Repost from Harot Huwebes entry on twitter
Prompt: Dance***
Hanggang kailan ako makapagpipigil
Parang sasabog na ako sa panggigigil.
Sayaw na ito’y kailan ba titigil?
Kaganapan na ang nais ko sa ’yo giliw.Mahal, sa aki'y huwag ka munang mabaliw.
Tayo'y umindak muna sa saliw
ng malamyos na tugtog.
Katawang matigas ay bahagyang iyugyog.
Umindayog...
Sabayan mo ng mainit na pagyapos.
Mga daliri mo'y ipadausdos
sa aking katawan hanggang sa matulos.Sa bawat pilantik ng iyong balakang,
dulot sa aki’y init na hindi maintindihan.
Ginigising mo ang aking kamunduhan.
Sa kanasa-nasang indayog ng iyong katawan.Mga kamay mo'y paglandasin pa sa aking kabuuan.
Limasin mo hanggang sa ito'y mainitan.
Ikiskis mo pa sa akin ang iyong nakatagong laman.
hanggang pagpipigil ko'y mapigtas na nang tuluyan.Sayaw ba nating ito’y saan papunta? Dahil pagpipigil ay hindi ko na makakaya.
Haplos ng iyong mga daliri'y kung saan-saan napupunta.
Kaya't apoy sa kaibuturan ko'y sasabog nang tila.Sa paggalaw ay huminto ka,
Tignan mo ako ng diretso sa mga mata.
Mga nakaharang ay tanggalin na nang paisa-isa.
Panibagong sayaw ay simulan na natin, sinta.
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.