Kung Maibabalik Ko Lang...

49 3 0
                                        

Para sa mga taong nagkamali,
Sa mga taong minsang nalito sa pagpili.
Sa mga taong nalihis at ngayon ay nagsisisi.
Sa mga taong kinukumbinsi ang kanilang mga sarili ~
na may pag-asa pa.
Na babalik pa ang minsang iniwanan na tama.
Kumakapit sa salitang sana ~
Umaasa, na may "muli" pang mabuo sa dating sila.
Habang sinasambit itong kilalang linya sa pelikula, "Ako...ako na lang ulit..."
Ng paulit-ulit...

Minsan isang araw nagsawa ka.
Sa maingay mong asawa,
Sa selosa mong nobya.
Nawala 'yung karapatan mong maging malaya.
Lumihis ka ng daan -- umiba ka ng rota.
Dahil pakiramdam mo ay nasasakal ka --- at hindi na makahinga.
Hindi ka na masaya.

Habang binabagtas ang napili mong  daan, may "siya" kang nakilala.
Sa kanya mo nahanap 'yung kaligayahan --- 'yung ngiti at tawa.
Sa kanya ka naging masaya.
Kaya nagpakasasa ka.
Nakipaglinggasan ka sa talim ng apoy,
habang unti-unting lumulubog ang dating relasyon sa kumunoy.
Nagmistulan kang bingi sa pagtangis niya at panaghoy.

Subalit isang araw nagising ka nang wala ng "siya".
Tulad mo siya'y nagsawa,
at katulad mo naglaho din ng parang bula.
Isang magandang panaginip sa iyo na naging bangungot sa isang kisap-mata.
Bumalik ang lungkot, nawala ulit 'yung saya.
Nalugmok ka sa isang pagdurusa.
Pagdurusa mo, kapalit ay pagbangon niya.
Mga luha mo, ay matamis na ngiti sa mga labi niya.
Pagkabingi mo, ay ang pagkamulat ng kanyang mga mata.

At ngayon...
Sa hangin ika'y bumubulong,
"Ganyan na ganyan tayo noon."
Habang tanaw mo siya sa dako pa roon;
masaya, nakangiti, maligaya sa piling ng iba.
Nagsisisi --- umaasa.
Kumakapit, kahit walang-wala na. Kasabay sa hindi na mapigilang pagtulo ng mga luha sa mga mata.

"Kung maibabalik ko lang sana..."

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon