AGTR 25

964 25 0
                                    

Jacob's Point of View.

Nakatanaw ako sa maganda at nakakabighani na lugar kung saan ko dinala dati si Danica.

Ininom ko ang beer na malamig pa...

Napabuntong hininga ako at sumandal. "Ma, kung nandito ka lang sana...matutulungan mo ko." may isang butil na patak na luha ang tumulo mula sa mata ko, hinayaan ko lang ito.

Ganto ba yung feeling na..............mareject?

Reject ba talaga? O naguluhan lang siya?

Bakit kasi siya umalis nang aminin ko sakanya na nagugutuhan ko na siya?

Masisi ba niya ko? E yun yung nararamdaman ko. Ibang-iba ang nararamdaman ko sakanya kesa sa dating mahal ko na iniwan lang ako...

Natawa ako sa sarili ko. "Iiwan ka din naman niya Jacob e." Iiwan din niya ako dahil papanik din siya sa langit.

At ako? Ako maiiwan na naman dito.

Bakit lahat nalang na mahal ko nawawala saakin? Una, si mama.

Pangalawa, si Chelsea na akala ko mahal na mahal ako..pero iniwan ako.

Tapos si Danica...Oo, alam ko na nagugustuhan ko palang siya, pero alam ko din sa sarili ko kung niloloko ko lang din ito.

Oo sa ngayon nagugustuhan ko si Danica, at di malabo na Mahalin ko siya.

Sabi ko naman kasi dati sa sarili ko, tutulungan ko lang siya dahil naalala ko lang si Mama sakanya. Kapag nakamit niya ang hustisya makakamit din ni mama ang hustisya na dati pa niya hinahagad.

Pero parang naiba e. Para mas gusto ko na di ituloy ang laban niya. Dahil ayoko na mawala siya.

Pero ayoko din na mapunta siya sa isnag madilim at nakakatakot na kwarto.......

Ano gagawin ko? Gulong-gulo na ako.

Tutulungan ko ba siya? kahit na mahalin ko siya o Iiwas nalang ako at hayaan siya?

*****

Danica's Point of View.

"DANICA! PUMASOK KA NA!" sigaw ko sa sarili ko. Kanina pa kasi ako andito sa labas ng pintuan nang condo ni Jacob.

Nahihiya kasi ako, dahil sinabi niya iyon at baka masabi ko na din na mahal ko siya.

Atsaka di ako puwede umalis....dahil yung misyon ko di pa natatapos. Wala pa din ako clue kung sino ang pumatay saakin at bakit niya ko pinatay.

At ayoko masayang ang mga araw na kasama siya. Dahil, pagnatapos ang misyon ko.....

Napangiti ako ng may paghihinayang. Babalik ako at di ko na makikita ang mukha niya.

"Danica?" Nastatwa ako. "What are you doing outside?" Ngayon nandito na siya sa gilid ko. "Its cold here." tumingin, ako sa paligid baka may tao na dumadaan. Buti naman at wala. Pagkamalan pa baliw si Jacob. "Hey, get inside." napatingin ako sakanya. Namumula at parang mapupungas ang mata niya. Kaya napakunot ako pumasok.

"Sige, papasok na ko sa kwarto." Paalam niya.

"Teka.." saad ko. Hinawakan ko siya sa braso. Tinignan niya iyon kaya uwimas ako ng tingin at tinanggal iyon. "A-Ano uminom ka ba?" Tanong ko. Nag aalala kasi ako sakanya.

"Wala ka na dun." saad niya na kinagulat ko. "Wala kang pake kung uminom ako o hindi, mula ngayon huwag mo na ako pakikialamanan."

"Jacob.." mahina kong tawag sakanya.

Tumalikod siya saakin. "Huwag ka mag aalala kasi tutulungan padin kita."

"A-ano bang nangyayari sayo?" Tumulo ang luha ko.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko na nagugustuhan kita. Biro lang yun."

------*-

Hello! Nagbabalik si Author! Thank you dahil di kayo nag sasawa. And thank you dahil andyan kayo.

Salamat sa nagbabasa.

Alam ko ang gulo nung detective thingy. Pero sisikapin ko ituloy iyon. Kundi lalagyan ko nalang ng magaayos. At di na si Jacob.

Masyado magulo pero susubukan ko ayusin.

Don't forget to Vote, Comment and Follow!

-Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now