Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tutungo sa buwan at wala nang balikan.
Kung maaari lamang na lumutang, lumipad patungo sa kalawakan; mananatili sa piling ng buwan, wala nang balikan.
Mananatili't hindi na babalik pa, sa mundong ito kung saan naroon ka; sa mundong walang ako, walang tayo— hindi magkakaroon nang tayo.
Mananatili na lamang dito, sa piling ng buwan na tanging nakakaunawa sa aking siphayo: paghahangad sa atensyon at pagmamahal mo; kung saan mabibigyang pansin ang sarili ko, ang AKO naman.
Kaya't kung pwede lang— kung maaari sana'y lumutang na at lumipad patungo sa kalawakan, palayo sa 'yo...
Sa piling ng buwan na siyang tanging nakakaunawa at nagmamahal.
–chaymendi (c) 2020 photo credits to: Platonic Mind, FB