Sarili'y nakatulala,
Nakahalumbaba;
Isipa'y tolero at balisa.
Nakatunghay sa labas ng bintana,
Habang yaring mga mata'y hindi mapigilan ang pagragasa
ng yaring nag-uunahang mga luha.
Kasabay nitong impit na paghikbi,
mula sa aking kipot na mga labi
Dala ng hindi maipaliwanag na sakit at hapdi,
Dito...
Dito sa loob ng yaring nagmamahal na puso,
Nang sandaling ako...ay iyong niloko.Bakit?
Unang tanong sa isipan ko ay gumuhit.
At doo'y umaalingangaw ng paulit-ulit.Bakit?
Ginawa mo'y hindi mawaglit,
Kahit anong pakiusap mo'y hindi maibsan itong sakit,
Maging yaring bigat sa dibdib dulot ng galit.Bakit?
Salitang 'patawad' mula sayo'y hindi matanggap?
Nang mga oras na ika'y nagpaliwanag at ako'y niyakap.Bakit?
Bakit ang pagpapatawad ay sadyang kay hirap?
Gayung sa bawat segundo ikaw ang siyang hanap-hanap...Bakit?
Sabihin mo...
Sa kabila ng wagas na pagmamahal ko,
Bakit ako'y ginago mo?
Bakit?
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.