"Ikaw Pa Rin"

33 4 0
                                    


Ngayon ko lang sasabihin ito.
May nagbalik "dito".
Pakiramdam na siyang sanhi sa pag-uumpugan nitong isip at puso.
Nang aking pagkabalisa at pagkatolero.
Pakiramdam na pinipilit kong kalimutan ngunit bigo.
Itinago...
Ilihim sa'yo,
sapagka't ayoko nang makagulo. Minsan na kitang ginago.
Nasaktan at niloko.
Naisip, na tama na ang sakit na naidulot ko.
Subalit patawad, ngayon ay kailangan ko nang sumuko.

Kaya't sana'y makinig ka.
Kahit ngayon lamang, sinta.
Buksan ang isipan at maniwala
sa mga sasabihin ko.
Dahil ito...
Ito ang totoo at hindi nagbago.
Na ikaw...ang siyang tanging ikaw.
Ang patuloy na sinisigaw,
"nito".
"Ikaw pa rin, Sinag. Ikaw pa rin ang mahal ko."

***

Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Para akong tanga na nakatayo rito sa inyong harapan
Loob ko'y nilalakasan
Sinusubukang ilahad sa inyo kung ano...
Kung ano ang sa akin ay bumabagabag --- kung ano ang nararamdaman.

Paano ko ba sasabihin sa inyong eto nanaman ako?
Na itong tangang puso ay ikaw pa rin ang laman --- ikaw pa rin ang gusto.
Sinubukan ko.
Maniwala ka, sinubukan kong burahin
Alisin
'Wag pansinin.
Subalit...wala eh, ikaw pa rin.

Sabi nila,
"Hindi tamang pumipila pa sa isang pintong nakasara na.
Kung hindi na tama aalis na,
at magtatapos na lang sa mahal kita."
Sana ganun nga lang 'yun kadali.
Ganun lamang kadaling igiit o ikubli.
Na sa araw-araw, laman nitong isipan ay ang kanyang mga ngiti.
Na masaya akong mahalin siya kahit na mali.

Para sa akin, walang masamang pumila sa pintong nakasara na.
Sapagka't sa bawat pagsasara nito'y may magbubukas na bintana.
Umaasa akong balang araw ay dudungaw siya.
Makikita niya rin ako
Itong tangang pag-ibig ko.
Na kahit anumang sakit
at hagupit ng pait hindi sumuko.
Patuloy na hindi susuko
Hanggang sa buksan niya ng tuluyan ang nakasara niyang pinto.

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon