Halik sa Piling ng Ulan

25 2 0
                                    

HHCollaboration with @humeyesu under ADNTinta Harot Huwebes Team.

***

Basang-basa...
tuliro at balisa.
Nakatingala...
mula sa labas ng iyong bintana
Habang taglay sa puso ang pagsisisi dahil sa nagawang pagkakasala.

Nakatingin sayo habang ika'y nakatayo
sa ilalim ng ulan at tuliro.
Alam kong basang-basa ka na at nagsisisi
pero hindi pa rin mawala ang sakit sa iyong nagawang pagkakamali.

Nanginginig na
ngunit puso'y matibay pa rin at umaasa.
At sana...
mapansin saglit ang aking pagmamakaawa.
Mula sa kinalalagyan ikaw sana'y bumaba.
Ibigay sa akin ang hinahangad na salita.
Sapagka't mahal na mahal kita
at hindi kakayanin na ika'y mawala.

Ika'y nakitang nanginginig.
Dala na rin ng matagal na pagkabasa at matinding lamig.
Hindi ko na nakayanan na tiisan ka pa
kaya't ako'y nagmadaling bumaba
Sinugod ang malakas na ulan at patakbong niyakap ang katawan mong basa.

Sa pagdampi ng ating mga katawan
nanginginig na daing ay pakinggan.
"Patawarin mo sana mahal, sa nagawang kasalanan. Ako'y nangangakong hindi na ito uulitin kailanpaman."
Kapagkuwan, sarili'y natuksong ika'y hagkan.
Marubdob na halik mga labi mo'y hindi nais na pakawalan.

Sa pamamagitan ng halik sasabihin ko ang lahat.
Ipadarama sa'yo sa bawat paglapat. Mariin, mapusok...sana ay marinig mo.
"Oo pinapatawad na kita", salita sa mga labi ko.

***

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon