Sa Piling ng Buwan

39 4 0
                                    

Swooosh, kreek, swooosh…

Tunog ng malakas na ihip ng hangin
at nagkikiskisang mga sanga.
Ang pumukaw sa kanyang atensyon at natutulog na diwa.
Narinig na ingay ay sa labas nagmumula;
Sa likod ng puting kurtina at nakabukas na bintana.

Mula roon sumilip ang mala-kristal na liwanag.
Kaya’t mga matang kukurap-kurap ay agad na nabihag.
Katawa’y iniangat sa hinihigaang papag.
Kasunod nito’y tunog ng kanyang mabibigat na mga yabag.

Puting tabing sa bintana ay kanyang hinawi.
At nasilayang kagandahan ay nagpaawang sa kanyang mga labi.
Malaki at nagliliwanag na buwan sa kanya’y tila nakangiti
Hinahaplos ang kanyang puso na may hinagpis at pighati.
Habang mga salitang ito'y sa kanyang bibig ay namutawi

“Salamat sa iyong liwanag, buwan.
Sapagka’t naibsan itong kalungkutan
Kahit sa panandalian lamang
Pagkawala niya’y saglit na nalimutan.
At sa tamang panahon, mahal.
Ika'y makakasama rin dyan sa kawalan."

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon