AGTR 75

927 21 0
                                    


Danica's Point of View.

Tahimik ako nagsusulat sa library. Habang naka earphones. May tinapos akong assignment.

Kung tinatanong niyo kung ayos na kami ni Thalia? Nganga pa din. Halos mabaliw ako kasi walang maingay nababae akong naririnig. ~T_T~ Pag kumakain? Ayun, tahimik kaming dalawa ni Thalia. Ang pumalit saamin ay yung dalawang lalaking kasama namin.

Bumalik na din yung ugali ni Jacob saakin. Yung mabait, maalaga at pala ngiti. Hindi ako komportable dun. Kasi alam ko hinihintay niya yung sagot ko.

Pero hanggang ngayon wala pa din akong sagot, kasi hindi ko pa din alam. Alam ko kasi na masasaktan ako pag ginawa ko yun. Masama ba na ayoko lang masaktan? Masama ba? Kasi syempre mas aalalanin ko din yung sarili ko kasi sobra na siya nasaktan.

Sino ba naman taong gustong masaktan? Oo alam ko na kapag mahal mo yung isang tao..handa kang masaktan. Ganun din naman ako....kaya ko gawin para sakanya. Pero iba na ngayon, masyado na ko nasaktan sakanya.

Masyado na ko umasa na mamahalin niya ako.

Kaya wala pa din akong sagot sakanya dahil ayoko nang masaktan sa parehong dahilan.

Masyadong masakit.

Nakakasawa na. Nakakasawa namang umasa kung may mahal na siyang iba diba? Ayoko na magpakatanga, tama na.

Hindi naman ako susuko ng dahil talo na ko, susuko ako kasi alam ko na mas sasaya siya sa piling ng...ng....

kaibigan ko.

Kung kaya ko lang sana agawin siya...gagawin ko.

Kaso.....Hindi ko kaya.

Bakit kasi kailangan ko pa siya maalala? Ano ba talaga plano ng panginoon saakin?

Lord, ano ba tlaga yung plano mo?

Ano na bang desisyon ang gagawin ko?

Papayag na ba ako? O Hindi.

Pagpumayag ka Danica, Ihanda mo yung puso mo masaktan.

Kapag hindi ka pumayag. Ihanda mo yung konsensiya mo kapag may nangyari masama kay Jacob.

Putek! Inihiga ko ang ulo ko sa lamesa. Masyado na ko naka focus sa pagiisip.

Handa ba ko masaktan? O Handa ba ko na makonsensiya sa ginawa ko?

'Parang gusto ko nalang maging multo ulit. Tas nasa langit lang ako.'

'Atleast doon, wala ako iniintinding sakit.'

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now