Enjoy reading guys :)
Jacob's Point of View.
Tumayo ako at hinawi ang kamay ni Thalia saakin. Kaya pala di sila nag uusap dahil dito. "J-Jacob, let me explain." umiiyak na saad ni Thalia. Sinamaan ko siya ng tingin. Best friend niya si Danica...
"I don't need your explanation. Kita ko na lahat. Pero bakit Thalia?" di ko maintindihan bakit siya pumabor kay Lilly. "Ano ba nangyari sainyong dalawa?" Tanong ko na mahinahon. Umiiyak siya at ayoko makita yon. Pero mali ito eh.
"Ang manhid mo naman Jacob." napatingin ako kay Lilly. "Nangyari lahat to? Nang dahil sayo." Napakunot ang noo ko.
"Ano sinasabi mo?" inis na sabi ko. Ngumisi siya saakin.
"Alam na ni Thalia yung pang loloko niyong dalawa ni Danica." nanlaki ang mata ko. "Kaya ganyan ang nangyari kay Thalia. Don't you see? Niloko niyo siya at naghihiganti lang naman ang bff ko." saad niya. Wala na bang mas dedemonyo sakanya?
Tumingin ako kay Thalia. Bakit di niya sinabi saakin? Nagpanggap siya na walang alam. "Kelan mo pa alam?" tanong ko. Pero di niya ko sinagot. "Kelan pa Thalia?"
"M-Mahal kita Jacob, ayokong mawala ka sakin!" umiiyak na saad niya at niyakap ako. Pinikit ko ang mata ko, pinigilan ko ang galit ko sakanya.
"Kelan pa." Madiin na saad ko. Inilayo ko siya sakin. "KELAN PA!" Nagulat siya sa sigaw ko.
"Ung araw na di na sumama si Danica saatin." pag-amin niya.
"Ba't di mo sinabi saakin?" tanong ko. Naiinis ako sa sarili ko ang manhid ko. "Bakit di mo sinabi saakin na alam mo na!" saad ko.
"D-Dahil ayoko mawala ka saakin. Alam ko naman kasi nagkamali ka lang. Si Danica ang may kasalanan! Tinake advantage ka niya nung wala ako-" di ko siya pinatapos.
"Hindi siya may kasalanan okay?!" saad ko. PUTANG INA. AKO MAY KASALANAN NON. "Ako yung pumilit sakanya! Ako yung may kasalanan! Pero bakit siya ang sinaktan mo?!" napaluha ako. Tinuro ko ang sarili ko."Sana sinabi mo sakin! Hindi yung si Danica lang mahihirapan! Thalia, may kasalanan din ako doon!"
Sobrang gago ko. Hindi ko naingatan si Danica. Tas eto pa yung nangyari. "Thalia, ilang beses umiwas saakin si Danica. Alam mo ba ilang beses niya ko pinagtabuyan kasi ayaw niyang masaktan ka!" sigaw ko. Bigla siya natauhan na sabihin ko yun. Napatakip siya sa bibig niya.
YOU ARE READING
A Ghost to Remember. (Completed)
Teen Fiction(soon to be edited.) What if you fall inlove?... Not just the typical love.. An unbelievable Love... Love that can make you insane... Do you believe in ghosts? For me, they do exist. Why? Because I fell inlove with a ghost. Crazy right? But its tru...