AGTR 84

795 17 0
                                    


Danica's Point of View.

Maaga ako nakarating sa school. Ako na naman na una. Umupo na ako sa pwesto ko. Di ko napigilan napatingin ako sa upuan ni Harold.

Napabuntong hininga ako. Miss ko na agad siya kahit kahapon lang siya umalis. Wala kasi akong tatawagan tas sasabi na pumunta na dito dahil ako lang mag-isa.

Mabilis naman napuno yung classroom. Pero wala pa din si Thalia at Jacob. Hays. Mukha akong nagiisa. -_-

"BES!" Ayan na siya. Hahaha. Maya-maya nakaramdam ako na may yumakap saakin ng mahigpit. "Ang aga mo naman! Morning!" saad niya.

"Ba't ngayon lang kayo ah? Mukha tuloy akong magisa." saad ko sakanila.

"Sorry, nasiraan kami." saad ni Jacob at umupo sa may bakanteng upuan sa unahan ng table namin. "Kanina ka pa?"

"Yup, ako nauna haha"

"Yan kasi! Early bird peg mo e!" asar ng kaibigan ko. Nagkwento lang si Thalia tungkol sa trabaho niya. Dami niyang kwento, na tawa lang kami ng tawa.

Maya-maya dumating na din yung teacher namin kaya nag sibalikan na sa tamang upuan. "Good Morning class."

"Good Morning Sir." bati din namin.

"So ngayon hindi muna tayo magkakaklase."

"WOAH!!!"

"AYUN!"

saad namin. Haha. "Quiet class. Patapusin niyo muna ako." tumahimik naman.

"Dahil di natuloy yung school trip natin last month. Ngayon matutuloy na." saad niya.

Kaya naghiyawan naman kami. Lalo na si Thalia. "Bes sana yung araw, tapos na trabaho ko huhu." saad niya.

"Magdadala kayo ng mga gamit dahil 3 days and 2 nights tayo. This trip pahihingahin muna namin kayo sa mga lesson. Bago tayo mag exam next month." saad ulit ni Sir.

Naghiyawan naman kami. "Next week na iyon. So ngayon palang maghanda na kayo. That's all." saad niya. "And I almost forgot. Half day lang kayo. May meeting ang mga teachers. So behave." Saad niya at umalis na. Ayown lang klase.

"Thalia, mamili tayo ng pagkain. Uy? Thalia?" Nakasimangot sita at niyakap ako.

"Bes!! Huhuhu di ako makakasama!!" Saad niya. Nanlaki ang mata ko. "Pupunta ako sa Paris next week." Saad niya.

"Paris?! Bakit naman?" tanong ko.

"Nagpaalam na kasi ako principal. Ahm may letter na ako. Mawawala ako next week dahil doon kami mag phophoto shoot. So di ako makakasama!!" saad niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now