talaga puwede umalis." saad ko. "Di kita pababalikin."
Saad ko. At Hinalikan ko siya.
----------------
Hi! This is the update!
Salamat sa paghihintay!
~Lovelots!
-Littlegirlost.
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Teen Fiction(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...