Danica's Point of View.
"Bakit mo to nagawa saakin! Akala ko ba mahal mo ko!"
"Mahal, ako lang ah...ayoko sa lahat na may lumalapit sayong lalaki...akin ka lang...I love you."
"Ba't mo ba iniisip yun?" Ewan ko sa sarili ko. Pumapasok sa isip ko yung kanina.
Sino ba siya? Bakit ako apektado sa lalaking iyon? Bakit nang makita ko siya, ganun ang naramdaman ko. Saka bakit may naalala ako? Kasama ba yun sa mga di ko naalala?
Sino siya sa buhay ko? Bakit na kaya niya ako paiyakin?
"Oh ano nangyari sayo?"
Naalala ko pala! Andito na si Jacob! Di ko pala siya napansin kasi iniisip ko yung lalaki kanina. Baka nagalit yun, ba't kasi di mo pinansin Danica!
Tumayo na ako at pumunta sa labas. Nakita ko siya na may kinakausap sa phone.
"For what?" Lalakad na ako papunta sakanya ng...
"Bakit niyo to ginagawa saakin?!"
"Di mo ba nakikita? Di ka bagay dito!"
"Akala ko ba kaibigan kita!"
"Kaibigan? Kaibigan ba ang matatawag mo sa taong mang aagaw?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Parang awa mo na tama na..."
"Maawa? Nang dahil sayo! Di na ko yung niligawan! Kinuha mo saakin yung mahal ko!"
"Di kita maintindihan!"
"Well, pano mo nga ba maiintindihan? Eh ang gawin mo ay lumandi"
"Ahh masakit!" Daing ko. Na hilain niya ko patayo. Lumaban ako.
"Aray!" Saad niya.
"Huwag mo siyang sasaktan!" Bigla akong tinulak at tumama ako sa isang bagay. Di ko alam kung ano iyon dahil biglang sumakit ang ulo ko. Tinignan ko ito.....m-may d-dugo.
"Ano bang ginawa mo!"
"Sinaktan ka niya!"
"T-Tulong!" Sambit ko. Pero di nila ako pinansin.
"Ano na gagawin natin?! Kung sinaktan lang natin siya sigurado di siya magsusumbong!"
"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"
"What! Wala sa plano na patayin siya!"
"Wala na tayong ibang paraan."
"Fine!" Yun ang huling narinig ko bago umitim ang lahat.
Nanlambot ang mga tuhod ko.
"Stop it C—"
*Boogshh*
Nakakatakot. Ano ba yun?!
"Aahh!" sigaw ko. Ang sakit!.
"Ano bang nangyayari sayo! Danica!" sigaw niya.. Tumingin ako sakanya. Nagsimula na naman mag unahan ang mga luha ko.
"J-Jacob." Tumingin siya saakin. "Danica, huminahon ka."
"N-Natatakot ako." saad ko. Niyakap niya ako, doon mas napaiyak ako."Shhh, andito na ko." saad niya. "Tara." Tinayo niya ako at pinaupo sa sofa. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Huwag ka na umiyak."
Tumahan na ako, pero nasa isip ko parin iyon. "What happened?" tanong niya. Tumingin ako sakanya. "Di ko na matandaan." I lied. Di pa ko sigurado kung ako ba yun, ayoko magsalita dahil baka mali iyon.
"Okay, magpahinga ka na muna." itatayo na sana niya ako ng hilain ko siya. "Ano na nangyari? May nalaman ka na ba?" tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Tungkol sa kaso ko." sabi ko.
Umiwas siya ng tingin, ngayon ako namna ang napakunot. "Jacob?"
"W-Wala pa akong alam. Nakausap ko na si Officer Remledo pero di pa niya sinasabi saakin ano talaga nangyari noon." nagsisinungaling siya.
"Tapatin mo nga ako." seryoso ako tumingin sakanya. "Wala ka ba alam? o sadyang di mo saakin pinapaalam?"
Tumingin siya saakin, nakakatunaw ang mga titig niya. "Gusto mo malaman? Sige pagbibigyan kita, di ko ipapaalam sayo." Doon ay nainis ako. Wala ba akong karapatan malaman ang mga nangyayari saakin?
"Ano! Kikilos ka na magisa? Ganun ba!"
"Oo! Oo Danica, kikilos ako mag isa. Ako na bahala doon. Malalaman mo nalang kung tapos ko na." saad niya.
"Bakit ba ayaw mo malaman ko kung ano na alam mo? " bumuhos ang luha ko. Ang papakatanga ako at nagtitiwala sakanya na wala pa siyang alam ngayon yun pala meron na. Tapos ayaw niya pa ko isali. "Alam mo na wala akong matandaan! At alam mo rin kung gaano ko ka gusto malaman ang nakaraan ko! Pero pinagdadamot mo!" umiiyak kong sabi.
"Hindi ko ipagdadamot iyon! Malalaman mo naman iyon kapag alam ko na lahat. Kapag okay na...yung huhulihin ko nalang yung taong may kasalanan...pero sa ngayon Danica ayoko na madami ka iniisip." saad niya.
"Jacob gusto ko tayong dalawa ang lumutas ng kaso ko." saad ko. Pinunasan niya ang luha ko at bumuntong-hininga.
"Kung yan ang nais mo."
-----
Hi Guys! Sorry dahil sinabi ko na magtutuloy ang update ko pero hindi ko naman nagagawa.
So guys! Malapit niyo na makilala kung sino yung bago character at kung sino sa kaibigan ni Jacob ang kasama nun.
Hintay-hintay lang.
~Lovelots!
-Littlegirlost.
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Ficção Adolescente(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...