Ngayong gabi...
ako ay sa’yo.
Ngayong gabi...
ikaw lang at ako.
Ngayong gabi...
walang istorbo.
Ngayong gabi
Magiging isa tayo.Itikom muna ang iyong mga labing nakaawang.
Mula sa tabi ako’y iyong pagmasdan.
Pakatitigan...
Habang aking iniindayog itong malambot na katawan.
Pakaliwa, pakanan.
Sa saliw ng musikang marahan.Isa...Dalawa...
Tatlong butones pababa.
Apat..Lima...
Hanggang sa tuluyang mailuwa.
Ang kayamanang inihanda.
para sa pinakahihintay na gabi ng pulot-gata.
Na natatangi lamang sa iyong mga mata, sinta.
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.