Sa Piling Ng Dapithapon

23 0 0
                                    

Picture prompt taken by wuthie16

Doon tayo kung saan kinakain ng gabi ang liwanag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Doon tayo kung saan kinakain ng gabi ang liwanag.
Kung saan pinupuno ng kulay kahel ang langit, at pusong nalulumbay ay napapanatag.
Kung saan may pag-asang mababanaag,
sa likod ng dapithapon.

Nagtampisaw tayo sa mala-kristal na tubig alat,
hindi tayo nagpaawat.
Kahit manuot man sa ating mga katawan ang lamig,
magtagisan man ang mga bagang dala ng panginginig; hindi tayo umahon.

Nagpatianod tayo sa banayad na galaw ng mga alon,
habang sa himpapawid ay nagkakantahan ang iba't ibang uri ng mga ibon.
Magkahawak kamay tayo at sabay pagpikit.
Habang mga labi nati'y dahan-dahang naglalapit.

Kakapit...
Kahit kadiliman man ay sumapit,
lamunan man ang ating kabuuan ng gabing pusikit.
Mahal, hindi ako bibitaw, hindi magagawang ika'y ipagpalit.
Kahit pa...
Kahit pa, mistulan ka na lamang isang malambong na ala-ala.

Ala-ala sa piling ng dapithapon.
Kung saan kinakain ng gabi ang liwanag.
Kung saan pinupuno ng kulay kahel ang langit, at ang pusong nalulumbay ay napapanatag.
Mahal, sa wakas puso ko ngayon ay muli ng panatag.
Puno na ng pag-asa.
Kahit wala ka na,
may tapang na akong suungin ang pusikit na gabi at may ngiti sa mga labing sasalubungin ang bagong umaga.
Nangangarap sa darating na bukas ay muli kang makakasama,
At muli kong masabi ang mga katagang,

"Mahal na mahal kita..."

***

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon