Thalia's Point of View."Hey Girl, matulog ka muna. Malapit na din naman tayo sa village niyo." sabi ni Kerry.
"Okay lang ako Bakla!" hindi kasi ako inaantok. Kamusta na kaya ang babe ko?
Tinignan ko ang oras. 1 PM. Pinatila pa kasi namin ang ulan. "Pwes, ako nalang matutulog." Kerry. Kaya natawa nalang ako.
Tulog na siguro siya. Bukas talaga makikipag-usap na ako kay Danica. Hindi na ko makatiis. Siya lang yung bestfriend ko e.
Tumingin ako sa window. Napakunot ang noo ko. Bahay nila Danica iyon. Wait—It's that Jacob car?
"Kuya! Wait lang itigil mo nga sandali yung sasakyan." Tinigil naman niya.
Tama ako kay Jacob iyon. Gabi na masyado. Ano ginagawa niya sa bahay nila Danica?
Maybe....No. Di ko alam ang buong istorya. Siguro naman sasabihin niya saakin bukas iyan. Lumabas doon si Danica.
So magkasama sila. Well, okay lang naman ako doon. I know naman na wala siyang nararamdaman kay Jacob.
Jacob smile at her. Yung ngiti na ang saya-saya. Ano ba to? Nang makaalis na ang sasakyan nila nakita ko si Danica. Galing ba siya sa iyak?
"Kuya sige na."
Bakit gabing-gabi na magkasama sila? Hindi naman nila gagawin iyon diba!
Yeah. Hindi.
Maybe my suprise sila na plinaplano?
Hindi naman ako madaling magselos. Pero bakit parang nakakaramdam ako ngayon?
Hindi dapat ako magselos. Wala naman kasi namamagitan sakanila. At may tiwala ako kay Jacob at kay Danica.
Kaibigan ko si Danica at kilala ko siya hindi niya ko magagawang saktan.
Bigla ko tuloy namiss ang bestfriend ko. ~T_T~
KINABUKASAN.
Danica's Point of View.
Maaga ako umalis sa bahay. Pagdating ko sa classroom ako palang ang tao. Umupo na ako sa upuan ko.
Napatingin ako sa upuan nakatabi ko. Kamusta na kaya si Thalia? Gusto ko na siya kausapin. Namimiss ko na kasi ang bestfriend ko.
Kinuha ko yung phone ko at nag text.
To: Harold
Harolddddd. ~T_T~
Pagka send ko nun. Nagvibrate agad ang phone ko. Ang bilis naman niya mag reply.
From: Harold
Yow! Bakit? Sorry pala kahapon. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita naihatid. :)
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Teen Fiction(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...