AGTR 53

902 26 1
                                    

Thalia's Point of View.

"Dapat di ka na nagsuot ng ganyan e." Napatingin ako kay Jacob. Sinuot niya saakin yung coat niya.

"Masama ba na magpaganda sa harap ng mahal ko?" nakangiting sabi ko.

"Tsk." nakangiting sabi niya. Sumandal ako sakanya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon.

"Namiss kita." saad ko. "Almost 3 years." Saad ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko, kaya napatingin ako. "Andito na ko. Di ka na mahihirapan...I know its hard. Lalo na kung Long Distance, but we made it right?" napatango ako.

"Don't worry, I will not leave you again." niyakap ko siya, at sinuklian niya iyon.

Wala na akong mahihiling, sapat na nakilala ko siya.

"I love you" saad ko.

"I love you too.." saad niya.

*****

Jacob's Point of View

"I love you too.." saad ko.

Napakunot ang noo ko, si Danica ba yun? Am I right?

What is she doing here?

Its late. Wala siyang kasama, baka mapahamak siya...

Nasa park kami, and its past 11. So, gabi na.
Napatingin ako sakanya. May mga hawak siyang libro? Napatingin ako sa gawi na pupuntahan niya.

Its our school?. Sa school siya pupunta in this hour?

"Babe?" napabitaw ako kay Thalia.

"Sorry, gusto ko lang na yakapin ka pa." pagdadahilan ko.

I don't know, I had this feeling na makita ko si Danica. Para bang may puwang siya sa puso ko..and I don't know why..

"Ikaw talaga. Tara na?" yaya niya. Tumango ako. Pumasok na kami sa kotse.

"Salamat sa date ah." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Always welcome babe." saad ko. Ganun lang kami hanggang makarating sakanila.

"We're here." sweet nasabi ko.

"Bukas nalang. I will drop by, before my class." tumango ako.

"Sure. So, goodbye." tumango siya at lumapit saakin. Binigyan niya ako ng sandaling halik.

Ngumiti ako. "Bye!!" saad niya.

Kumaway ako at inistart na ang kotse.

"Wait-What?" Napatigil ko ang kotse. Dapat pauwi na ko, but napunta ako sa school? This is crazy!

Napatingin ako, ahh, I see. Kaya pala nandyan siya, dahil bukas ang library.

Bumaba ako at pumasok doon. "Ahm, excuse me? Are you a student? Can I check your ID?" tanong nung librarian.

"Bago lang po kasi ako. Papasok po ko next week. So eto lang po ang meron ako." pinakita ko sakanya yung id na ginawa ng school para sa interview.

Tumango siya. "So welcome. You may enter." saad niya. Ngumiti ako.

"Thanks." Naglakad na ako. Nakita ko siya kaya kumuha ako ng libro at umupo di kalayuan sakanya. Pinanood ko siya.

She's a bookworm. Sino naman kasing tao, gabing-gabi lalabas para pumunta sa library. Napatawa ako.

Incredible.

"Excuse me?" napatingin ako sa tumawag saakin. Isang babae.

"Yes?" saad ko.

"Can I sit here?" tanong niya, tinuro niya yung upuan na nasa harapan ko.

The hell? Is she acting cute? Tsk.

"Sure." saad ko.

Umupo siya. "Ahm..Can I ask you something?" tumingin siya saakin at nag ayos ng buhok. Tsk.

"S-Sure."

"Did you know her?" sabay turo kay Danica. Tumingin siya kung saan ako tumuturo. Tas tumingin siya saakin.

"Si Danica?" Tanong niya. Tumango ako.

Tas tumaray siya. "Sino di makakakilala dyan sa pasikat na yan?"

Napakunot ang noo ko. "What?"

"E yang babae yan, walang ginawa kundi mag pasikat sa mga teacher e. And di ko alam bakit pa siya kaibigan ni Thalia." Ewan ko pero di ko nagustuhan yung pagsasabi niya.

"Excuse ms. Di niya kasalanan na magaling siya. You're just insecure." Saad ko. At tumayo. "Did you know, I hate people judging people?" tanong ko.

"Wait-"

"And kasama ka na dun." Umalis na ako. Nakita ko paalis na siya kaya sinundan ko na.

Di ko alam ba't ako nagalit. Basta ayoko na may ganun.

Lah! Nawala. Ano bayan! Baka umuwi na. Tama na.

Naglakad na ako papunta sa kotse.

"Padaanin mo nga ko."

"Danica, Alam ko naman gusto mo ko e."

"Gusto? Anong gusto?"

"Maganda ka naman. Tayo nalang?"

Mas lumapit ako. Nakita ko siya at ang isang lalaki. Hinaharangan siya.

"Ano ba?! Puwede ba Kiel, tumigil ka."

"Hard to get?" saad nung Kiel.

"Please...pauwi mo na ko.." nakita ko ang takot sa mata niya.

"No, matagal ko na gustong angkinin ka." Nangigil ako. Yung kamay ko handa ng sumuntok.

"Kaya ngayon, gagawin ko na." Hinawakan niya si Danica.

"Kiel tama na! "

"No-ahh! "

"DON'T YOU DARE TOUCH HER!"

-----
Don't forget to Vote, Comment & Follow :)

~Lovelots!

-Littlegirlost

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now