AGTR 83

716 17 0
                                    


Danica's Point of View.

"Dito ba talaga yun?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Tama nga kasi! Kanina ka pa tanong ng tanong." inis na sabi ko. Kanina pa siya tanong na tanong at tango naman ako ng tango.

Di ko alam kung meron bang police station doon. Kasi ibang henerasyon na e. Pero wala naman masama kung itry try kasi nakita ko nga yung lugar kung saan kami ni Jacob naglagay ng mensahe para sa isa't-isa. Edi posible na meron pa din doong police station.

Kung napapaisip kayo bakit ko to ginawa kasi...

Pumayag ako. Hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Pero di naman porket mahal ko siya dapat ipag pilitan ko ang sarili ko sakaniya.

Sinabi niya na naguguluhan pa siya. Kaya hanggang di siya nakakapili aasa pa din ako. Di naman masama umasa na baka ako piliin niya diba? Pero tatanggapin ko naman kung mananatili siya kay Thalia.

Basta matulungan ko siya na maalala lahat na tungkol noon. Para matahimik na yung mga naalala niya. Pagtapos nito, malilinawan na siya.

Naisipan ko puntahan ang police station. Dahil sinabi nga niya may napapaniginipan siya na police station. Kaya ito. Dinadala ko siya doon.

Tumigil yung sasakyan. "Danica...wala naman dito e." Tumingin ako sa harap.

Wala nga yung police station.

Isang matandang puno lang ang nandito.

"So di pala lahat." saad ko. Tumingin naman siya saakin.

"Diyan, diyan nakatayo yung police station noon." saad ko.

Tumingin naman siya doon. "Diyan ka lagi pumupunta para maayos ang kaso ko. Hindi mo ko sinasama dahil ayaw mo malaman ko lahat hanggang di mo po nahahanap yung pumatay saakin." pag-kwekwento ko.

Nakatitig lang siya doon habang nakakunot ang noo niya. Bigla siyang tumingin saakin at ang lawak ng ngiti niya.

Bigla niya ko hinawakan sa braso. "B-Bakit?" tanong ko.

"Naalala ko na!!!"

Nanlaki ang mata ko. Lahat?! Naalala mo ba yung pangako mo? "Lahat?"

"Hindi e." Binatukan ko siya. "Para san yon?!"

"Maka ano ka kasi kala mo naalala mo na lahat." Sabi ko.

"Sorry naman haha. Tara na. Sa next location." saad niya. Tumango lang ako.

Palihim ako napangiti. Abnormal ata ako.

Dinala ko din siya sa mga lugar na pinuntahan namin.

May isa pa na di namin pinupuntahan. "Tara Danica, Kain na tayo." tumango naman ako. Siguro next time nalang dahil gabi na e.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now