Sa Paglamlam Ng Gabi

49 2 1
                                    


Nakikita kita sa bawat pagpikit nitong mga mata.
Mahal, nakikita kita.
Nakikita kitang nakangiti sa gitna nitong mga hita.
Sinasamba ako ng walang sawâ.

Bagamat malamlam ang gabi,
kakisigan mo'y hindi nito ikinukubli;
Maging ang lamig na dala nito'y pinapainit mo ng paunti-unti.
Pinapainit, sa bawat pagdampi ng mapusok mong mga labi sa aking karagatan.
Sa aking kayamanan na nagdudulot ng pagkatuyot sa aking lalamunan na tila ba isang kapatagan na nilisan na ng mahabang tag-ulan.

Ang bawat pagkiwal, pagmasok-labas ng iyong katulisan ay sadyang
nakakawala sa katinuan.
Hindi na batid, hindi na maalala maging itong sariling pangalan.
Hinahawi ang bawat hibla ng karunungan.
Nilalamon na ng kapusukan.

Nagniningas...
Nagniningas man ang iyong mga mata sa gitna ng dilim,
apoy at lamig sa aking katauhan ay nanunuot sa bawat pagsimsim.
Ang nagkukubling hiyas ay inaararo - binubungkal,
Matabang unod ko'y ninamnam mula sa kagubatang masukal.

Nakakahingal, hapong-hapo.
Aking pakiramdam ay nasa pagitan ng langit at empyerno.
Nakakadarang, nakakapaso!
Ngunit ang bawat apoy ay tinatanggap ng buong-buo, gustong-gusto.

Nauupos na ako...
Tila kandilang natutulos - dinig ang pagtulo.
Naanod man ng tagatak ng pawis
ang iyong wangis kasabay ng masarap na daing at ragasa ng tubig sa pinagsawaang batis.
Mahal, ako'y ngingiti pa rin ng kay tamis.

Bagamat sa pagmulat nitong mga mata'y di ka na muling makita.
Habang sa akin ay nakatingin at nakangiti sa pagitan nitong mga hita.
Batid ko, nariyan ka lang sa bawat paglamlam ng gabi.
Kakisigan mo'y masisilayang muli at 'di na magkukubli.
At ang lamig ng gabi'y papainitin mong muli ng paunti-unti.
Sa pagdampi mo sa aking karagatan.
Sa pagbungkal mo sa matabang unod sa aking masukal na kagubatan.
Hanggang sa pareho tayong mapaliyad, umungol at pagpawisan.

Mahal...

Habang wangis mo'y nakikita sa likod ng kadiliman.
Pipikit at pipikit akong muli, upang ika'y masilayan.

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon